CHAPTER 53

2.4K 63 12
                                    

KLAY

Lumipas pa ang ilang mga araw na hindi man lang kami nagkakausap ni Fidel. Minsan pa nga umaasa ako na bigla na lang siyang susulpot para guluhin ako, minsan din ay hinihintay ko ang tawag at text niya kahit alam ko naman na imposibleng mangyari. Ayoko mang aminin, pero namimiss ko na siya. Miss na miss ko na siya!

Minsan nakikita ko siya sa campus, pero tuwing kasama niya lang ang mga kaibigan niya at siyempre si Hannah. Hindi ko alam kung gaano ka-totoo 'yong rumors about sa kanilang dalawa. But base na rin sa mga nakikita ko... maybe there's something going on between them.

Bukod sa naganap na laban ng PU basketball players at FU basketball players, kung saan natalo ang PU Players, sina Hannah at Fidel ang isa sa mga pinag-uusapan ngayon. Puro pangalan nila ang naririnig ko. Walang araw o oras na hindi ko naririnig ang mga pangalan nilang binabanggit ng mga estudyante. Minsan nga pinagdarasal ko na sana bingi na lang ako, e. Para hindi ko na marinig ang mga usapan nila.

Ang ginagawa ko na lang din ay pinapasakan ko ng earphones ang magkabilang tainga ko nang sa gayo'n ay hindi ko na sila marinig pa at tanging musika na lang ang bubusog sa tainga ko.

Ang tanga-tanga ko kasi, e! Ang tanga ko na huli na bago ko na-realize na in-love na pala ako sa lolo na iyon! Malay ko bang gusto ko na pala siya. E 'di, sana noon pa lang binakuran ko na siya. Subalit, wala rin naman akong karapatan para gawin iyon dahil ako lang naman ang may gusto. Sigurado naman ako na walang gusto iyon sa akin at iba ang type no'n. Ang tipo no'n ay ang mga katulad ni Hannah; matangkad, maganda, sexy, mayaman... at higit sa lahat ay masama ang ugali!

Madalas kapag namimiss ko siya, inaalala ko na lang 'yong mga nangyari noon. Iyong mga bagay na ginagawa niya sa akin. Namimiss ko kasi lahat 'yon, e. Kahit na minsan nakakabwisit siya... nakakamiss din pala. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay hahanap-hanapin ko rin 'yong mga panahon na kasama ko siya, mga oras na magkausap kami, at mga oras na nagbabangayan kami.

Naidilat ko ang mga mata kong nakapikit nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. Bumungad sa akin si Kelly na nasa tabi ko na pala sa inuupuan kong bench at tila ba may sinasabi ito sa akin dahil bumubuka ang bibig niya. Tinanggal ko naman ang earphones sa magkabilang tainga ko para marinig ko siya.

"May sinasabi ka, Kelly?"

"Ang sabi ko kung nag-lunch ka na ba?" tanong niya. "Kanina pa naghihintay sa atin si Jaina sa cafeteria kaya tara na!" Hinawakan niya ako sa pulsuhan ko at hinila.

Aangal pa sana ako kaso wala na rin akong nagawa dahil nagugutom na rin naman ako. Pagtapak namin sa canteen ay nakita namin agad si Jaina. Ngunit, bigla kong pinagsisihan na nagpatangay ako kay Kelly papunta rito dahil sa nakita ko.

Nagsimula na namang sumikip ang dibdib ko habang nakatitig ako sa kanila. It was Hannah and Fidel, they're eating alone like a couple.

Bigla na naman akong hinila ni Kelly papunta sa puwesto kung nasaan si Jaina. Wala na akong nagawa at naupo na lamang. Napansin ko rin na ang iba sa mga nandito sa canteen ay kina Fidel nakatuon.

"Let's, eat. Nagugutom na ako," nakangusong saad ni Jaina kaya nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na hindi mapasulyap kina Fidel. Ang liwanag ng mukha niya, mukha siyang masaya... Is he in love?

Halos mapiga na ang puso ko habang pinapanood ko silang kumain. Nagsusubuan silang dalawa na tila ba walang tao sa paligid nila. Makikita mo rin kay Hannah na tuwang-tuwa siya sa atensiyon na binibigay sa kaniya ni Fidel.

"Alam mo, Klay? Ang akala ko talaga kayo ni Xander ang magkakatuluyan, e. Sa dami ng babae bakit 'yang Hannah pa na 'yan? Hanga na sana ako kay Xander kaso mukhang tama ka nga, red flag talaga ang lalaking 'yan."

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon