KLAY
"Ano kaya ang magiging gender ng anak namin? Ano sa tingin mo, Klay? Babae kaya o lalaki?" tanong ni Kelly. "Gusto ko babae. Pero puwede ring lalaki. Panigurado naman kasing gusto ni Cal na maging lalaki 'to. Para magmana sa kaniya sa pagiging basketball player."
Bumuntong-hininga ako bago ko siya tiningnan. "Kelly. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa natin dito sa library? Ang mag-review o ang pag-usapan ang baby ninyo ni Kuya?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Natigilan siya at nakaawang ang mga labing tinitigan ako. "S-Sabi ko nga m-magre-review tayo," utal niyang sagot. "Suplada mo naman. Parang hindi mo naman pamangkin 'tong baby ko," nakanguso niyang bulong. "Palibhasa kasi brokenhearted."
Tumaas ang isang kilay ko. "Ano 'yon?"
"Wala." Bumuntong-hininga siya. "Pero seryoso, Klay. Bakit ba ang suplada mo sa 'kin? Simula lang no'ng ilang araw kang hindi nagpakita rito sa school, naging ganyan ka na sa akin. Wala naman akong matandaan na may kasalanan ako sa 'yo. Tapos ngayon, sobrang seryoso mo sa pagre-review. Tsk," pagmamaktol niya.
"Exactly. Nagre-review tayo. Kaya kailangan nating maging seryoso. Malapit na ang final exam. Hindi puwedeng maging pabaya tayo," seryosong pangangaral ko.
"Oo na. Fine. Kailangang maging seryoso kasi malapit na ang final exam." She rolled her eyes. Ibalik ko na lang ang atensiyon ko sa mga notes at libro ko. "Pero no'ng nakaraang semester hindi ka naman ganyan sa akin, ah? Dahil ba kay Jaina? Dahil ba sa kapatid ko siya kaya nagagalit ka na rin sa akin?"
Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at kita ko ang panunubig ng mga mata niya.
"Sabi ko na nga ba, eh. Simula no'ng date n'yo ni Xander. Nag-iba na ang pakikitungo mo sa akin. Siguro, sa akin mo ibinubuntong 'yong galit mo kay Jaina." She sniffed. "Sige na. Aalis na lang ako. Hindi na muna kita guguluhin ngayon." Inayos niya ang mga gamit niya at umalis nang walang paalam.
"Kelly!" tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin kaya naman humugot ako ng isang buntong-hininga. Tamad ko namang tinapunan ng tingin ang mga estudyanteng napunta sa akin ang atensiyon, kaya bumalik din agad sila sa mga ginagawa nila. Napailing-iling ako habang inililigpit na rin ang mga gamit ko.
Hindi ko naman intensiyon na maging suplada kay Kelly. Sadyang gusto ko lang ituon ang focus ko sa pagre-review. Nakaramdam din ako ng awa para sa kaniya. Hindi ko alam na gano'n na pala ang nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kaya hindi ko napansin na nasasaktan ko na pala ang kaibigan ko.
Umalis ako ng library para habulin siya. Subalit hindi ko na siya nakita. Gusto kong sapukin ang sarili ko ngayon kung bakit hinayaan kong magtampo sa akin si Kelly, lalo na at buntis siya. Hindi siya puwedeng ma-stress. Hihingi na lang ako ng tawad sa kaniya once mahanap ko na siya. Pero saan ba siya nagpunta?
Lakad dito, lakad doon. Kung saan-saan ko na siya hinanap, ngunit hindi ko pa rin siya nahagilap. Masakit na rin ang paa ko kakalakad. And my last resort is to call her. Sana lang sagutin niya.
Itinapat ko ang cellphone ko sa tainga ko nang magsimula itong mag-ring. Gayo'n pa man, patuloy pa rin ako sa paglalakad habang palinga-linga sa paligid.
Me: Hello, Kelly? Nasaan ka?
Agad kong tanong nang sumagot siya. Subalit, wala akong narinig na kung ano mula sa kabilang linya. At sa kasamaang palad, binabaan niya ako!
"Hays. Bakit naman niya ako binabaan agad?" reklamo ko sa hangin. Balak ko sanang tawagan siya ulit, pero hindi ko na sinubukan. Malamang ay bababaan lang din niya ako ulit. Hahanapin ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
Storie d'amoreLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...