She woke up with Den's still beside her. They went home agad dahil bumagsak na naman ang ulan kaya hindi natuloy ang kanilang halikan. Basang-basa sila nang makarating sa bahay ng mga Valdez. Pagkadating nila doon ay nandoon na ang tatlo nilang kasama. Agad na naligo ang dalawa sa magkaibang cr at nagpalit. Aalis dapat si Alyssa para bumili ng gamot in case na magkasakit silang dalawa ni Den pero hindi siya nito pinayagan. Wala namang maibigay na magandang rason si Den pero pumayag na lang si Alyssa.Ang iniisip kasi ni Den ay baka maulit ulit yung nangyari. Aalis si Ly para bumili ng gamot sa botika tapos darating ulit si Ara tapos yung daddy niya. Basta, baka daw maulit na magkahiwalay sila. She can't let that happen again.
Ngayon, she woke up with a goddess beside her. Den was still hugging her. She just stared at her kaya hindi niya napansin na nandun pala ang mga kabanda niya pati si Ella.
"Kaya pala ayaw umuwi ng Manila." Sabi ni Kim. Agad siyang napalingon sa nagsalita. They were sitting on her sofa. Hindi sila kasya kaya si Mika at Kim ay nakaupo sa may arm rest.
"Woah! What are you guys doing here?" Pabulong na sigaw ni Ly. Hininaan niya ang boses niya dahil baka magising niya ang natutulog na si Den.
"We were allowed by the company to stay kaya we took the opportunity. Since nagtitipid kami, we asked your parents kung pwede kaming magstay. Pumayag naman. Actually, kakaalis lang nila with some luggages." Sabi ni Ella.
Ly looked at them dahil parang may kulang.
"Where's Ara?" She asked. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap ni Den sa kanya pero mabilis lang nito binabalik kaya hindi niya na rin tinanggal.
"Pineda's mansion. Grabe! Ang laki amp!" Sigaw ni Gretchen.
"Dude! Shut up! Natutulog si Den!" Saway ni Ly sa kanya kaya napatakip si Gretchen sa bibig niya.
Dahan-dahan ulit na tinanggal ni Ly ang pagkakayakap sa kanya ni Den at this time hindi na ito bumalik. Maingat siyang tumayo at pumunta sa may closet niya.
"Dude, that was some nasty cut. Anong nangyari dyan?" Mika asked.
"Nahiwa ng bato. Lumangoy kasi kami sa falls ni Den." Sabi niya at saka binuksan ang closet niya. Kumuha siya ng jacket at saka isinuot ito.
"Anong oras na ba? Ly asked.
"6 pm. Two hours na daw kayong tulog nyan." Sabi ni Ella.
"Hahahaha baka natulog talaga." Sabi ni Gretchen.
"Ang ingay mo, Ho!" Sigaw ulit ni Ly. Sinilip niya si Den at mukhang hindi naman ito nagising sa sigaw ni Gretchen at Alyssa.
"Ay sorry sorry! Hahaha. Kasi sabi mo kukunin lang ng isang 'to yung maletang naiwan niya tapos maabutan namin kayong magkayakap. Ikaw na pala yung maleta ngayon, Ly." Sabi ni Gretchen at saka mahinang tumawa.
"What?" Kunot-noong tanong ni Ly.
"Psh. Sabi ko ang cute niyo. Tara na nga, Kim at Miks, laro tayo xbox ni Kian!" Sabi ni Gretchen at saka tumayo at lumabas.
"Ikaw, Ells?" Tanong ni Mika.
"Sige, sunod na lang ako. Kala niyo naman pwedeng tatlo dun, mag-aapat pa kayo." Sabi ni Ella. Natatawang na lumabas na lang si Mika at Kim.
Pagkasara ng pinto ay agad na nagsalita si Ella.
"Okay na kayo? As in? Kaninang umaga pa kayong dalawa ah." Tanong ni Ella. Alam niya kung gaano kagalit si Ly noon kay Den. Ang bilis naman ata nilang magbati.
BINABASA MO ANG
Words Left Unspoken
Fiksi PenggemarHearts are often broken by the words left unspoken.