After three years I am now a grade twelve pero ayaw parin ni mom na wag na wag akong gagawa na kahit anong ikaaayaw niya na gawin ko. Hindi niya kasi makalimutan ang mga pinaggagawa ko noon...laging napapaaway.
"Darling, wake up, first day ng school mo ngayon, gising na!" sabi ni mommy
"Mom five minutes pa, inaantok pa'ko!" I said
"But you need to wake up now darling, this is the first day of your classes..common bumangon kana diyan at bumaba kana" tugon muli niya sa akin
Hindi ko naisip na first day pala ng classes ko, so agad akong bumangon at tumakbo papunta sa cr para maligo. Two minutes lang ang ligo ko ngayon dahil nagmamadali na ako papaunta sa school namin.
"Mom I'm leaving!" sigaw kong paalam sa mommy ko.
"But Charlie!! how about your breakfast?" pahabol niyang tanong sa akin.
Nang dahil sa pagmamadali ko, hindi na'ko nakakain ng breakfast ko pero it's ok lang naman kasi may cafeteria naman dito.
Pagtungtong ko sa pintuan nakita kong mags-start na sila sa klase kaya sabi ko sa sarili ko "hayy salamat nakaabot pa'ko sa first subject namin."
After the class, nagkakasama na kami ng mga kaibigan ko para pumunta sa computer room and after that pumunta na kami sa cafeteria para maglunch.
"Charlie, bat ang ganda mo?" nagpapasipsip ba itong babaeng ito sa akin?
"Anong maganda ng sinasabi mo d'yan!" demanda ko sa Khae
"Ano bang ginawa mo noong vacation?" tanong naman ni Ash
"Kayo ha kung ano ang sinasabi tumigil na nga kayong dalawa" utos ko sa kanila
"Eh sa tama naman kasi...indenial naman ito...ang babaw ng confidence di'ba Ash?" sige magparinig pa kayo
Hindi ko lang alam na malaki na pala nagbago sa sarili ko in the way na nagstay lang ako sa bahay within a one month.
Nang tapos na akong kumain nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na magc-cr lang ako saglit. Habang naglalakad ako papunta sa cr, nakasalubong ko si Alex na kababata ko.
"A-alex!?" gulat kong sinabi
"Dito ka na ba ulit mag-aaral o baka bumisita ka lang?" tanong ko sakanya ng pangiti
"Obvious ba Charlie? may namimiss ako dito eh kaya bumabalik" probably his childhood friend
"Ohh bakit ka nalulungkot?" tanong niyang sa akin habang tumatawa siya
"Bakit di mo man kasi sinabi na may taong namimiss ka pala dito" sabi ko
Tumatawa siya ulit ng diko man lang maintindihan kung bakit niya akong pinagtatawanan.
"Bakit ko pa sasabihin sa'yo eh sa alam mo naman na yun" sige tumawa ka pa d'yan
"Huwag mo nga akong pinagtatawanan Alex! Sino ba kasi yung tinutukoy mo dito?" tanong ko sa kanya
Tumawa ulit siya, nang sa mairita na'ko sakanya iniwan ko na dun para makapag-cr na at makabalik na sa cafeteria kaagad.
Hindi ko lang akalain bakit ganito kabilis ang pintig ng puso ko na para bang nagseselos ako sa sinabi niya sa akin kanina.
After ng klase namin umuwi na'ko kaagad dahil ayaw ni mommy na nagpapagabi ako, kaya hindi ko madaling kasama ang mga kaibigan ko.
Mga five o'clock na'ko nakarating sa bahay nang nakita kong may isang sasakyan na parang pamilyar sa akin at pagpasok ko bumungad sina tita ang mama ni Alex para bumista sila dito kasi sila ang mga dahilan kung bakit nagkakilala kami ni Alex.
YOU ARE READING
The Archer
Misterio / SuspensoA young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rather want to face and fight for herself just to show to them that she's not scared to anyone. As of t...