KLAY
*TOK! TOK! TOK!*
Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok. Kahit si Mama na kagagaling lang sa kusina ay napako rin ang tingin sa pinto. Si Papa na kaya 'yan?
*TOK! TOK! TOK!*
"Ma, ako na po," prisinta ko nang akmang tutungo si Mama ro'n para buksan ang pinto. "Baka si Papa na po 'yan," turan ko pa nang tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa.
Nang buksan ko ang pinto ay bahagya akong nagulat nang hindi si Papa ang bumungad sa akin kundi si Hannah.
"Hannah? May nakalimutan ka ba?" tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya habang may tipid na ngiti sa mga labi. Nagtaka naman ako sa kaniya. Balak ko pa sanang magtanong nang bigla siyang umurong at bumungad sa akin ang mommy niya na nasa likuran niya.
"I'm here with my mom. We just want to say thank you in person," wika ni Hannah.
Napalunok naman ako habang nakatitig sa mommy niya. Ngayong kaharap ko siya mismo, hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksiyon ko.
"Klay, anak? Sino 'yan? Ang papa mo na ba 'yan?" dinig kong tanong ni Mama. "Si Kar—" Natigilan si Mama nang lumapit siya sa akin para tingnan ang bisita namin.
"Bernice," sambit no'ng mommy ni Hannah. "I'm here to say sorry and thank you."
Mga ilang segundo rin bago nakasagot si Mama, "Pasok kayo." Nagtungo kami sa sala. Magkatabing umupo sina Hannah at mommy niya, habang magkatabi naman kami ni Mama sa tapat nila.
"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko kayo haharapin. I feel so guilty. Nahihiya ako sa inyo..." Hannah's mom uttered. "Naikuwento na sa akin ni Hannah ang nangyari. Despite what I did, nagawa n'yo pa ring tulungan ang anak ko. I don't know what to say anymore..." Yumuko siya at suminghot, doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala siya.
"Demi... Sa totoo lang, hindi pa kita napapatawad. Pero hindi naman kasi ako masamang tao. Iniisip ko lang ang anak mo at ang anak ko. Sana naman sa mga nangyari, maging halimbawa 'yon sa 'yo para maging mabuti kang ina sa anak mo," malamig na turan ni Mama.
"I understand. Alam kong hindi gano'n kadaling kalimutan ang ginawa ko. Handa akong pagsisihan 'yon. Sabihin ninyo sa akin... paano ako makakabawi sa kabutihan ninyong dalawa?"
Sandaling sumulyap sa akin si Mama at bumuntong-hininga. "Humingi ka ng tawad kay Klay."
Gulat akong tumingin kay Mama sa sinabi niya. Bakit ako? Bakit sa akin? Hindi ba dapat kay Mama siya hihingi ng tawad?
"Ma..."
"Alam kong ginawa mo 'yon sa akin dahil sa galit mo sa anak ko. Ginamit mo 'ko para magantihan si Klay. Kaya sa kaniya ka humingi ng tawad, Demi."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko kay Mama. Bakit ba palagi na lang ako ang iniisip niya? Siya itong nasaktan, siya itong nahirapan, siya itong na-ospital dahil sa akin pero sa akin pa dapat humingi ng tawad ang mommy ni Hannah.
"Sure. I'll do that." Basa ang pisngi na tumayo ang mommy ni Hannah at lumapit sa akin. Ang akala ko ay basta lang siya hihingi ng tawad, subalit nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
"'Wag n'yo pong gawin 'yan!" mabilis kong pigil sa kaniya pero ngumiti lamang siya sa akin. Tulad noon kay Hannah ay wala na rin akong nagawa pa nang tuluyan siyang lumuhod sa harapan ko.
"I'm really sorry, Klay. Hiyang-hiya ako sa lahat ng mga nagawa kong masama sa inyo ng mama mo. Hindi ko hihilingin na mapatawad mo 'ko pero hayaan mo akong humingi ng sorry sa 'yo."
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...