Chapter 45: I'd Rather Crash, I'd Rather Fall Than Never Have Your Love At All

17.6K 418 55
                                    


Guys! Hindi BS yung surprise ko. HAHAHAHA. Dahil it's been one month na since natapos yung Countdown To Forever at one month since I started writing Words Left Unspoken, may crossover chapter sila! Ito yung surprise ko HAHAHAHA. Namiss ko kasi yung CTF eh.

Sa mga di pa nakakabasa, don't worry, guys. Hindi naman kayo maliligaw sa kwento. Kahit hindi niyo na basahin, maiintindihan niyo yung chapter na 'to. :)

Cheers kasi may POV si Alyssa dito! Magdadaldal na siya! Hahaha.

Cheers din kasi panalo sila against Malaysia!

Enjoy reading ;)

-

Nagulat ako nang makita ko siya sa harap ko. Nagulat ako nang makita ko ang mga titig niya. At mas nagulat ako nang halikan niya ako. Dahil dun, di ko sinasadyang matulak at masampal siya.

"And so I thought you want to clear things out." Sabi niya. Kahit ako nagulat sa reaction ko. Hindi na ako nakapagreact sa sinabi niya.

Agad niyang pinindot ang susunod na floor. She looked at me.

"Sorry, Den. I promise I will stay away. Don't worry. I am not sorry for kissing you. I miss kissing you actually. I'm just sorry for the pain I've caused you. I guess it was a goodbye kiss, then. Good bye." Sabi niya at saka bumukas ang elevator.

Again, iniwan na naman niya akong mag-isa. Hindi na ako makaiyak. Wala nang lumalabas na luha. Nagsara na yung elevator pero nakatingin pa rin ako sa kinatatayuan niya kanina. Paulit-ulit na nagreplay sa akin yung sinabi niya. Goodbye. So yun na yun? Yun kami?

Bumukas muli ang elevator. Next thing I knew, nasa basement na pala ako.

Nag-abang ako kay Myco. It was not true na sasagutin ko siya. I just said that para lumayo sa akin si Ly for awhile. And she did. She actually did. Hindi nga lang for awhile. Permanently na ata.

How can I let her go when she's all I think of everyday? Kahit na sabihin kong ayaw ko siyang pag-usapan, siya pa rin yung naiisip ko. Siya lagi. Sa sketches ko, siya pa rin. Pag niyayakap ko si Mickey siya naaalala ko. Magkaamoy kasi sila. That's why I kinda feel bad for Kyco kasi siya yung nagbigay pero si Ly pa rin yung nasa isip ko.

Unfair ba ako kay Ly? Naging unfair ba ako sa kanya? I waited for those explanations pero hindi dumating. Akala ko di dumating. Paano ko hindi paniniwalaan lahat ng kasinungalingan sa kanya kung siya mismo ang nagsabi sa akin na totoo lahat yun? I waited but she backed off everytime she got the chance. I waited. Ako pa rin ba mali?

Hindi ko maintindihan. I never told her to sacrifice our relationship for my dreams. Hindi ko sinabi sa kanya yun. Pero dahil sa ginawa niya, parang ako yung masama. Ako kasi yung nang-iwan. But can you blame me? She pushed me to leave.

I felt betrayed and played that time. Akala ko ginawa niya lang akong laruan. At dahil hindi siya nagtagumpay sa pagbawi kay Bang, tinapos niya na kami. That's what I thought. She sacrificed so much pero I never told her to do that!

She's a soldier but she's a fucking coward! Masyado siyang takot. She's scared to risk things. I have loved her for four years already. When we were still together, hindi ko naman siya nilait about sa pagiging mahirap niya. Ni hindi ko nga pinaramdaman na ganun siya. I hate that she's too scared to risk things for us. I can live with LDR pero she never tried talking to me.

I was stopped from over thinking when I saw Myco approaching.

"What took you so long?" Tanong ko.

"Sorry. I talked to Amanda pa eh. You okay? You look pale." Sabi niya sa akin. Hindi ko na kang siya pinansin at sumakay na lang sa sasakyan niya. I was not in the mood to talk.

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon