Three weeks na since nagsimula magpractice ang Wafs sa bahay. Next week na pala yung freshies night so todo practice sila.Medyo close na kami ni Ly. Feel ko lang naman. Basta para sa akin close na kami. Hahaha.
Suot ko na naman yung denim na suot niya kanina. Every time na lang na pupunta siya dito, pinapasuot niya sa akin yung mga polo niya. I find it sweet :">
Flashback
"Ano na namang yang suot mo?" Sabi niya sa akin nang mahinahon.
I looked at myself. Nakaspandex kasi ako ngayon at medyo loose na t-shirt. Ang comfy nga kasi!
"What? Nasa bahay lang naman ako." I said.
Tinanggal na naman niya ang polo na nakakabit sa bewang niya at sa akin kinabit iyon. Tinali niya at saka siya bumitaw. She's wearing those eyeglasses again kaya she looks hot.
"I told you not to wear revealing clothes." Sabi niya. Alam mo yun parang galit siya dahil sa sinasabi niya pero hindi naman pala talaga kasi ang hinhin ng boses niya. Ang cute lang!
"Again, Ly. These.are.not.revealing.clothes." I said.
"Okay. Hindi na. Pero I will still put my polo on you or tie it on your waist kung ganyan lang din naman pala ang suot mo. Damn! Lagi na akong magdadala ng polo." Sabi niya.
End of Flashback
So yun nga. Kakatok siya sa kwarto tapos siya mismo ang magpapatong sa balikat ko or maglalagay ng polo sa bewang ko depende sa suot ko.
Paakyat pa lang ako nang marinig ko ang mga tawanan mula sa music room. Nakaawang ang pinto kaya sumilip ako.
Andun ang wafs kasama yung girlfriend ni Ara. Bakit nnandito na naman 'to?
"Hi, Den!" Sabi ni Bang nang makita niya ako.
Tumayo ako nang maayos at binuksan ang pinto. Pumasok na ako dahil nakakahiya naman kung magsstay lang ako dun.
"Hi, guys! Hello, Bang!" Sabi ko sabay ngiti nang pilit. Ayoko lang talaga sa kanya. Di ko alam kung bakit.
Naghello naman sila sa akin at ngumiti si Bang. Si Alyssa naman ay tiningnan lang ako. Balik na naman siya dun sa tahimik side niya.
Napansin kong wala siyang katabi kaya doon na ako umupo sa tabi niya.
Bumalik sila sa pinag-uusapan nila. Nagpaplano ata sila sa mga pakulo nila para sa freshies night. Eto namang isa, hindi na nakikisali. Tiningnan niya lang ako.
"Bakit ngayon ka lang? Di 6 pm uwi mo?" She calmly asked.
"Kabisado mo sched ko?" I asked.
"Oo. Medyo. Di ba pinahawak mo sa akin kahapon?" Sabi niya. Pinahawak ko sa kanya kahapon pero mga 5 seconds lang yun dahil nilagay ko lang naman yung mga libro ko sa bag. Nakabisado niya yun agad?!
"As in kabisado mo?" Paninigurado ko.
She nodded. Ang cute talaga nito!
Medyo dulo naman kami ng music room kaya medyo hindi naman kami nakakaabala sa 4 na nag-uusap doon.
"Bakit hindi ka nakikisali dun?" I asked. Mukha kasing yung apat lang yung nagtatawanan kanina eh.
"Wala lang. Tara, baba tayo." Yaya niya sa akin at saka hinawakan ako sa kamay. Woah. Sparks.
"Huh? Nao-OP ka ba sa kanila?" I asked. Mabait naman sila and super friendly. Duuuh, bandmates sila kaya dapat close na sila.
"Hindi. Ayaw ko lang makisali ngayon. Tara, baba na tayo." Yaya niya ulit.