"Ang taray niya talaga." Sabi ni Myco sa paalis na si Alyssa. Nakatingin lang silang lahat hanggang nawala ito sa paningin nila. Katahimikan ang bumalot sa auditorium dahil tapos na rin na,an magperform ang pangalawang band."Ah ganun lang talaga yun." Sabi ni Ella at tiningnan si Den. Hindi naman makatingin pabalik si Den kay Ella. She felt awkward dahil andun pala si Alyssa. Hindi siya handang makita ulit ito. Mukhang ganun din naman si Alyssa sa kanya.
"Paano na yung mga nag-aaudition?" Ara asked. Napatigil kasi ang nagperform kanina dahil hindi na rin naman sila nakikinig.
"Ah eh. Umalis na siya eh. Tuloy na lang natin bukas." Sabi ni Myco.
"Oo, may gig pa kami. Uy, Den, nood ka." Sabi ni Kim.
"Ah eh, pagod pa ako eh. Maybe, next time na lang." Den said. Gusto niyang manood pero syempre, awkward pa rin na makita niya si Alyssa. She just can't believe na okay bigla si Ara at saka si Alyssa. Nung umalis siya ng Pinas, kulang na lang magbarilan ang dalawa. Ngayon, parang best buddies pa ata sila.
"Oh! Sayang. Sige, alis na kami. Susundan pa namin yung isa. Mamaya, kung ano na namang gagawin nun." Sabi ni Gretchen.
"Gagawin?" Den asked.
"Ah bar hopping and girl--"
"Hehehe. Gretch, ang cute mo talaga. Tara na nga." Sabi ni Mika at saka hinila si Gretchen palabas habang nakatakip ang kamay niya sa bibig nito.
"Oy, gig niyo sa Royal Bar at 10 pm! Don't be late!" Sigaw ni Ella.
"Oo!" Sigaw naman ni Kim. Naiwan sa auditorium sina Den, Myco, Ara at Ella.
"Wait lang, Den ah. Sasabihan ko kang yung mga mag-aaudition na bumalik na lang sila. Tapos dinner tayo after?" Myco asked.
"Nakakarami ka na ah! Kami muna sasamahan nito! Shooo." Pagtataboy ni Ara. Wala naman siyang magagawa dahil parang gusto lang din ni Den sumama sa dalawang best friends niya.
Umalis na lang si Myco na may pilit na ngiti.
Ara grabbed some chairs at ipinaupo doon sina Ella at Den.
"Okay. Talk." Sabi ni Ara.
"Talk?" Den asked confusedly.
"Bakit ang dikit masyado sa'yo nun ni Myco? Kayo ba?" Ella asked. Hindi na rin naman sila kasi nagkaroon ng contact after nilang grumaduate dahil naging busy si Ella sa paghandle sa isang barkadang puni ng mga kalokohan.
"Ha? No. We're just friends!" Sabi ni Den.
"Bakit ka defensive?" Nanlilit na matang tanong ni Ara.
"Okay, he's been courting me for 4 years, Ara. Alam mo naman yun, besh, di ba?" Baling ni Den kay Ella.
"What?! Ba't di ko alam yan? Nag-usap kami nun bago ako bumalik dito sa Pilipinas!" Sigaw ni Ara.
"Di mo alam kasi hindi mo na ako kinontact after. Ako nga dapat magalit sa'yo eh. Hindi mo sa akin sinabi na magkabanda pala kayo! Na bati na pala kayo!" Den shouted.
"Bakit ka dapat magalit? Una sa lahat, ayaw mo na siyang pag-usapan, di ba? Kaya hindi ko binanggit yung pagbabanda ko kasi it will lead to her. Pangalawa, bakit ka apektado? Ayaw mo ba nun? Okay na kami?" Ara said.
Napatahimik naman si Den. Bakit nga ba siya nagagalit? Na siya hindi pa rin okay with Ly? Na sila dito masaya habang siya sa Paris pinipilit maging masaya sa harap ni Myco?