KLAY
Days had passed after the final exam, yet I couldn't be truly happy. It feels like there's a hole in my heart that needs to be filled. I felt so empty. I felt no joy. I felt so alone.
Hindi nga nagbibiro si Mrs. Tan no'ng sinabi niyang dadalhin niya sa U.S. si Fidel, dahil natuloy ang pag-alis nila. Gustuhin ko man na pigilan sila, wala naman akong magagawa. Sino ba ako? Bukod do'n, ako rin ang may kasalanan kung bakit naging malubha ang kalagayan ni Fidel. Gusto ko na rin siyang gumaling. At kung ang pagpunta lang niya sa U.S. ang paraan, anong karapatan ko para pigilan 'yon?
"Walang hiya kang babae ka!"
Kasalukuyan akong nakaupo sa kama at nagbabasa ng libro nang makarinig ako ng sigaw mula sa labas ng kuwarto kaya naihinto ko ang ginagawa ko. Hindi ako puwedeng magkamali, boses ni Kelly ang narinig ko. Ano kaya ang nangyayari?
Out of curiosity ay lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kuwarto ni Kuya kung saan doon nanggaling ang sigaw.
"Kelly, calm down, please!"
Naabutan ko si Kuya na yakap-yakap si Kelly na animo'y pinipigilan. Habang si Kelly ay patuloy pa rin sa pagsigaw at nagpupumiglas mula sa hawak ni Kuya.
"Walang hiya ka! Malandi ka!" patuloy na sigaw ni Kelly kaya sinulyapan ko kung sino ang taong sinisigawan niya.
At nakita ko ang maid namin. Nakayuko habang umiiyak at nakahawak sa kaniyang dibdib na tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan niya. Binalingan ko ng tingin si Kuya na nakatapis lang din ng tuwalya.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanila kahit na mukhang alam ko naman kung ano ang posibleng nangyari.
Napatingin silang tatlo sa akin at lumapit sa akin si Kelly. "Ang babaeng 'yan! Nilalandi niya ang kapatid mo!" humihikbing sumbong niya sa akin.
Sinulyapan ko si Kuya pero nag-iwas lang ito ng tingin, kaya muli akong bumaling kay Kelly. "Ano bang eksaktong nangyari?" mahinahon kong tanong.
"N-Naabutan ko sila. Naabutan ko ang babaeng 'yan na nilalandi ang k-kuya mo," sagot niya habang humihikbi. "T-Tingin ko may nangyari sa kanila."
"That's not true!" agad na depensa ni Kuya. "Kelly, trust me. Walang nangyari sa amin. Bigla na lang siyang pumasok dito—"
"Manahimik ka! Sinong tanga ang maniniwala sa inyo, ha?! Pareho kayong walang mga damit tapos sasabihin mong walang nangyari sa inyo?! Ang kapal ng mukha ninyo!" sigaw ni Kelly kaya naman niyakap ko siya. "K-Klay, walang hiya sila."
Hinagod ko ang likod ni Kelly habang yakap ko siya. Tiningnan ko ang maid namin at seryosong tinanong, "Sabihin mo, may nangyari ba sa inyo ni Kuya?"
"O-Oo," nanginginig nitong sagot habang nakayuko pa rin.
"What the fuck are you saying?!" Bigla siyang nilapitan ni Kuya at hinawakan sa magkabilang braso. "'Wag kang magsinungaling! Walang nangyari sa 'tin!"
"A-Aray ko, Sir Cal. Na-Nasasaktan ako."
"Aminin mo ngayon din na walang nangyari sa atin! Masasaktan talaga kita!" Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kuya sa mga braso niya kaya mas lalo itong napahikbi.
"Kelly, halika." Inalalayan ko si Kelly at maingat na dinala sa kuwarto ko. Pinaupo ko siya sa kama at hinarap. "Kakausapin ko lang sila. Dito ka na muna, okay?"
Tumango-tango siya. "Okay."
Nginitian ko siya bago ko siya iniwan para bumalik sa kuwarto ni Kuya.
"What do you want?! Money, huh?!"
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomansaLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...