Chapter 40: I Know You Ain't In Love With Him, Break Up With Him

15.4K 397 38
                                    

"Laura, hindi ako makakapag-training today." Ly told Laura through a phone call. She needed to compose herself. Kung a-attend siya ng training ngayon, wala rin naman siya sa katinuan niya. Baka masira niya pa ang training nila.

"Ha? Ly, bakit? May sakit ka ba?" Pag-aalalang tanong ni Laura. Hindi naman kasi normal na umabsent ng training si Ly. Simula kasi nung bumalik siya from Paris, pinilit niyang maging busy para makalimutan niya si Den. Hindi rin naman effective.

"Wala. I just needed to rest." Sabi ni Ly at in-end na ang call. Agad siyang nagdrive pauwi sa mansyon. Pagkapark niya ng sasakyan niya ay agad siyang tumakbo papasok sa room niya. Binuksan niya angn drawer niya at kinuha ang pistol niya. Calibre 45 to be exact ;)


Bumaba siya at agad pumunta sa training area nila. May mga lata ng nakalagay dun. Nagsuot siya ng earmuffs at saka kinasa ang baril.


Tinutok niya sa isa, at sa isa at sa isa at sa isa at isa and so on and so forth. Sunod-sunod na tumalsik ang pitong lata. Hindi pa siya nakuntento at nilagyan na naman niya ng bullet ang baril niya. Sunod-sunod niyang pinaputukan ng baril ang human-size cardboard at lahat iyon ay headshot.

"Walang kupas. Sabi ko naman sa'yo eh, magsundalo ka na lang." Sabi ng malalim na boses. Hindi man narinig ni Ly ang boses ay naramdaman naman niya ang presensya nito. Tinanggal niya ang earmuffs at saka tiningnan si General Caymo.

"I just want to test if I still got it. The Caymo's shooting skills." Ly said and laughed.


"Once you got it, hindi na mamawawala iyon." General Caymo said and laughed.

Hindi na lang sumagot si Alyssa. Nilinis na lang niya ang baril niya.


"What's the problem, kid?" Tanong ng lolo niya.


Ly looked up at him and smiled. Umiling na lang siya at pinagpatuloy ang paglilinis ng baril niya. It's been a while since she used that.

"Oh come on. I know that. Napagdaanan ko na rin yan. Mas matindi pa nga ginawa ko dyan eh." Her lolo said and chuckled. Umupo siya sa likod ni Alyssa at pinapanood lang itong maglinis ng baril. Nang matapos siyang maglinis ay umupo siya sa tapat ng lolo niya.

"You know naman pala eh. Why did you ask pa?" Ly asked.


"I just want to hear it from you." Her lolo said. Ly sighed dahil alam naman niyang hindi siya titigilan ng lolo niya. Minsan lang naman kasi sila magkita kahit na nakatira sila sa isang bubong. Mas pinili kasi ng mga Valdez na sa Batangas na lang manatili dahil si Major General Valdez ay doon na rin nakadestino.


"Den's back." Ly said.


"Oh eh ano naman?" Tanong nito.


"I thought I was okay na. I still love her pero I thought I was slowly forgetting her. 90 percent na back to zero na naman nung nakita ko siya. Kahit na kami pa-"


"Kayo pa rin?"


"We never broke up, lo." Ly said and smiled. Kahit dun man lang, may pinanghahawakan siya.


"Okay, continue."


"Kahit na kami pa rin, parang gusto ko na sumuko. She's happy with Myco, yung kasama niya sa Paris. Yung palaban na side ko parang nawawala na. Kim told me kung hindi ko na siya mahal, wag ko na daw siyang agawin. Kung galit lang daw ako, wag ko na ituloy. Funny, narealize ko lang 'to nung nasa sasakyan na ako." Ly said.

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon