Chapter 23

95 10 4
                                    

Chapter 23

Frazzled



He was humming the whole time we're inside his car. Sa buong oras din na iyon ay halos mahilo na ako kakaikot ng mata.

Paano ba naman kasi ay halatang nasisiyahan siya sa mga nangyayari. He knows that he won our argument. He made me speechless and he seems very proud of himself.

It's very obvious that he's teasing the hell out of me. At pikon na pikon na rin ako rito sa tabi niya! I was just quiet but deep inside me, I'm already bursting out! Gusto nang kumawala ng toro sa loob ko, gusto nang suwagin ang hangal na todo pa sa kangingisi.

He's now outside the car. He parked outside the familiar restaurant. Bahala siyang kumain mag-isa. Baka hindi na talaga ako makatiis kapag sumama pa ako sa kaniya. I might already punch his annoying face.

Argh!

I rolled my eyes when he knocked on the window beside me. Ibinaba ko ang salamin niyon at inis na tumingin sa kaniya.

"Ano?!" I snarled.

His lips pursed. "Ano rin? You want me to open the door for you? Wala kang kamay?"

I really can't with his sarcasm. Isang-isa nalang talaga!

Nagngingitngit na ang aking bagang sa sobrang galit. "You eat with yourself! Hindi ako sasama!"

Umangat naman ang isa niyang kilay. Mukhang natuwa pa sa sinabi ko. This bastard is really getting on my nerves! Lord, if he'll say something provoking again, I will not stop myself.

"Are you worried if I'll ask for a payment again? Don't worry, libre ko na– what the fuck!"

Ngumisi ako at mas hinila pa nang mahigpit ang kaniyang buhok. Halos makapasok na ang ulo niya sa bintana sa sobrang lakas ng pagkakahila ko.

"Damn it, Ade! Let go!"

I acted as if I didn't hear him. I continued to tweak his hair with all my might.

This is satisfying! Ang sarap-sarap niyang pagbuhatan ng kamay!

"You damn cockroach! Pikon na pikon na ako sa'yo! Akala mo kung sino kang guwapo, pwe!"

"Ariadne, isa! Papasukin talaga kita diyan!"

I grinned. "Eh 'di pumasok ka! Para mas maayos kitang masabunutan!"

"Fuck it!"

Umiiring niyang tinanggal ang kamay kong mahigpit na nakakapit sa kaniyang buhok tsaka binuksan ang pinto sa tabi ko.

My eyes widened when he suddenly inserted himself. Napatayo pa ako ngunit agad na nahimas ang ulo nang mauntog sa bubong ng sasakyan. Kingina. Parang mapipisa na ako rito isang galaw niya pa.

Ano ba'ng trip ng hudyo na ito?!

I saw his evil smirk then he intentionally squeezed me on my seat.

I groaned. "Theseus, lumabas ka nga!"

"This is my car."

"Eh 'di doon ka sa driver seat! Dito ka pa sa akin sumiksik. You see, this seat is only for one person!"

Masama niya akong tiningnan. "Then sit on my fucking lap."

Marahas akong suminghap at akmang aabutin na naman ang kaniyang buhok nang hulihin niya ang aking kamay.

"Do I need to force you or you'll do it willingly?" he menaces.

Napanganga nalang ako ngunit hindi parin gumalaw sa kinauupuan. Isang iglap ay kumalma na naman ang nagagalit na toro sa loob ko. Napalitan na naman ng mabilis na tibok ng walang hiya kong puso.

Tie Me Now (Filles Rebelles #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon