Chapter 5: Clothes

17.8K 405 14
                                    

"Okay, class, you may go." Sabi ng prof namin na nagpabalik sa diwa ko.

I looked at the girl who just made me blush and saw her smiling. Yung genuine smile. She stood up just like the other people did. Tumayo na rin ako pero nakatingin pa rin ako sa kanya.

She's totally different from the Aly yesterday.

"See you later, Den." She said as she patted my head at saka siya sumunod kay Ara na nauna na.

Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Ella.

"Close kayo?" Ella asked.

"Ah eh. Ewan?" I answered. Hindi ko alam kung considered na close agad yun. We just met yesterday. Duh.

"Yihiii, close sila." Pang-aasar ni Ella. I just looked at her na parang alien siya or kung ano man ang sinasabi niya.

"Are you seriously pairing me with her? Kala ko crush mo siya." I told her. Labo talaga nito.

"Kahapon, crush ko siya. Ngayon hindi na." She told me. Ngumiti siya sa akin nang makahulugan.

"I don't like your smile." I said while looking at her too.

"Oh, you will love it soon." She said at saka lumabas na.

-

Hindi ako mapakali sa 5 pm class na 'to. Di ko alam pero parang gusto ko na umuwi. Hindi pa nga nag-uumpisa ang klase na 'to pero gusto ko nang tapusin ito.

Nabored na naman ako sa subject na ito. Di kagaya kanina may nakausap ako. Tinago ko nga pala yung yellow paper. Wala lang. Feel ko lang magagamit ko siya sa future. Para saan? Di ko din alam.

I was just scribbling anything at the back of my notebook nang muli akong napatigil. I looked at what I scribbled. It was Alyssa's name with a heart on it. Di ko ata napansin yun sa lalim nang pag-iisip ko.

I just smiled sa ganda ng kinalabasan ng boredom ko. Sa totoo lang, ayoko magBS Bio pero yun yung gusto ni dad. I want to be a fashion designer. I love designing! Seryoso lang! I applied for a scholarship nga in Paris but sadly, hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap.

I let that scribble at the back of my notebook. Di ko siya trip punitin or burahin kasi it's too cute!

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko nang hindi ko namamalayan. Tumayo na rin ako at nilagay ang mga gamit ko sa bag ko at saka umalis.

Naisipan kong tawagan si Ella para sabay na kaming umuwi. Sinusundo kasi ako ng driver ni dad. Sobrang paranoid talaga nun. I can drive naman. I got my non-professional license last week, ayaw pa rin akong pagamitin ng kotse.

"Hey besh." Panimula ko nang sinagot niya ang tawag.

"Hey! Wait lang, guys. I'll talk to someone lang. Sige, ako na bahala sa banners!" Narinig kong sabi ni Ella sa mga kasama niya. I guess nandun na naman siya sa clubmates niya as in fans club!

"I'll go home na. Ikaw?" I told her.

"We're still doing something eh." She reasoned out. Sus, if I know.

"Something? Fans club thing?" I asked sarcastically. Alam ko namang she's just trying to hide it from me. Alam niya kasing hindi talaga ako boto sa mga fans club.

"Oo na. Malapit na kasi yung freshies night. We heard na they will perform so we're preparing! Sige na! Bye na! Lalaitin mo na naman ang pagmamahal ko sa Wafs." She said and ended the call.

I just shrugged and went directly to the parking lot at sumakay na sa kotse.

A 15-minute ride seems like eternity for me. Ba't kaya ganun? Kung kailan nagmamadali ka, saka ang bagal ng oras. Pag gusto mo naman tagalan ang oras, saka ito bumibilis.

I immediately got out of the car when we arrived. Dumiretso ako sa kwarto at saka naghalf bath at nagpalit ng normal kong suot pag nasa bahay. Nakaspaghetti strap sando and pajamas. So comfy!

Sumilip ako sa music room. Nakita ko ang Wafs sa loob at mukhang hindi pa sila nagsstart. Alyssa was tuning her guitar. Napansin kong nakasalamin siya. May salamin pala siya?

She was serious while doing that and sobrang hot niya lang tingnan niya dun. Ooops. Pero seryoso, ang hot niya pag seryoso. Yun lang, alam niya ata yun kaya lagi siyang seryoso pag napapaligiran ng tao. Medyo joker nga lang siya kaninang nag-uusap kami. Hottest my face.

Bumaba ako at nagprepare ng merienda nila. Dad reminded me to take care of his favorite band sa recording company niya so I have to do this stuff.

Nagtitimpla ako ng juice ng may narinig akong kumuha ng baso sa likod ko. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil busy ako sa pagtitikim ng juice na ito.

"Ganyan ka ba talaga manamit sa loob ng bahay?" Alyssa asked. Well, it's her voice.

I stopped mixing the juice and faced her. Tiningnan ko ang sarili ko at ang suot ko.

"What wrong with these?" I asked.

"Wala lang. Too revealing, I guess." She said at ska ininom ang laman ng baso niya.

"Revealing? Sino kaya ang nakashorts kahapon?" I asked.

"I can take care of myself kung may mangbabastos sa akin. How about you?" She asked.

"Mangbabastos? Nasa bahay lang naman ako." I said. Sa bahay lang naman ako nagsusuot ng ganto. Ang comfy kaya.

"Kahit na. Yung mga artist ng company niyo, dito pumupunta for recording tapos ganyan yung makikita nila?" She said. She's on the other side of the counter at andito naman ako sa kabila. I don't find her questions offending. I find them sweet pa nga eh.

"Wafs lang ang pumupunta dito." I explained. Special treatment ang wafs dahil close nga si dad at Ara. Yung recording studio at music room? Exclusive lang for them. Di ba?

"Exactly." She said.

"Huh?" I asked. Ano bang pinopoint niya?

"Wafs, Ara, your ex is always here." She stated at tumayo nang maayos. Tumabi siya sa pwesto ko at sumandal sa may sink. Tumayo ako nang maayos at hinarap siya, hawak niya pa rin yung baso at nakasalamin pa rin siya. So attractive!

"Note: ex. We're over. Ano naman kung ganito suot ko?" I asked her.

"Over? Yung feelings mo ba, over na din?" She asked.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Why are you suddenly asking weird questions?" I asked nang kunot-noo pa rin.

"Just don't wear clothes like that. Wala ka bang t-shirt or what?" Sabi niya at tinanggal ang polo niya na nakakabit sa bewang niya at ipinatong ito sa balikat ko.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Seriously? May problema ka ba sa suot ko?" I asked.

"Di ba halata? Just wear this please." Sabi niya at saka inayos yung polo niya sa balikat ko. Hinawakan ko na lang para hindi malaglag.

"Ano bang mali?" I asked.

"It's because you look fucking attractive with those clothes. So please? Suotin mo na lang?"

------------

Next game would be on Tuesday. 4pm. PLDT Vs. Meralco. Live stream lang. Support AD. Love lots!

Hi kay @Cathleen042901! Masaya ka na? Hahaha.

Ps: May kakaunting ganap kanina. Lol

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon