Chapter 12
Vallejo
I felt someone tapping my cheeks repeatedly. I groaned then I tried to shoo it away while my eye's still closed but it didn't stop.
Mas lumala lang ang pagtapik kaya marahas akong napabangon.
"Kingina." I mumbled.
I faced the culprit and I'm right, the fucking cockroach again. Ano na naman ba'ng problema niya sa buhay?! Dapat pala kinagat ko na lang ang peste niyang kamay!
"A cuss early in the morning huh."
Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag. Saka ko lang napansin na bihis na bihis siya habang ako ay parang bagong panganak.
"Ano ba'ng problema mo?! Kagabi ka pa."
"I definitely don't have any problem. Baka ikaw." sagot niya, mapang-asar ang tinig.
"Then why did you wake me up?! Kulang ka talaga sa pansin..." bumangon ako at umirap sa kaniya.
"No, Lolo's here gusto kang makita, at hindi ako kulang sa pansin. Baka ikaw."
I gasped in disbelief. "What? Ba't ngayon mo lang–"
"Kanina pa kita ginigising, you're such a sleepyhead."
"Whatever." tanging sagot ko.
Tumango ako sa bathroom para makaligo na. Hindi naman ako nakakaramdam ng kaba dahil nandito ang Lolo niya. Hindi naman ako mahiyain kaya ayos lang makaharap ang Lolo niya.
Sana lang ay huwag humingi sa amin ng kung ano mang pabor.
I wore a vintage color puff dress and I partnered it with a white stilletos. Inayos ko na rin ang buhok ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha.
Naglakad ako patungo sa kusina. At tama nga ako dahil nandoon na sila mukhang hinihintay ako. Unang dinapuan ng tingin ko ay si Theseus na seryoso lang na nakamasid sa akin. Pasimple akong umirap bago bumaling sa kaniyang Lolo na nakatingin pala sa akin. He's smiling weirdly, enough to make me feel nervous a little bit.
Nandito rin iyong babae kahapon na nakangiti lang katabi ng matanda.
"Apo, your wife is very beautiful huh." anito.
"I know po." I confidently said.
"I'm sorry, I'm not here yesterday because I have a lot of works to do."
"It's okay po."
Lumapit ako sa kaniya para magmano bago dumiretso sa upuan katabi ni Theseus.
He sneered at me.
"Fool, you're not beautiful." bulong niya.
"I don't need your fucking opinion." sagot ko rin ng pabulong.
"Oh, what are you whispering guys? You can share it with us." magiliw na wika ng matanda.
"Uh, I'm just telling her how beautiful she is." plastik niyang sagot.
"Oh, he's lying, he's actually–"
Natigil ako nang maramdaman ang kamay niyang pumisil sa baywang ko. I hastily throw a daggers at him but he neglected it.
"Cute." komento ng babae.
"Indeed, Vidia." sagot ni Lolo.
Nagpatuloy ang agahan. Panay ang salita ng kaniyang Lolo na tila hindi nauubusan ng sasabihin habang si Theseus naman ay mukhang nababagot na. Theseus is a type of a guy who doesn't talk habitually. Pero iyon nga lang, kapag nagsasalita naman ay nakakabanas. Talagang maiinis ka kahit hindi niya sadyain na inisin ka. Paano kasi ang lakas ng apog, sarap tadyakan.