Epilogue

21K 434 74
                                    


Spoiler Alert: may mamamatay...

I didn't talk to Alyssa. Ayaw ko siyang kausapin dahil wala rin naman ata talaga siyang balak na kausapin ako. And it's Monday today. Ngayon na ata siya babyahe papuntang Batangas. Ang nakakainis lang, hindi niya talaga ako pinuntahan para kausapin. I've been waiting for three days na tapos hindi man lang siya nagtext or tumawag man lang. Ewan ko ba, bahala siya.

Pero di ko rin naman siya matitiis. She will be busy for sure. I heard from dad na sa office lang naman siya magwowork kaya mas magiging busy siya. Somehow, it was a relief for me. At least walang barilan or war na papasukin yun. At least, magiging safe siya.

Mahigpit kong niyakap si Mickey. Ngayon ko na lang siya ulit nayakap dahil wala na naman sa tabi ko si Ly. Though sabi niya palitan ko na ng pangalan si Mickey, di ko pa rin ginawa. Nasanay na kasi akong tawagin siyang ganyan e. Isa pa na galit ako kay Ly kaya hindi ko muna tatawagin si Mickey na Aly.

I took a bath dahil kahit na galit ako kay Ly, gusto ko naman siya makita. Nagmadali ako kasi ang sabi sa akin ni dad, 8 am ang alis ni Ly. It was already 7 am.

Dad told me I can go with Ly in Batangas naman daw if I want. Kaso, tuloy pa rin ang v-league eh. Actually, may game kami later. Championship na yun at final game na later. Kung mananalo kami, we will be champs. Isa na rin yun sa naging factor kung bakit di ako makakapagstay sa Batangas mamayang gabi. I will just say goodbye for awhile kay Ly kaya pupuntahan ko siya ngayon.

Minadil ko ang pagligo at ang pagkabihis ko at saka kumuha ng sandwich for my breakfast. I was wearing my training clothes dahil may early training kami before magfinals mamaya. Dadaanan ko lang talaga si Ly.

Magpapaalam na sana ako kay mom and dad kaso wala sila sa mga kwarto nila. Pati si Mosh and Jus. Siguro si Mosh pumasok na, tapos si Jus nasa dorm niya. I even asked manang kung nasaan ang parents ko pero di niya din alam. Si dad, I know he's busy dahil nagquit na nga si Myco so he will be taking over LRC again. Si mom, siguro nakipagbonding with her amigas. Pumunta na lang ako sa parking lot dahil pupuntahan ko na si Ly.

Pasakay na sana ako sa kotse ko nang makita kong tumatawag si Amanda. I immediately answered the call. Baka kasi importante. Minsan lang naman kasi tumawag itong si Amanda.

"Hey, Mands!" Sabi ko nang masagot ang tawag.

"Nasaan ka na? Hinahanap ka na ni coach. We will start in an hour." Sabi ni Amanda.

"Ly will leave na. Susunod na lang ako sa training." Sabi ko. Pumasok na ako sa sasakyan ko pero hindi ko pa ito pinaandar.

"Den naman. Parang sa ibang banda naman pupunta si Ly nyan. Sa Batangas lang naman eh. Pwedeng-pwede kang bumyahe after ng game. Eh itong training? Hindi mo na pwedeng i-pass 'to dahil last training na natin 'to dahil championship na mamaya. Den, CHAMPIONSHIP NA." Amanda said.

She got a point naman eh. I can go to Ly after the game pero I miss her so much. Kailangan ko din ng inspirasyon mamayang championship. Tapos sila Rad pa yung kalaban namin mamaya. I just feel this jealousy towards her. Kasi naman, yung Den from the parallel universe eh. I feel awkward tuloy when Rad's around.

"Ugh, fine. Sige, I'll be there in 30 minutes." Sabi ko at saka inend ang call.

I dialled Ly's number three times pero walang sumasagot. Her phone's off. Naku naman. Bakit ngayon pa? I even called her bandmates para sana tanungin kung magkakasama sila o kung ihahatid nila si Ly pero nakapatay din ang phone nila. Napahampas na lang ako sa manibela dahil sa frustration. Bakit ngayon pa naka-off ang mga phone nila?

Last option ko ay si besh. Siya naman yung manager nung lima. For sure, naka-on ang phone niya.

After three rings, sinagot iyon ni Ella. Sa wakas!

Words Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon