Chapter 29
Crux
"Balak mo ba akong taguan ng anak?"
My mind suddenly went blank. Mukhang maling desisyon ang ipilit na dito kami sa loob mag-usap. His voice is so loud! Halatang sinadyang iparinig sa mga lalaking nakikinig sa gilid!
This cockroach and his annoying brain!
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit ang tanging isinagot niya sa akin ay ang kaniyang mapang-asar na ngisi.
"Fine! Let's talk outside." pagsuko ko.
I harshly grabbed his arms then hauled him outside.
"Ano ba'ng sinasabi mong tataguan kita ng anak? I am not pregnant!" I blared.
His eyebrows arch. As if he's ridiculing me.
"Of course, you're not yet pregnant."
I gasped in irritation. "Not yet?! Ano ba'ng pinagsasasabi mo?!"
"Next next week, we'll see." kalmado niyang sagot.
What is he talking about?!
Tumataas na ang altapresyon ko at kaunti nalang baka mapagbuhatan ko na siya ng kamay.
Kung bakit naman kasi hinanap niya pa ako.
Sandali. . .
Paano niya nga ba nalaman na nandito ako?! Hindi kaya sinabi ng mga gaga na 'yon? But they promised not to tell him! Ano't bakit nauna pa ang hangal sa pagpunta rito?!
Kingina naman. Kailan niya ba ako lulubayan?!
I breathe deeply then I turned my back at him.
Why am I even talking to him? Dapat kanina pa ako lumayas dito eh. Dapat no'ng pagkakita ko pa lang sa kaniya ay tumakbo na ako palayo eh. This man caused an excruciating pain in the deepest of my chest. Ang nanunuot na sakit na iyon ay narito parin hanggang ngayon.
It's still embracing my whole being.
Hindi pa nga ako nakakapagsimula sa binabalak na pagmomove-on, narito na naman siya agad. Saying words that isn't so nice to hear. Pero kahit na gano'n, kuhang-kuha parin no'n ang lintik kong puso. Kuhang-kuha niya parin ako. And I just wanted to cry because of that.
Kung sana'y parehas kami ng nararamdaman. . .
'Di sana hindi ako nagkukumahog sa pagtakas sa kaniya.
"Ariadne. . ." he whispered, sounding like he's pleading.
Kinuyom ko ang aking mga palad at bumaling sa kaniya. I am only holding on to my pride. Kung pati iyon ay gusto niya ring makuha, then fine!
"I don't understand why you're doing this. . ." I looked at his eyes. "Why did you look for me? Gustong-gusto mo ba talagang makita kung paano ako masaktan at umiyak?!"
He gave me a confusing look. "What-"
"Can you stop?! Tigilan mo na ang pagpapanggap! I thought you already know about my feelings for you? You already won! Tagumpay na kayo sa plano niyo kaya puwede ba lubayan mo na ako? I already gave you myself too! Wala na ngang tira sa akin eh!"
I didn't plan to burst out like this. Pero kung iyon lang ang paraan para lubayan niya na ako, bakit ko pa iisipin ang pride ko? All I want is to get away from him. But then he suddenly looked for me when I wasn't expecting him to do it.
Ngunit paano naman ang puso ko kung ganito nalang siya palagi?
Yumuko ako. I cannot hold back my tears anymore. Isang tingin pa sa kaniya at alam kong bubuhos agad iyon.