Chapter 12

5 1 0
                                    

CHARLIE'S POV

Two weeks had almost passed, di pa rin kami nagkakabati ni mommy pero sana magkabati na kami sa ngayon dahil ayoko nang lumala pa ang sitwasyon, siguro ako na lang ang unang kakausap sa kanya dahil mahirap na kasi pag tumagal pa.

Sa liit lang na hindi namin pagkakaunawaan napunta sa malaking tampuhan pero di ko na palalampasin nito, kung kailangang mag-usap kami, mag-uusap kami.

Dahil wala akong pasok sa ngayon ay nagpunta muna ako sa mall para naman mahimasmasan ako saglit dahil sa tagal ng hindi ko pamamasyal. Sinabi ko na lamang kay manong Andy na ihahatid muna niya ako bago siya pumunta sa lakad niya.

Ilang ulit akong nagtitingin sa mga bibilhin ngunit parang wala yata akong ganang bumili...palibhasa kasi napakamahal nila gaya na lamang yung taong magmamahal d'yan...pamahal ng pamahal kahit hindi naman ito inaangkin.

Papunta na ako ngayon sa cashier para bayaran ang mga binili ko...oh diba! kahit sa sobrang tagal kong nagtitingin ng mga bibilhin ay nagawa ko parin bumili kahit na mamahalin talaga...grabe! kahit mahal, gusto parin talagang ang kunin.

"Sorry mi- Charlie right?" pagkakasabi ng nakabunggo sa akin

"Sir, ikaw pala" saad ko sa kanya

"Yeah, what are you doing here?" ayoko sana siyang makausap pero nakakahiya naman kung ganun na lamang ang gagawin ko kay Sir

"I just went here to...you know?" sabi ko sabay pekeng tawa sa kanya

Nagpaalam na ako kay Sir para umuwi na dahil gusto ko nang makausap si mommy upang magkaayos na kaming dalawa. Ngunit sa kagustuhan ko nang umuwi ay tila pinagbagsakan ako ng mabigat na bagay sa naabutan ko sa loob ng bahay.

Oo, nandito ngayon ang dalawang mga alagad ng impostor kong kapatid ko at hindi lang sila ang nandito, actually nakikita ko rin yung gwapong lalaki na kausap ni mommy sa nakaraang linggo na pumunta muli siya dito.

Pero seryoso talaga, wala naman talaga akong galit dun sa impostor na yun, ang sa akin lang naman...ayaw ko lang naman na ginagaya niya ang mukha ng kapatid ko tas magpapakilala siya sa akin as my sister, hindi naman sa madamot ako sa lahat ng bagay pero kasi mahirap paring tanggapin na wala na yung kinikilala kong kapatid.

Ispin ko man na sa dami ng nakalipas na taon na nawalay ako sa kanya tas bigla na lang siyang lilitaw na parang walang nangyaring patayan, kitang-kita ko ang lahat kung paano dinala si ate sa hospital noon at kung gaano duguan si ate ng madatnan namin siya sa kalye noon. Tignan mo tuloy, damay na rin yang mga alagad mo.

Wala akong kibo na lumapit sa kanilang pwesto, mahirap na kapag pinalaki ko pa ang problema namin ni mommy, dahil ang gusto niya ay yung lalapit parin ako ng walang kibo kung may kinakausap siyang iba.

"So, she is?" tanong ni poging lalaki kay mommh

"Yeah" biglang napatingin si mommy sa akin, pero kahit na ganun nginitian ko  pa rin siya

"Hello, by the way I'm Anthony and you are?..." tinitigan ko yung kamay niyang gustong makipagkamay sa akin pero hindi ko yun sinuklian

Napansin ko si mommy na may sinabi siya sa kanya na pabulong pero naririnig ko naman ang sinasabi niya.

"Intindihin mo nalang siya...laking maldita kasi" sabay ako bumuga ng hangin mula sa lalamunan ko

"By the way, her name is Charlie" saad ni mommy sa kanya

"Nice to meet you, Charlie and by the way this is my friends" kailangan pa ba niyang ipakilala sa akin eh sa Kilala ko naman na sila

"I'll already know them" yabang kong sabi sa kanya

Pinaupo ako no mommy sa tabi niya pero tahimik lamang ako dito habang nakahalukipjip ang mga kamay ko sa dibdib ko at pinapanoood silang nag-uusap.

Napansin kong nagkakatitigan sina mommy at yung lalakeng iyun na ngumingit kay mommy at doon din ako napabalik sa dati kong postura.

"Why are you smiling at?...sa mommy ko pa talaga? don't try to flirt my mother, may asawa siya at mga anak tapos ikaw binata ka pa" pagkasabi ko nun ay napatawa silang lahat.

"Huwag ka naman ganyan kay Anthony...noong mga nakaraan kasi may pinag-usapan lamang kami noon tungkol sa'yo"

"What about me? What did you told to him?" ngiti lang ang isinagot sa akin ni mommy

"D'yan na nga kayo" iniwan ko na sila

Pero ano kaya ang sinabi ni mommy sa kanya noon ang tungkol sa akin, parang may ibang kahulugan yung pagiging non-verbal nila ni Anthony... wait di kaya!? omg...baka naman ipapakasal niya ako kay Anthony ng palihim kaya ganun na lamang ang malalaki nilang ngiti sa mga labi nila tyaka pinasama niya rin sina Yannie at Aian para sila yung mag-aarrange sa kasal namin? Oh no ayoko pa, bata pa ako!

Why I'm so very overreacting with that nonsense thing na hindi naman magkakatoto? Tyaka yung lalake na iyun eh two years gap naman kami, ayoko pa naman na ganoon yung lalakeng mamahalin ko.

But still...I can't control myself...ang lakas kasi ng datin niya sa akin.

Sa sobrang kadaldalan ko ay muntik ko nang makalimutan ang pakikipag-usap ko kay mommy, kaya naman umakyat na ako sa taas para sana kausapin siya.

Hopefully she can accept my apology right now.

Huminga muna ako ng malalim bago ko katukin ang kanyang pintuan pero sa pagkatok ko ay tila nakabukas ang pinto kaya pinasok ko na lamang, sa pagpasok ko ay tila tahimik ang kanyang silid na para bang walang nang tumitira.

Sabagay gabi narin naman kasi...tyaka di pa pala kami naghahapunan ni mommy...yung mga kasambahay naman namin ay umuwi sa kani-kanilang bahay for them to rest.

Bigla na lamang akong nakarinig na kalabog sa banda ng stock room dito sa loob ng kwarto nina daddy at mommy.

Napatingin ako saglit doon at lalapitan ko na sana kaya lang naalala ko na wala pala ako ni kahit na dala na armas ko.

I know what is happening here because ate Lara teach me on how to feel the unsafety moves of a someone.

Kumuha ako ng kahit ano mang gamit dito sa loob ng kwarto dahil wala na akong panahon kung sa ibaba pa ako kukuha ng armas.

Habang papalapit ng papalapit ang siya namang palakas ng palakas ng tibok ng aking puso, kalma lang Charlie, wag kang kabahan dahil baka mamatay kapa sa takot kung magpapadala ka. So relax lang Charlie.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa hawak kong vase at huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ng dahan-dahan ang pinto pero bakit ang dilim? wala ako makita ni kahit anino man, effort pa ako sa mga akto ko pero wala naman palang tao dito sa loob, siguro daga lamang ang narinig ko kanina at baka maaaring nasa labas lang si mommy, nakaramdam ako ng tila ano mang nakatutok sa aking ulo.

Nabitawan ko ang vase na hawak ko dahil sa bigla kong itinaas ang mga kamay ko at dahan-dahan na pumaharap sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa madilim dito.

"Who are you?"

Kaya kahit kinakabahan ako ay nagawa ko paring tanungin kung sino siya ng matapangan, hindi ko dapat pwedeng ipakita sa kanya na isa lamang akong mahinang babae.

"I'm the serial killer of this family" gusto kong lumaban sa kanya pero dahil sa may baril siya ay pilit na lamang akong mananahimik

"Saan mo dinala ang mommy ko?" tanong ko sa kanya

"Wala sa akin ang mommy mo peo ikaw muna ang uunahin ko ngayon since Ikaw lang yung nandito" sabi niya

And another, I've never let anyone to know what's my weaknesses because I know that they can use this against me.





The Archer Where stories live. Discover now