It's a saturday at may lakad ako ngayon dahil pupunta ako sa archery club ni sir Pricon at dahil sa kagustuhan na sumama ang mga kaibigan ko ay nagpaalam muna ako kay sir kung pwede silang sumama, nabanggit ko kasi sa kanila na gusto ko pang matuto ng higit pa sa paga-archery.
Sina Ash at Khae...alam na nila yan na kasanayan ko talaga ang paga-archery dahil lagi kaming pumupunta sa gymnasium noon kapag break time namin pero patakas lang namin ginagawa ito dahil ipinagbabawal nila na gamitin namin ito ng walang pahintulot ng guidance counselor.
Ayaw ko sana pero dahil sa kagustuhan at pagmamatigas ng ulo ng mga dalawa kong kaibigan ay pinipilit nila akong sumama sa ganong gusto nila...ngunit sa paulit-ulit na ilang araw namin ito ginagawa ay hindi pa rin sila natututo ng maayos.
Pababa na ako ng hagdan ngunit nakasalubong ko na naman ang pinakamatanda sa unggoy, tiyak na hindi na naman ako papayagan nito kapag wala ako kasama.
"Saan lakad mo? pasama ka kay Charls busy ako ngayon" sabi niya ng di nakatingin sa'kin...
"Di na kailangan kasama ko naman mga kaibigan ko tyaka yung anak ni Mr. Porter" I said
"Magkakilala kayo ni Mr. Porter?" singit ni Angeles
"Kilala ko lamang siya pero di'ko siya masyadong kaclose" saad ko tyaka bumaba na
"Ingat pauwi...at wag kang pagagabi" oo na ho itay...
Para namang hindi ko alam ang pinaggagawa sa sarili ko mismo kaya sobrang higpit ang mga paalala ng mga kapatid ko.
Lumabas na ako ng gate at namataan ko naman si Kiev na naghihintay sa akin sa labas.
Pumwesto ako sa passenger seat dahil nireserba ng dalawang mga magagandang dalag... I-i mean magagandang dilag...oo yun ang gusto ko iparating hindi dalag.
Nandito na nga kami sa pinuntahan namin ngunit ang dalawang nasa likod naman namin ni Kiev ay tulog.
"Hoyy magsigising na nga kayong dalawa riyan" sabi ko at di pa rin sila gumigising kaya naman bumaba ako para lumipat ng pwesto papunta sa pwesto nila para kilitihin ng magising sila.
"Ayaw niyong magsigising ah...oh heto saluhin niyo itong ibibigay ko sa inyo" todo kiliti ko sa kanilang katawan ng magising na sila at sakto gumana naman ang aking nais pero binawian naman ako ng pagkauntog sa loob ng sasakyan
"Aray...bwisit kayong dalawang dalag" inis kong sabi
"Yan kasi napapala mo at tyaka anong dalag na sinasabi mo d'yan!?" sabi ni Khae
"H-hah?...ehh ano nga bang dalag? dilag yung sinabi ko nohh..." pag-iiba ko.
Pumasok na kami sa loob at nagulat kami dahil nangingibabaw sa amin ang mga nakasuot na kulay itim at di'ko din mawari kung bakit kinakabahan ako ngayon dahil ipinapaalala na naman sa akin ang mga gustong dumukot sa akin noon at sa tagal na hindi na sila nagparamdam ay feeling ko sa ngayon ay nakaaligid lamang sila sa akin.
Iwinaksi ko muna ang mga iniisip ko ngayon at tumuloy na sa pupuntahan namin...hindi ko pwedeng bagabagin ang isipan ko baka mas lalo akong kabahan at matakot.
Pero kailangan ko pa rin mag-ingat sa ngayon kung sakaling nakaaligid talaga sila sa akin.
Nakarating na kami dito sa third floor at tumambad sa amin ang iilan lang mga tao dito na naglalaro ng archery at lumipat ang tingin ko kay sir Pricon na nakatutok sa target.
YOU ARE READING
The Archer
Mystery / ThrillerA young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rather want to face and fight for herself just to show to them that she's not scared to anyone. As of t...