CHAPTER 01

17.3K 220 5
                                    

KLAY

"What the?!"

Habang inilalapag ko ang mga order ng costumers sa mesa ay hindi ko maiwasan na hindi mapasulyap sa gawi ni Kelly at ng isang babaeng costumer.

"I-I'm sorry po."

"You're so stupid!"

"H-Hindi ko po sinasadya—"

"Don't touch me! I want to talk to your manager, right now!"

"Pero wala pa po rito 'yong manager namin."

"I said, I want to talk to your manager, right now!"

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang takot sa hitsura ni Kelly. Mukhang kahit na ano ang gawin niyang paghingi ng tawad ay wala yatang talab sa ginang.

"Enjoy your food and drinks, ma'am, sir,” nakangiting baling ko sa dalawang costumers kaya napunta sa akin ang atensiyon nila matapos nilang sumulyap din sa nangyayaring munting kaguluhan.

"Thank you," tugon ng babae. Tumango ako sa kaniya bago ko muling ipinukol ang mga mata ko sa gawi nina Kelly.

Habang dala ang tray ay nagtungo ako sa kanila. Nakayuko lang si Kelly na animo'y takot na takot habang ang babae naman ay parang uusok na sa galit. Kung tatantsahin, mukhang nasa thirties na ang edad nito at mukhang mayaman, base na rin sa dress na suot niya at sa bag niyang halatang mamahalin.

"Ano pong nangyayari rito?" kalmado kong tanong paglapit ko. Tumingin sa akin ang babae. Sinuri niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan ng pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Itong tangang co-worker mo! Tinapunan ng drink 'tong dress ko!" mariin nitong sagot habang nakatingin nang masama kay Kelly.

"H-Hindi ko po talaga sinasadya—"

"Shut up!"

"Ma'am, baka naman po puwedeng kumalma po muna kayo? Marami na po kasing costumers ang nakatingin sa atin ngayon," sabat ko sa magalang na paraan.

"I don't care! Mas mabuti nga eh, para malaman nila kung gaano ka-tanga ang babaeng 'to!"

"Ma'am, hindi naman po niya sinasadya—"

"Talaga ba? Nakita mo ba? Sinasadya man o hindi, tatanga-tanga pa rin siya! So, I want to talk to your manager, right now! For this stupid barista to be fired!"

"Ma'am, hindi n'yo po ba narinig 'yong sinabi niya kanina? Wala po rito ang manager namin." Kahit na nagsisimula nang umusbong ang gigil at inis sa loob ko ay pinilit ko pa ring maging kalmado sa kaniya.

"E 'di, tawagan n'yo at papuntahin n'yo rito. Basta gusto ko siyang makausap, ngayon din!"

Ay, demanding lang ang peg?

"Ma'am, ang manager namin ay busy rin pong tao. Hindi po namin puwedeng gawin ang inuutos ninyo na tawagan siya para lang sa walang kwentang bagay," medyo tumaas na rin ang boses ko.

"What? Walang kwentang bagay? Tinapunan ng babaeng 'to ang dress ko! Alam mo ba kung magkano 'to, ha?! Mas mahal pa 'to sa mga buhay ninyo!"

"So, ano pong gusto ninyong mangyari? Ang matanggal at mawalan ng trabaho ang kaibigan ko? O ang bayaran niya 'yang dress n'yo?" sarkastikong tanong ko.

"Sa hitsura niya, hindi mababayaran 'tong damit ko kahit ilang taon pa siyang magtrabaho. Kaya do'n na lang ako sa unang option."

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko yata kinakaya ang kayabangan ng babaeng 'to, ah. "Ma'am, mawalang galang na ho, ah? Pero imposible po 'yang gusto ninyong mangyari. Hindi po mawawalan ng trabaho ang kaibigan ko dahil sa bagay na hindi naman niya ginawa."

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon