Chapter 27
La del Barrio
My body is aching so bad. Hindi ko alam na ganito pala ang mararamdaman pagkatapos gawin iyon.
I sighed heavily then my eyes drifted to his sexy back. Ang likod na siyang nahaplos ko nang walang sawa kanina.
I chuckled inwardly.
This cockroach. . .
Kung hindi pa ako nagreklamong pagod na ay hindi pa sana siya titigil. I still can't believe it. We did it. . . Hindi lang isang beses. Maraming beses.
The tinhorn is unbelievably insatiable!
Naalala ko pa ang ibinulong niya nang tuluyan ng mag-isa ang aming katawan. He told me that it's his first time but it doesn't seem like it. Hindi halatang unang beses niya dahil nga. . . masyado niyang ginalingan.
Pumikit ako ngunit agad ding napamulat nang maalala ang mga nangyari.
Kung gaano karahan ang bawat paghaplos niya. . . It's like he's making me sense his true feelings. Baliw na baliw ako at gusto agad maniwala sa mga naramdaman.
But my stupidity will stop here.
I already gave myself to him. My whole self. Wala ng natira sa akin kung hindi ang kakarampot kong pride. If I continue to stay on his side, I'll lost it too.
Kahit bahagyang nanginginig ang aking magkabilang hita ay pinilit ko ang sariling tumayo. Nagbihis ako at inayos ang parte ng kama na hinigaan ko. I don't wanna leave my traces.
I walked with silence. Kahit nakalabas na ako sa kaniyang silid ay hindi parin ako tuluyang nakakahinga ng maluwag.
It's because he's still near!
Nang makababa sa hagdan ay doon na ako tumakbo palabas ng main door. Mabuti nalang talaga at naiwan ko na ang susi sa aking kotse. Nandoon na rin ang aking maleta. Ako nalang talaga ang kulang.
Everything is going smoothly. I can almost breathe in relief. Kaonti nalang. . .
Mabilis kong ipinatakbo ang aking sasakyan hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa teritoryo ng mga Vallejo.
I let out a long sigh. . .
Why does it feels so wrong to leave?
Bakit pakiramdam ko isang maling desisyon ang ginagawa ko?
Pero mali bang unahin muna ang aking sarili? He's just playing a game with me! Nilalaro niya lang ako kaya bakit naman magiging maling desisyon ang pag-iwan ko sa kaniya?
Malamang ay dahil sa pesteng nararamdaman mo!
Sunod sunod na nagsipatakan ang aking mga luha. Just like what I imagined. Ngayong medyo malayo na ako, ngayon ko lang ito mailalabas nang malaya at walang takot. I've been waiting for this. Ang hirap naman kasi magbitbit ng sobra-sobrang sama ng loob at sakit sa mahabang panahon. Now, it's their time to shine.
I was like an actress who was doing her role in a movie. The scene is to cry like a crazy woman while driving so fast. Pamilyar sa akin ang eksenang ito. Tila napanood ko na sa isang pelikula.
Now what bitch?
Saan ka na pupunta ngayon?
Ayaw ko ring magsabi sa dalawa kong kaibigan. I've disturbed them enough. Besides, they are facing their own problem too.
Kaya haharapin ko itong mag-isa.
Kaya ko naman.
For now, I don't need a shoulder to lean on. Hindi naman mahirap umiyak eh. Kaya ko namang mag-isa. I also don't need some comforting words from them. Para saan naman iyon? Tagos na tagos na sa loob ko ang sakit, hindi na no'n magagamot ang malaking sugat doon.