KLAY
Tulala habang nakatitig sa puting kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto o kung ilang oras na ba ako sa ganitong posisyon. Matapos ang nangyari kanina ay para bang nawala ako sa sarili ko. Pilit ko ring kinumbinsi ang sarili ko na baka panaginip lang 'yong nangyari. Pero hindi...
... Dahil alam kong totoo iyon. Totoong na-holdap ako kanina at muntikan na akong masaksak. Tapos dumating si Fidel.
Dumating siya kaya naligtas ang buhay ko. Dumating siya kaya naman ligtas akong nakauwi na kumpleto ang mga gamit ko.
Sa hindi malamang dahilan ay kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang labi ko. Hanggang ngayon ay damang-dama ko pa rin ang pagdampi ng mga labi niya...
"Jusko namaaaan!" Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil hindi pa rin akong makapaniwala. "Whoaaaaaa!" sigaw ko habang patuloy akong nagpagulong-gulong. Gulong sa kaliwa at gulong sa kanan. Mabuti na lamang at hindi ako nalalaglag sa kama dahil sa ginagawa ko.
"You don't have an idea of how much Xander hates his first name. And you also don't know kung anong puwede niyang gawin once he heard you calling him that way."
Napabalikwas ako nang maalala ko ang sinabi ni Jaina. Alam kong maraming beses na niya akong sinabihan na huwag tatawagin si Fidel sa first name niya. Ngunit, hindi ko naman akalain na gano'n ang gagawin niya dahil lang sa tinawag ko siya sa first name niya.
"S-Seryoso? Dahil lang sa tinawag ko siyang Fidel ay hinalikan niya ako? P-Pero..."
Sandali akong napaisip. Base sa reaksiyon nina Hannah at Jaina nang marinig nilang tinawag ko si Fidel sa first name niya ay tila ba nakakatakot dahil para bang binabalaan nila ako. Walang tumatawag kay Fidel ng gano'n dahil sa natatakot sila sa puwedeng maging reaksiyon o gawin ni Fidel sa kanila. Pero kung ang tinutukoy nila ay ang bigla na lamang panghahalik ni Fidel... malamang sa malamang ay maraming tatawag sa kaniya sa first name niya dahil gusto nilang mahalikan ng isang Fidel. Sikat siya at pinagkakaguluhan. Kaya paanong?...
"Whoaaaa!" muling tili ko at ginulo ang buhok ko. Pakiramdam ko mababaliw ako ngayon kakaisip sa nangyari! Sana pala hindi ko na lang siya inasar kanina. Sana pala hindi ko siya tinawag na 'Fidel' sa mismong harap niya. Huhuhu! Anong gagawin ko?! First kiss ko 'yon, eh!
Iniling-iling ko ang ulo ko at humiga saka tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Subalit, wala pang isang minuto ay agad din akong napabangon. Hindi ako makatulog!
Bawat pikit ko ay 'yong mukha ni Fidel ang nakikita ko! Bawat pikit ko ay 'yong 'kissing scene' kanina ang nakikita ko! Kaya paano ako makakatulog nito?!
Kinuha ko ang cellphone ko na nakataob sa kama para i-check ang oras. It's now 2:23 a.m. in the morning. What?! 2 a.m. na?! Ganoon katagal akong hindi nakatulog kakaisip sa lalaking 'yon?! Oh, come on! Klay!
Parang gusto kong matawa sa sarili ko ngayon. Dahil mas iniisip ko pa ang paghalik sa akin ni Fidel kanina kaysa sa pangho-holdap na nangyari. Nakakagulat naman kasi talaga, eh! Hindi ko in-expect 'yon! Hays, hindi tuloy ako nakapasok sa café dahil do'n.
Bakit naman kasi gano'n, Fidel?! Huhuhu...
***
"Klay? Are you okay?" agad na tanong ni Jaina nang maupo siya sa tabi ko.
"Gano'n ka ba ka-stress para hindi ka makatulog?" natatawang komento naman ni Kelly na kadarating lang din at naupo siya sa kaliwa ko.
Siguro nga nakakatawa ang hitsura ko ngayon. Halatang-halata siguro na hindi ako nakatulog. Kasalanan 'to ng mokong na iyon! Dahil sa kaniya hindi ako nakatulog.
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...