Prologue

45.6K 552 17
                                    

"Besh! Bilisan mo na!" Sigaw sa akin ni Ella.

"Sandali na lang. Promise!" Sigaw ko pabalik.

I was putting a light make up on my face. First day of school so I need to look good. Para naman maayos yung unang impression na mga kaklase ko. Next time na lang yung haggard na mukha.

"Yan." I said as I put down my make up. "I'm ready. Let's go." Sabi ko kay Ella.

"Ang tagal mo naman!" Reklamo niya.

"Bakit ka ba nagmamadali?" I asked. Kanina niya pa kasi gustong umalis. Hindi pa naman kami malelate. Excited siguro 'tong pumasok. Yey for first day in college!

"Ngayon din kasi yung audition!" Ella said. Kumunot ang noo ko. Audition? Sasali sa isang audition si Ella? No way.

"Audition for what?" I asked.

"Band audition ng wafs!" Sabi niya. Wafs, sikat sila sa school namin kahit pagdating high school students. They're composed of Ara Galang, my ex (leche lang), Kim Fajardo, Mika Reyes, and Gretchen Ho. Nabalitaan ko na umalis na daw si Gretchen so they will be looking for another vocalist chu chu.

Grabe. Sikat na sila nung si ate Gretchen yung vocalist, ngayong wala na siya parang bagsak na agad ang Wafs.

Malungkot ako for Ara. This is her dream, ang magkaband at sumikat pero after nang umalis si Gretchen parang nasira na iyon. Kahit ex ko yun, naging magkaibigan naman kami.

"Anong gagawin mo dun? Mag-aaudition ka? Luuh, sinasabi ko sa'yo, wag na. Baka laging may bagyo dadaan." I told her at saka tumawa. That idea is absurd.

"Syempre hindi! I mean wafs, Ara Galang yun! I want to see her again!" Sabi ni Ella. She got a weird crush on my ex. Hindi ko rin alam kung bakit. Fan girl crush lang naman so I don't mind.

"Besh." I said.

"Dennise Michelle Lazaro, I thought you've moved on. At saka I love Wafs! Kailangan andun ako sa bagong chapter ng story nila!" Ella said at hinatak na ako. Mabuti na lang at malapit lang kami sa school. Hindi na hassle to go out and grab some cab to bring us to school.

"I've moved on. I'm just warning you about your fangirling. Hindi ka na high school! Baka mamaya, you'll ditch your class just to watch them perform. Pag ginawa mo yun, I'm gonna kick you out sa room natin to learn your lesson." I said.

Nung high school, she always cut classes. Ang dahilan? Nanonood ng mga mini jamming ng Wafs. The hell lang.

We stopped at the gate. Nakita naman ang dami ng tao. Woah lang. This is so nakakakaba. And we'll be dealing with this kind of situation for the next 5 years of our student lives.

Eto namang kasama ko parang hindi kinakabahan. Hinatak niya ako ulit. I guess papuntang gymnasium.

And we stopped again nung nakita namin yung entrance. Ang daming nakapila! I just don't know kung mga mag-aaudition yun or para sa mga papasok.

"Besh, pwedeng wag na lang? Ang daming tao!" Sabi ko sa kanya.

She shook her head at yun, alam kong hindi siya titigil hangga't di siya nakakapasok.

Dumaan kami sa may likod at may pinakita si Ella na parang isang card kaya pinapasok kami.

"Saan mo nakuha yun?" I asked. So we won't be stuck on that line. I hate waiting pa naman.

"Fans club! Yey! Buti na lang!" She shouted. May fans club ang Wafs at kasali dun si Ella. Ngayon, nagpapasalamat na ako sa fans club na yun. I don't have to wait!

When we entered the gymnasium, medyo na-shock ako. Medyo lang naman. Kung madami pa ang nakapila sa labas, mas marami naman ang nakapasok na sa loob. To think na audition pa lang ito? This is crazy.

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon