Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan para makalayo na dun sa lugar na iyon. Bakit kasi doon ako napunta, hindi naman natin maituturing na naligaw ako noh dahil aninag na aninag ko pa kanina na tama ang pinuntahan ko dahil tandang-tanda ko ang daan ehh...kaya papaano nangyari na ibang grupo na ang nandoon. Kailangan mong alalahanin ang bawat pasikot Char- crap so tama nga, totoo ngang naligaw ako.
Bakit kasi di'ko natandaanan na yung dapat pala pupuntahan ko ay isang malabuilding lang na may basement, mas mataas at mas malawak samantalang ang napuntahan ko naman kanina ay isang malamansiyon na may pagkahaunted house ang dating pero kasi nang dahil sa magkapareho ng mga pintura at disenyo nito hindi sana ako naligaw pero posible din na nagkamali ako ng daan.
Hindi ako pwedeng umuwi ng bahay ng ganito ang natamo ko dahil alam kong mas lalala pa ang sitwasyon, kaya wala na akong pagpipilian pa kundi dideretso na lamang ako ang dapat kong puntahan.
Nakarating na ako dito at sana naman hindi na muli ako naligaw nohh...bumaba na ako ng sasakyan habang hawak-hawak ko ang braso ko na kanina pa bumubuhos ng dugo.
I was about to tap the doorbell ng may mapansin akong may papasok na sasakyan, huminto ito at sandaling ibinaba ang salamin ng kanyang sasakyan. Nang makita niya ako ay biglang siyang nagulat dahil sa nakita niya sa akin kaya naman agad siyang bumaba para alalayan niya ako.
Pumasok na kami at nang papalapit na kami sa sala ay hindi ko alam kung ano ang nagaganap dahil malayo pa lang ako ay nakikita ko na silang nagtitipon. Nang papalapit na papalapit na kami ay doon ko pa lamang naaninag kung sino ang namumuno dito sa isang grupong ito.
Gusto ko sanang umatras na pero mahigpit ang hawak sa akin Yannie, hindi ako makakalas sa kanya dahil wala akong lakas para mabitawan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong klaseng grupong ito kung bakit wala akong nararamdaman na bigat ng loob sa kanila, at heto bang grupo na ito ay masasama din kaya sila gaya ng mga nakaharap kong mga kriminal. Please Charlie, don't overthink a lot.
"We're not killing people is that what you think" your all a liar!
Umalis na kami doon na walang nakapansin sa aming dalawa ni Yannie. Ang sosyal naman nitong base nila, may pa clinic pa talaga. Napapaaray naman ako dahil sa mahapdi niyang paggagamot sa akin, until she opened the topic kung saan natamo itong sugat 'kong 'to.
"We're did you get these wound?" tanong niya habang patuloy pa rin akong ginagamot
"Sa...sa kanto lang naman...nap-napa-away kasi ako kaya ayun" nauutal kong sabi
"Liar!..." makapagsabi ka nang sinungaling parang hindi naman kayo ganoon.
"I know the difference between a liar and a truth teller, so tell me did you get shoot?" she asked me again at dahil hindi ko na siya matakasan sa mga tanong niya ay tumango na lamang ako
"Daplis lang naman ito at hindi naman aabot sa bituka" kung matigas ang ulo...matapang yan...kagaya ko!.
"I asked you again, so where did you get these wound?" talagang hindi mo ako tatantanan hangga't wala kang nakukuhang sagot noh?.
"Sa mga gustong dumukot na naman sa akin and please don't tell to them" pakiusap ko sa kanya ngunit hindi na siya umimik pa
Pagkatapos niya akong gamutin ay lumabas na kami at bumalik muli sa sala ngunit sa pagbalik namin ay hindi pa sila tapos sa pagtitipon nila. Biglang nagsalita sa tabi ko si Yannie dahilan para matigil silang lahat.
"Sorry to interrupt your business plan sir" malakas niyang sabi at dumapo naman ang tingin nila sa aming dalawa ni Yannie
Nakita ko sina mom and dad na dumapo ang tingin nila sa akin at pati na rin ang mga kapatid ko, nakita ko si kuya Jayson na nakatingin lang sa akin ngunit sa sandali lang ay bumalik muli sila sa pagtitipon ng wala man lang naging imik para sa akin.
Maari ngang sinunod nila ang gusto ko pero hindi naman sa ganitong paraan na hindi nila ako pinapansin ang gusto kong mangyari.
"Sorry Yannie, aalis na lamang ako dito, mukha kasi wala silang balak na-" I was cut off when I look at Yannie ay wala na pala siya sa tabi ko at nakita ko siya na nandoon siya sa may bandang malaki na tv at nakikita ko ang nagaganap doon. Papaanong navideohan niya ang mga pangyayaring ito. Hindi maaring makita nina dad ang mga ginawa ko.
"Everyone, especially to you sir, but you need to watch this...based on our spy of their group, nagwork ang ikinabit niyang CCTV and because of that, I accumulated some event between their group and your daughter sir" she strictly explained to them then she looked at me at isininyas sa akin na pumaharap
Ano bang posisyon ni Yannie dito kung bakit lagi siyang sinusunod ng mga kagrupo niya?
"Panoorin n'yong mabuti ito sir, dahil ang bunso ninyong anak ay nakipaglaban sa maraming tauhan ni Scorpio...isang bata laban sa lahat" hindi kaya ang scorpio ay yung lalaking nakalaban ko na nakamaskara
Nakita ko ang sarili ko na nakikipaglaban sa mga grupo ng kalalakihan sa screen hanggang sa umabot na kung saan ako nabaril. Nakita kong bigla na lang napatayo si mommy sa nakita niya at bumaling siya sa akin at doon ko pala namalayan ay nakatingin na silang lahat sa akin.
"Bakit mo pinasok ang kanilang base ng basta-basta!?" my dad asked
"Hindi ko ho pinasok, naligaw lang yata ako dad" sabi ko pero nakikita ko sa kanyang mukha na parang galit
Yun pa talaga ang una nilang nais itanong, ni hindi man lang nila ako kinamusta kung maayos lang ba ako o hindi. Bahagyang hinawakan ni Dad ang mga braso ko at nang sandaling pinisil niya ang isa kong braso ay napapikit na lamang ako dahil sa kirot at hapdi nito.
"Masakit ba, anak?" he smoothly ask at pero inuyuko ko lamang ang aking ulo at bigla niya lamang ako niyakap
"I'm sorry darling" sabi niya habang umiiyak ako "it's ok, don't cry" diin niya
Kumalas na si dad mula sa pagkakayakap niya sa akin at bumaling naman siya nang tingin kina mommh at lumapit sila sa akin para bigyan din ako ng yakap. Nang natapos na kami ay binalingan ko ng tingin si ate at nakita ko si Aian na may sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Lumapit ako sa kanya at kumunot naman ang kanyang noo.
"Can y-you g-give me a hug too, ate?" I pleasured said at nakita ko pa na napakurap-kurap siya at natarantang tumayo at bigla na niya akong niyakap ng mahigpit. Narinig kong umiiyak siya habang umaagos naman kanyang luha.
"Oh! si princess...tinawag na niya rin bilang ate, so ano naniniwala ka na ba" sabi ni kuya Sean at tumango na lamang ako sanhi kung bakit umingay sa kalooban.
Nasagip sa paningin ko ang nagbigay ng inis sa ulo ko ang lalaking 'to at galit na rin ako sa kanya dahil hindi niya man lang ako tinulungan laban sa mga gag*ng iyon, at simula na rin ngayon hindi na kita type at forever na tayong whatever.
Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o hindi pero anong ginagawa niya dito, ilang beses kong ikinurap ang mga mata ko kung totoo ba ang nakikita ko.
"Dad excuse me, I just want to ask kung mapagkakatiwalaan ba ang mga tao mo" I said pero kumunot naman ang noo nilang lahat
"What do you mean, darling" he asked me back
"Ganito kasi yun Dad, nung napadpad ako sa lugar na iyon nakita ko siya" tinuro ko siya and I gave him a sharp look
"At hindi lang iyan, alam niya ang mga pasikot-sikot sa lugar na iyon at higit pa sa lahat...pinagluto niya ako ng makakain nung sinabi kong nagugutom ako" malinis kong sabi
"So sa tingin mo dad, hindi pa ba yun sapat para paghinalaan siya na isa siyang traitor dito sa whatever na grupong ito?" Sabi ko at hindi ko alam kung bakit may tumatawa ng mahina.
"Princess, hindi mo man lang ba naisip na kung traydor nga siya, bakit hindi niya nilagyan ng lason ang kinain mo at bakit hindi ka niya tinulungan mula sa pakikipaglaban..." huminto si kuya Sean sa pagsasalita para uminom ng tubig.
"Isa lamang sa mga dahilan, dahil hindi niya maaring ipakita sa mga kasamahan niya ang totoong identity niya mula sa kanila, you know what princess...he is the spy on our group" sabi niya at sandaling bumaling siya nang tingin kay Anthony na nakangisi
So spy pala siya...nilinaw ko lang naman ang lahat kung totoo ang hinala ko o hindi. Pero wala na akong galit sa kanya but still hindi na muli maibabalik na may gusto ako sa kanya...wala ehh ininis niya kasi ako kanina. Wala sanang magkakagusto sa'yong lalaki ka.
YOU ARE READING
The Archer
Misterio / SuspensoA young woman who is expert in defending herself to all of those her enemy. Instead of escaping from those bad guy that want to abduct her, she'd rather want to face and fight for herself just to show to them that she's not scared to anyone. As of t...