Chapter 11

8 1 0
                                    

ANGELES POV

Nandito ako ngayon sa rooftop at kasalukuyang nagpapahangin para mahimasmasan ang mga nararamdaman kong panghihinayang at kalungkutan na nakita ko sa kalagayan ni Charlie matapos kong makita siya sa sementeryo na umiiyak.

*Flashback*

Pauwi na sana ako galing sa transaksyon nang biglang pumasok sa isipan ko na pumunta sa sementeryo dahil gusto kong dalawin ang nakalibing kong pekeng mukha, oo hindi ako yung nakalibing doon kundi iba, dahil sabi lang sa akin ni Mr. Porter ay kinuha na lamang daw niya sa morgue yung katawan na iyon at ipinaritoke.

Naaawa ako sa kanya dahil nadamay pa siya sa mga plano ni Mr. Porter at ang masaklap pa doon ay ang ginawa nilang double dead para lang daw magmukhang makatotohanan na patay na ako sa mga araw na iyon.

Ayoko na pa muli pag-usapan ang nakaraan dahil sa hindi lang paghihirap ang naranasan ko dito kundi mga pasakit din.

Dideretso na sana ako doon sa puntod ng pinigilan ako ni Aian.

"Bakit?" taka kong tanong

"Mukang kapatid mo ang nakatayo dun sa tabi ng puntod" agad na lumingon naman ako

Kahit malayo man ang distansya namin ni Charlie ay nakikita ko pa rin ang maamo niya mukha pero makalipas ng isang minuto na pagtitig ko sa kanya ay bigla na lang siyang umiyak.

Ngunit pati rin ako ay napapaiyak dahil alam ko na ang mga bagay na iniiyakan niya ay ang mga ipinangako kong mga salita sa kanya noong bata pa siya.

Gusto ko sanang lapitan siya para icomfort kaya lang sa sitwasyon namin ngayon ay hindi niya ako pinapaniwalan pero sino ba naman ako ngayon sa kanya kundi kinikilalang impostor lang naman na  kapatid niya.

Napakaamo ang kanyang mukha pero sa loob-loob nito ay maraming damdamin na mabibigat na kanyang dinadala sa kanyang buhay.

Hindi pa tumatagal ay nakita ko sa likuran niya na may lumitaw na isang bulto ng isang lalake. Nakita kong ngumiti ang lalake ng nakakaloko pero parang wala lang iyun kay Charlie.

That smile!

That smile is like from the devil's smile!

"Ayos ka lang?" tinanong ako ni Aian habang pilit ko naman na nilalabanan ang sarili ko na huwag matakot.

Tumingin muli ako sa gawi nila at lumakad ng paalis doon ang lalake tyaka nakita ko naman ang kapatid ko na masama ang tingin niya doon sa lalaking iyon papalayo sa kanya.

"There's something different" sabi ko sa kawalan

*End of flashback*

Tama si Aian, siguro marami talaga siyang bigat ng loob na dinaramdam.

Alam mo Charlie, kung pwede lang sanang ibalik ang mga araw na nakakasama pa kita ay sana wala tayong dinaramdam na lungkot sa ating mga buhay, sana ganito na lang palagi...yung laging tahimik at walang iniisip na problema pero anong magagawa ko eh hindi naman natin kontrolado ang mundo.

Pero Charlie...pangako darating din ang araw na mabubuo tayo ulit magpapamilya kapag wala nang problema.

Pero ang hindi ko lang inaakala ay bakit ganun na lamang ang naging tingin ni Charlie doon sa lalakeng iyun? Natakot ba siya sa mga ngiti ng lalakeng iyun? o baka kinain siya ng galit dahil sa mga sinasabi ng lalake kanina sa kanya na hindi ko naman marinig? o dahil may nangyaring masama sa kanya dun sa lalakeng iyun?

The Archer Where stories live. Discover now