Chapter 21

110 12 9
                                    

Chapter 21

Tongue



Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko't nakipagtitigan ako sa hangal.

Hindi ko kasi agad naisip na wala naman akong makukuha sa pakikipagtitigan sa kaniya. Kaya naman nang matanto ko ang kahihiyang ginagawa ay agad akong umalis sa kandungan niya.

Good thing he didn't do anything like grabbing my wrist again. Sumusobra na sa katitibok ng mabilis ang letse kong puso. Nahihirapan na ako!

"Lumayas ka na nga rito!"

I didn't bother to glance at him. Tumalikod agad ako at hinimas ang aking dibdib.

"Tss. I'll wait. Kakain na tayo." He said, sounded a bit feazed.

"Bahala ka nga. . ."

I silently cleared my throat before I sashayed towards my walk in closet. Nang tuluyan akong makapasok ay saka ako bumuga ng hangin. Sandali kong kinalma ang sarili bago isinuot ang nahablot kong oversized shirt na kulay itim. I partnered it with a high waisted maong shorts.

I was combing my hair using my finger when I came out. I immediately stilled when I met Theseus eyes.

Kanina pa ba siya nakatingin sa pintuan ng walk in closet ko?

"What?" I queried.

His lips pursed then he suddenly stood up. Nasundan pa ng mga mata ko ang paghagod niya ng tingin sa akin saka siya napasuklay rin sa sariling buhok. I was really amazed on how soft and obedient his hair is. Tila kay sarap haplusin at suklay-suklayin gamit ang kamay.

"What too?" baling niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. "N-Nothing. May iniisip lang, bakit ba?"

Then he stared at me for a second. "Tumitingin ka sa akin. Ako ba ang iniisip mo?"

I gasped. "I am not looking at you."

"Hmm. Okay."

"Totoo nga!" giit ko pa. He seems not convinced.

"Yeah, okay..." he said again with the same tone.

Hindi na lang ako kumibo. Kung wala lang akong nararamdaman sa hangal na ito, kanina ko pa sana siya nasupalpal ng mura. Luging-lugi na ako. I suddenly miss the old me who always throw reproaches to him. The old me who loathes him. The old me who didn't even imagine herself falling for this cockroach.

Hindi ako kumibo sa buong oras na kumakain kami. He's not starting a conversation too so I guess it's okay to not talk. Ako rin ang naunang matapos kaya naiwanan siyang mag-isa. I just couldn't stand it anymore. I couldn't stand sitting beside him. Naaalala ko lang na pinaglalaruan niya lang ako. Pinapaibig niya lang ako para saktan kalaunan.

It's the reason why he suddenly changed. Changed to someone who is so different from the Theseus I know. I somewhat enjoyed that changes. Inabuso ko iyon kagabi. 

Hinayaan ko siyang gawin ang misyon niya kagabi. Even a while ago. Hinayaan ko lang siyang paglaruan ako.

Now, I decided to stop my delusions. Dapat ay hindi na ako magpadala sa mga salita niya. Dapat ay iwasan ko na siya dahil nasasaktan naman na ako eh. He already won but I will never admit it in front of his face.

Nagkulong ako sa aking kuwarto maghapon. I wasn't planning on going out but I suddenly received a call from Yashana. She's crying from the other line. Ang sabi ay hindi niya na raw kaya ang mga pinapagawa ng kaniyang Mommy. She sounds so devastated. She needs us.

"Tell me where you are, Yash."

Sumigok siya. "I'm in the middle of the road! Naubusan ako ng gas, I look so stupid here!"

Tie Me Now (Filles Rebelles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon