Chapter 31

4 1 0
                                    

Pagkatapos ang naganap na pagtitipon nila ay umuwi na kami nina dad sa bahay. Nang nakauwi na kami ay si kuya Sean na lamang naging kausap ko mula kanina pa, pero kina kuya Jayson at kuya Charls lang ang hindi kumakausap sa akin.

This not what I mean if I'm being rude or stubborn kid that they know, I'm just too affected of every words that they drop to me. Pero si kuya Jayson pa lang naman ang nagbitaw sa akin ng mga salita at syempre naging bastos rin naman ako minsan sa kanya but kay kuya Charls, mabait siya at palabiro pero merong isang bagay na pinakaayaw ko sa kanya...ay ang ginagawa niyang big deal sa maliliit na bagay lang naman.

Dahil suspende naman ako hanggang bukas ay mas mabuti siguro kung bukas na lang ako hihingi ng tawad sa kanila.

"I will kill you next to her" sabi niya habang ako na nandito ay nakagapos

Tinignan ko siya ng buong-buo at bumaba sa paningin ko sa kanyang braso na meron' isang...isang scorpion tattoo, ako ba ang tinutukoy niya isusunod na patayin sa dati niyang pinatay noon?...

"Gusto mo rin ba magpatattoo or may personal issue ka dito sa tattoo kong 'to...makatitig ka ng wagas parang ang lalim ng kahulugan nito sa'yo" pagmamatakot niyang sabi sa akin

Scorpio...scorpio

"Yeah, that's me, the one will kill you next to her but this is not the right time because once I heard that you speak that word...I. will killyou" madiin niyang sabi habang humalakhak siya ng malademonyo.

Pawis na pawis akong napabalikwas mula sa masama bangungot, bakit ba ako nananaginip ng ganitong bagay? at tyaka yung tattoo, magkaparehas dun sa nakita ko sa pumatay ng isang dalagita. Posible kayang magkakatotoo ang napanaginipan ko kanina.

Sinubukan ko ulit matulog muli pero hindi ko na makuha ang tulog ko, Charlie... don't pressure yourself, it's just a dream after all...wala dapat akong ikabahala...pero malakas talaga ang kutob ko ehh na posibleng magkakonektado ang mga grupo at yung lalaking iyon.

I witnessed a crime scene when I was a child...imposible bang nakita din ako ng suspek noon bago ako umalis sa balkonahe kaya ba dumalaw na siya sa panaginip ko o di kaya matagal...omg maraming beses na akong nakakita ng scorpion tattoo, una sa isang taong unang dumukot sa akin, pangalawa, sa maraming grupo, pangatlo ay yung tar*nt*d*ng minsan ko ng patayin, at pang-apat ay ang lalaki na nakita ko sa aming kompanya. Hindi kaya ang pinaka master-mind nito sa lahat ay ang taong may malaking tattoo sa leeg.

Napatalon ako sa gulat dahil sa narinig kong ingay sa labas ng bahay namin, I was about to go in my balcony of my room when I suddenly stopped because I know na sa tapat lang sila ng kwarto, nagbubulungan na nga sila...ang lakas-lakas pa, dahan-dahan akong lumakad papalapit sa glass door para isara ito nang dahan-dahan, nang matapos ko nang isara ang mga ito ay isinunod kong iniharang ang malaking kurtina nito kasabay nung dahan-dahan akong pumaatras at kinuha ko ang cellphone ko at nagmadaling lumabas sa aking kwarto.

Si kuya Sean lang ang inaasahan kong ipaalam kung ano ang nangyayari dito.

SEAN POV

Habang may ginagawa ako sa aking laptop ay hindi ko maiwasan na mangamba para sa nakababata kong kapatid. Paano niya nakayanan labanan ang lahat ng tauhan ni Scorpio, isa lamang siyang babae at bata pero may lakas na siya nakipaglaban sa mas nakakalaki sa kanya. Unbelievable.

"She's even worse than your ate Lara...lumaki siyang may pagkabasagulera...laging napapaaway sa kung saan-saan may gulo"

Sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Dad noong nasa UK pa lamang kami, dito niya ba lahat natutunan kung paano lumaban...what a great kiddo but still I'm so proud of her.

The Archer Where stories live. Discover now