Ilang araw na ang nakalipas simula nung tumira si Angeles dito sa bahay namin at sa awa pa naman ng Diyos ay wala pa akong nakikita sa kanya na siyang pwedeng ikakasira ng tiwala ko. Mabuti nga yun eh para wala na akong mabitawan na masasakit na salita sa kanya, pero mananatili pa rin ako na huwag siyang masyadong lapitan baka linilinlang lang ako nito.
Matagal na rin kaming nagbalik eskwelahan at kasalukuyan ako ngayon nandito sa rooftop dahil gusto ko lang tanawin ang lawak ng paaralan namin kasi last year ko na dito at malapit ng grumaduate kaya heto ako ngayon...
Papasok na sana ako sa loob ngunit nakita ko ang pinsan kong si Felice na nasa tabi ng pintuan na papasukan ko pero wala naman akong pake sa kanyan...'cause many years had passed, everything has changed...wala na yung dati naming kulitan at asaran, hindi ko alam kung paano pa ibabalik yung pinagsamahan naming magpinsan.
Kasi nahihiya na ako sa kanya...sa mga salita na naibitaw ko sa kanya...and yet, after all I'm the one who ruined this kind of a bestfriend goal and not a cousin...
Papasok na sana ako ngunit bigla siyang nagsalita kaya natigil ako sa paglalakad, ayaw ko sanang makipag-usap ngunit mayroong nagpipigil sa kalooban ko na huwag muna umalis.
"Charlie, can we talk?" we've already done
"Can we please go back to the past?" diin niya kaya bigla rin akong nagsalita.
"You know Felice?...past is over, at kahit kailan di na maibabalik ang dati kahit ano pang gawin mo kasi nga ako na mismo sumira..." pilit kong sabi
"And can you please stop blaming yourself na ikaw ang may kasalanan ang lahat, kasi ako...ako ang may kasalanan...dahil inagaw ko sa'yo mismong kababata mo at sa paglaki natin ay siyang babawiin mo rin pala mula sa akin!" sabi ko sa kanya na nagpipigil ng luha na pumasok sa loob.
Bakit parang ang sakit-sakit sa pakiramdam na bumalik na sa past...nung una mas gusto ko ang past kesa sa present dahil sa masayang alaala kasama ang mga pamilya ko pero ngayon bakit parang ang sakit na para sa akin ang bumalik sa past kung pinsan ko naman ang nakasama ko sa maganda ring mga alaala na mahirap ng ibalik ang dati.
Lakad takbo ang ginawa ko patungo sa comfort room dahil di'ko na mapigilan pa ang mga luha ko na nabubuo sa mga mata ko.
Napakasakit isipin na ako lamang ang nag-iisang Cabbrice na napakamatigas ng ulo...hindi ko na alam makisama at di na rin marunong rumespeto o gumalang man lang...marami na talaga ang nabago sa pagkatao ko kasi wala na yung dating ako...halos di'ko na yata makilala ng lubusan ang sarili ko.
*Flashback*
I was about 12 years old after I'm moving on since the death of my ate...and I was trying on again to communicate with other people and it seems work with my moves.
Ilang buwan ang nakalipas ay naibalik ko muli ang malakaibigan kong kasanayan at makukulitin bilang bata, at higit sa lahat naibalik ko muli ang sigla ng dati kong buhay.
Madami din akong naging kaibigan pero mas nanaig parin ako sa pinsan kong si Felice na maging matalik na kaibigan kesa sa iba diyan, kasi mula pa lamang mga bata kami para na daw kaming magkapatid dahil mahirap na daw kaming paghiwalayin kapag pinagsama na kaya ayun lumaki kami na laging magkasama sa kung saan man kami magpunta...siya rin yung lagi kong nakakatabing matulog noong nawala na si ate...Felice is the best cousin for me...because she's always that clingy and she's good at advising.
Pero nung umalis sina Felice papuntang UK para asikasuhin din yung isang ipinamana ni Lolo na kompanya sa kanila ay nawalan muli ang saya na parang kailan lang ko lang dinarama.
Noong kami na lang din ni mom ang natira sa bahay ay ipinasyal niya ako sa probisiya dahil may gusto daw siyang bisitahin na kaibigan niya mula pagkabata pa, pero sa hindi ko inaasahan ay mukang nakahanap din ako ng bago kong magiging kaibigan, akala ko nga masungit siya noon eh pero nung ipakilala ko ang sarili ko sa kanya ay parang ang saya niya.
"Hi...I'm Charlie and you are?" tanong ko sa kanya at agad niya namang inalok ang kamay ko
"I'm Alex...so how old are you now?" Sabi niya nang pangiti-ngiti "I'm turning 13 this year...how about you?" I asked and he said
"13 from now on, actually birthday ko kahapon, sayang nga lang kung maaga tayong nagkakilala edi sana nakapunta ka kahapon" pagmamayabang niya at bigla na lamang akong nataw
Ilang araw ang nakalipas noong nalaman kong nandito sina Alex sa manila, kaya simula noon lagi na rin kaming magkasama at magkalaro dahil lagi siyang nagpapahatid papunta sa bahay namin noon dahil gusto niya daw ako laging nakikita.
Hanggang sa isang araw nalaman ko na rin na umuwi na sina Felice dito sa pilipinas kaya naman agad akong nagpaalam kay mommy na magpadrive kay mang Andy noon para puntahan siya dahil miss na miss ko na siya at gusto nang mayakap ng mahigpit.
Pero sa pagpasok ko sa loob ay napakabigat na nang damdamin ang nakita ko sa sala nila...kaya naman pala hindi siya dumalaw sa nakaraang araw dahil nandito naman pala siya sa matagal na niyang tinutukoy na unang naging kaibigan niya at kababata niya rin. Of all the past year...si Felice pala ang tinutukoy niya...ang pinsan ko.
Kahit na mabigat sa loob kong lumapit sa kanila ay pinilit ko pa rin ang sarili kong pumunta sa pwesto nila.
"Charlie...I miss you so much!" Felice welcome me through her deep hug to me after I visit her
"Alam mo ba may pasalubong ako sa iyo...madami at tyaka tiyak na magugustuhan mo mga ito" diin niya pa at nang tignan ko si Alex ay nakakunot ang noo niya na nagtataka
"Uhm Joy... magkakilala kayo?" He asked to my cousin
"Uh yeah, by the way she's my cousin...Charlie!" masayang sabi ni Felice
Dahil sa maraming araw ang lumipas ay iilan nalang pumunta si Alex dito sa bahay at makailan na din ng tawag at bisita dito si Felice ngunit di pa rin ako nagpaparamdam sa kanya...niyayaya pa nga niya ako makipaglaro kasama si Alex ngunit itinatanggi ko lamang ang mga ito.
Hanggang sa isang araw bumisita silang dalawa dito ni Alex sa bahay at kasalukuyan akong nandoon sa pool noon pero dahil sa halo-halo ang nadaramdam ko noon ay nagdilim ang paningin ko at bigla na lamang nagalit kay Felice.
"Sana hindi ka na lang umuwi dito Felice kung ganito lang ang nararamdaman ko na makita ngayon ang ayaw kong inaasam...sana dika na bumalik pa kung gusto mo lang din bawiin sa akin si Alex!" sigaw ko habang paiyak na ako
"T-teka ano ba ang sinasabi mo Charlie...di kita maintindihan at bakit naman nasama si Alex dito...dika man lang nahiya sa kanya" she said na parang magagalit na
YOU ARE READING
The Archer
Misterio / SuspensoA young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rather want to face and fight for herself just to show to them that she's not scared to anyone. As of t...