"Ella, ano 'to? Bakit kasama siya?" Bulong ni Alyssa sa manager nila. Nasa studio sila ngayon para sa isang photoshoot dahil icocover sila sa isang magazine. Sa ngayon, kasama ng CNB si Amanda dahil may interview part sila for magazine since nalilink ito kay Alyssa."Swear, Ly, di ko din alam. I was shocked too." Sabi ni Ella.
"Hindi man lang tayo ininformed?" Tanong ni Alyssa.
"Hindi. Pero Ly, you signed a contract. You need to do this." Sabi ni Ella. Hinihintay na lang sila ng mga staff dahil nasa corner sila at nag-uusap. Tutal, wala pa naman yung designer eh.
"Mag-aassume yang club mate mo." Sarkastikong sabi ni Ly. Nung college kasi ay bahagi si Amanda ng fans club ng wafs na kasali na pala noon si Amanda. Nang malaman ni Ella na iba na ang level ng fangirling ni Amanda, iniwasan niya na rin ito.
"Oh Ly, we're done with that. Ikaw rin naman may kasalanan nito." Ella said and rolled her eyes.
"Anong ako? Bakit ako?" Tanong ni Alyssa.
"Tingnan mo 'to." Sabi ni Ella at may ipinakitang picture sa phone niya. It was Ly na pasakay sa kotse niya. It was a pic taken last night. Sa labas iyon ng condo unit ni Amanda.
"Oh anong meron dyan?" Tanong ni Ly.
"Your fans or shippers, whatever, reacted, as in react talaga sa picture na 'to. Their ship daw is getting real kasi naman, nakita ka nila na pumasok at lumabas from Amanda's condo unit. Nagtrend 'to actually. Kaya ayan ang mga staffs, they grabbed the opportunity para mas lalong mabenta yung next issue nila. Ano ba kasing ginawa mo dun?" Ella asked.
"Issue as in issue talaga! Nagdinner lang ako with her, Myco and Den." Sabi ni Ly.
"Woah! With Myco and Den? Double date?" Ella asked.
"Don't give me that look. It was already planned kaya hindi na ako nakatanggi." Sabi ni Ly.
"So double date nga? Ikaw at si Den, tapos si Myco at Amanda?" Pang-aasar na tanong ni Ella.
"Seriously? No." Sabi ni Ly.
"Ha? Eh sino? Si Den at Amanda tapos ikaw at si Myco?!" Pasigaw na bulong ni Ella.
"Are you insane?!" Pabulong ding tanong ni Ly.
"Just messing with you." Sabi ni Ella at saka tumawa. Iniwan na niya si Ly doon na nakaupo sa dressing room niya, ang tagal kasi ng designer niya eh.
She was fixing her polo when someone knocked.
"Who's that?" Tanong ni Alyssa.
"Ah, Ly, yung designer, nandito na." Sabi ni Ella mula sa labas.
"Pasok lang kayo." Sabi niya.
"Siya na lang." Sabi ni Ella.
"Bahala ka." Sagot ni Ly. Hindi siya makapagdecide kung ibubutton niya yung polo o hindi.
Dahang-dahang binuksan ng designer niya ang pinto. Napatingin si Ly sa repleksyon nito sa salamin. It was Den. Ly just avoided her gaze at binutton yung polo niya.
Lumapit sa kanya si Den at hinarap niya ito.
"I-I think it's better unbuttoned." Sabi ni Den.
"Oh? You think?" Ly asked. I-uunbutton na sana niya pero kamay ni Den ang nahawakan niya.
"Uhh let me." Sabi ni Den. Ly just put her hands down at hinayaan si Den na i-unbutton yung polo. Hindi naman alam ni Den kung bakit niya ginawa iyon. Parang may nagpush lang sa kanya na siya mismo ang gumawa nun.