Chapter 30
Baptize
Clary just bowed her head. Mukhang hinihiling na ng gaga na lamunin siya bigla ng lupa.
I smirked. It seems like we're right. Iyong tinatawag nilang Priam ay ang Riam na kinababaliwan niya. Ang Riam na iniyakan niya. . .
"The Riam who just dumped you?!" si Yashana.
Nanlalaki ang matang lumingon sa kaniya si Clary. Siguro kung wala ang mga guwapong ito, kanina niya pa sinabunutan ang gaga. At kung wala rin si Theseus sa tabi ko, baka kanina ko pa ginatungan ang pang-aasar ni Yashana.
"Tangina Priam? You just dumped that beautiful girl?! How could you?!"
"Can you shut up, Reth?" Riam said with his serious tone. Mukhang pikon na pikon na sa mga kasama.
"How can I shut up? Ang sarap mong bungangaan sa katangahan mo."
Habang nagkakagulo sila ay pasimple naman akong hinila palayo ng hangal. Because his car is just near, doon nalang kami nagpunta para makapag-usap muli.
Bigla na naman akong tinamaan ng kaba. Ang malandi kong puso ay hindi na naman mapakali.
Until now, my mind is still processing everything he confessed. Para sa akin noon, napakaimposible iyong mangyari. But now that it really happened, I just can't grasp it all.
Hindi parin ako makapaniwala. . .
Turns out that we have the same feelings for each other!
Nagmukha tuloy kaming tanga kakapaniwala sa sinasabi ng iba. Him, believing Mari's lies, then me, concluding like a professional clairvoyant.
Our differences are. . . he still fought his feelings for me. He still tried to tame me. Ipinilit niya ang nararamdaman niyang kailanman ay hindi ko natanto dahil masyado akong nilamon ng galit. Hinanap niya ako kahit na tinakbuhan ko na siya. . . Ipinilit niya ulit ang magiging anak daw namin.
Why am I so stupid?
I just wanna cry for him. Sumisikip ang dibdib ko hindi na dahil sa sakit na dulot niya. Kung hindi dahil sa sakit na naidulot ko mismo sa kaniya.
"I'm sorry. . . " I mumbled.
I glanced at him only to realize that he's been staring at me while I was pondering about my stupidity.
"What?" kunwa'y inis kong sabi. "Sabi ko, I'm sorry!"
His brows furrowed.
"Why? Dahil binalak mong taguan ako ng anak?" he scoffed.
I rolled my eyes. Hindi parin siya nakakamove-on diyan.
"I'm just sorry for being a stubborn wife! Iyon 'yon."
He tsk-ed. "You'll be punished. Kapag nakauwi tayo sa bahay."
"Whatever."
He smirked at me. Inilapit pa ang mukha na mabilis kong iniwasan.
Tumingin ako sa labas ng bintana saka patagong ngumiti. I can't look at him when he's this handsome. Binabalewala ko iyon palagi dahil nga sa galit at inis ko sa kaniya. Ngayon na maayos na kami, parang hindi ko kayang harapin siya palagi.
"You're uncomfortable? Because you like me so much?" humalakhak siya.
"Mas makapal lang ang mukha mo sa'kin. Ikaw nga ang matagal ng may gusto sa'kin." balik asar ko na mas ikinatawa niya.
"I'm glad you know. . ."
Suminghap ako. "So kailan pa nga? Don't tell me you experienced love at first sight with me?"