*Continue*
"Ka-hit b-at-a pi-napa-t-tay m-mo...i-isa k-kang huwad...hi-hindi ka ma-ru-nong tuma-nggap ng pag-ka-talo mo at h-hi-git s-sa la-hat wa-wa-la k-kang pu-so." Nauutal na sabi ni Lara sa kaaway niya.
Tatlong bala na ang natanggap ni Lara mula sa pagkakabaril sa kanya ngunit nagagawa niya pa ring magsalita sa harapan ng lalake.
"Ten seconds nalang bagong taon na" it was her kuya Sean
"Sabay-sabay tayong mabibilang" tinignan niya yung pamilya niya na may malalaki ng ngiti sa kanilang mukha habang siya naman ay nalulungkot dahil wala pa ang ate niya.
"Darling? Why are you not joining to us? come here" anyaya ng mommy niya sa kanya habang nasa hagdanan siya
"Mom can we just wait for ate?" she ask her mother
"Darling makakasabay parin naman ang ate mo sa hapag so don't be sad okay?" sagot ng mommy niya
"Oo nga princess, tyaka bigyan mo rin amman kami ng mga kuya mo ng pansin lagi na lang kasi si Lara" tumingin siya sa kuya Jayson niya
Gaya ng sinabi nila ay sinalubong nga talaga nila ang bagong taon kahit na sa kalooban nila ay nanghihinayang dahil hindi nila nakasama si Lara at higit sa lahat alam nilang nangangamba sila sa kanilang anak at mga kapatid din nito.
Sa pagsalubong naman ni Lara ng bagong taon ay isang trahedyang pangyayari ang naganap sa kanyang buhay.
Walang kamalay-malay ang ibang mga tao sa kung nasaan sila dahil walang masyadong tao doon at dagdag pa ang pagsabay ng mga fireworks na naririnig at nakikita sa itaas kaya malabong marinih ng mga tao ang putok ng baril na kumakawala.
Muling pinaputukan ng demonyong lalaki ang dalaga ng dalawang beses at dahil dito ay hirap na hirap na si Lara sa kanyang sitwasyon at kaunti na lang ay bawian na ito ng buhay.
"Mali ka ng binangga mo at oo hindi ako marunong tumanggap ng pagkatalo ko. Isa rin akong mamatay tao at gusto mo isunod ko pamilya mo sa'yo?" sabi ng matanda kay Lara bago niya ito iwan at umalis na para walang makakita sa kanya.
Pero bago pa man bawian ng buhay si Lara ay ngumiti ito at kasabay ng pagtulo ng maliit na luha sa kanyang mga mata.
CHARLIE'S POV
"Ibig mo bang sabihin...nakita mo ang mga pangyayari noon?" tanong ni sir sa akin
"Hindi ko lahat nakita sir pero yung babae hirap na hirap siya noon habang naliligo na sa dugo" sagot ko pero bakit parang feeling ko ay gustong hungkayatin ni sir ang matagal ng nangyari
"Pero nakita mo ba ang mukha ng lalake?" he curiously asking me about what happened a years ago.
Isn't it obvious that he's too much questions to me?.
"Hindi ko kita ng buo pero may palatandaan ako sa kanya at tyaka sir that time na nangyari ang aksidenteng iyon ay feeling ko ho yung ate ko talaga ang nasa sitwasyon na iyon" mahaba kong sabi at pagtingin ko kay sir ay mukang nag-iiba ang ekspresyon sa mukha niya at tinignan muli ako.
"Hija...anong palatandaan ang nakita mo doon sa lalaking iyon?" curious na naman niyang tanong sa akin at sasabihin ko na sana ngunit sumingit si Kiev sa usapan
"Charlie kailangan na natin umalis dahil may gagawin pa pala ako...sir alis na ho kami" sabi ni Kiev at parang wala sa sarili si sir Pricon kaya tango na lamang ang naisagot niya sa amin
"Ash and Khae...uwi na tayo" sabi ko pero mukang ayaw pa nila dahil naeenjoyan na sila sa paglalaro
"Ayaw niyong umuwi...sige bahala kayo d'yan" sabi ko at agad naman nilang binitawan ang mga gamit at nagmamadaling sumunod na sa amin ni Kiev.
Pagbaba namin ay tumambad muli ang mga nakaitim na tao dito. Lakas talaga ng kalabog ng dibdib ko kapag nakikita ko sila.
Sa wakas ay nakalabas na kami at nandito na rin kami sa loob ng sasakyan.
Nang napaandar na ni Kiev ang sasakyan ay nahagilap ang mga tingin ko sa side mirror ng sasakyan at...sure ako dito sa hinala ko dahil pamilyar pa rin sa akin ang kanilang sinakyan simula noong gusto nila ako dukutin.
Pagtingin ko sa rearview mirror ay nakatingin din sa akin si Kiev...mukang nakita niya din siguro ang sasakyan na nasa likod namin.
Tumingin naman ako kina Ash at Khae pero nakakunot ang mga noo nila sabay napapangiti. Sige ngiti pa kayo d'yan...hindi ito kilig moments kung yan ang naiisip niyo kundi panganib. Oo panganib Ash at Khae kaya 'wag kayong ngiti-ngiti diyan dahil magroroad to heaven tayong apat dito...kumapit ng mahigpit hah?.
"Ash at Khae magseatbelt kayo at kumapit ng mahigpit" sabi ni Kiev sa kanila at tumingin sa rearview
"Patakbuhin mo na Kiev...bilis!" at ayun na nga pinatakbo niya ng mabilis.
Mabilis din pala sila humabol sa amin noh kaya naman pinatakbo pa ni Kiev ng mabilis ang sasakyan habang ang dalawa naman ay sumisigaw sa kakatanong sa'min at mukang natatakot na.
Kala niyo kayo lang natatakot...pwes mas lalong ako dahil ako mismo puntirya nila dito once na nahabol nila tayo kaya di pwedeng itigil ang sasakyan na ito nohh.
Di'ko alam kung natatakot din si Kiev kaya di'ko din masasabi na apat kaming natatakot dito kasi di naman konektado isip namin eh.
Hindi ko na alam kung saan kami napadpad pero mukang napuntahan ko na ang lugar na ito at...dito pa talaga sa lugar nung mga kasamaan ni Angeles na si Aian at Yannie.
At mukang di na talaga nila kami naabutan pa.
"Mag-explain kayo sa amin kung ano ba ang nangyayari" sabi ni Ash
"Oo mamaya na yan at pumasok muna tayo" si Kiev...t-teka bakit kami papasok aba'y trespassing ito ah tyaka may nakatira...ano ba kayo uyy
"Ba't naman tayo papasok diyan ehh trespassing tayo" sabi ko at di man lang siya naniwala kaya pumasok na lang sila at iniwan pa ako dito sa labas kaya wala naman akong magawa baka nandiyan lang sa paligid yung mga kidnappers at dukutin ako ng basta-basta pag di pa'ko pumasok sa loob.
Napilitan naman akong pumasok ngunit kailangan talaga eh.
Ayaw ko na sanang balikan ang lugar na ito ngunit parang tadhana na sa akin na dito kami mapadpad baka sakaling ito na rin ang araw na humingi akong ng tawad sa mga naibitaw kong mga salita kina Yannie at Aian.
Pagpasok ko sa pinakaloob-loob ay akala ko sina Yannie at Aian lang ang makikita ko ngunit marami ang nandito sa loob. Hindi lang kami.
Nagulat nga rin sila dahil sa pamamasok naming apat dito sa loob. Aalis kami kung di niyo kami papatuluyin dito noh.
I was about to leave it now because their presence to me is something weird that what I've felt but Kiev, Khae, and Ash and even Aian are stopped me so I stopped it too.
Aian give the four of us to take a sit to talk about what happened earlier. Pero bago pa man sila makapagsalita ay dumilim ang nakikita ko at mukang nahihilo ako dahil siguro sa mabilis na pagpapatakbo ni Kiev ng sasakyan o yung nararamdaman kong kaba kanina.
YOU ARE READING
The Archer
Mystery / ThrillerA young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rather want to face and fight for herself just to show to them that she's not scared to anyone. As of t...