CHAPTER 73

2.4K 62 7
                                    

KLAY

Pagdating namin sa bahay ay dumiretso muna ako sa kuwarto ko bago ako nagtungo sa outdoor basketball court ng mansyon. Ang sabi kasi ni Mama ay nandoon daw sina Fidel at Kalvin naglalaro ng basketball. Tulad kasi kina Fidel mayroon ding court 'tong bahay nina Papa.

Habang naglalakad ako palapit sa kanila ay hindi ko maiwasan na hindi mapangiti nang natanaw kong masaya si Kalvin habang kalaro niya si Fidel. Mukhang close na close na talaga silang dalawa.

Proud naman akong pumalakpak nang ma-shoot ni Kalvin ang bola sa mataas na ring sa tulong ni Fidel dahil buhat niya ito. Mukhang lalaki ring basketball player ang kapatid ko.

"Klay!" Binitawan ni Fidel ang kapatid ko at bumaling sa akin. "Nandito ka na pala."

"Uhm. Kararating ko lang. Anyway, ano nga pala ang ginagawa mo rito? Saka, paano mo nalaman na dito kami nakatira?"

He smirked. "Well, alam ko na noon pa na dito nakatira si Cal. Minsan na rin kasi kaming naglaban dito."

"Ahh, okay." Now I know kung bakit hindi siya nagtanong sa akin tungkol sa address kung saan ako nakatira dahil alam na pala niya ang bahay na ito matagal na. "So, anong ginagawa mo rito?" muli kong tanong. Akma namang sasagot na siya nang biglang tumunog ang cellphone ko na siyang hawak ko. "Excuse me, sagutin ko lang 'to." Lumayo ako kay Fidel saka ko sinagot ang tawag.

Me: Hello, Ken?
Ken: Klay...

Nakaramdam ako ng kaba at pag-aalala nang marinig ko ang boses niya na animo'y walang sigla.

Me: Ken? Ayos ka lang ba? Anong problema? Bakit bigla kang napatawag?
Ken: Klay, I have something to tell you. Puwede ba tayong magkita?
Me: Ha? Ano naman ang sasabihin mo? Tungkol saan? Nakakakaba naman yata 'yan.

Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagbuntong-hininga bago siya sumagot.

Ken: Basta. Magkita na lang tayo. Doon tayo magkita sa playground kung saan tayo nagkita noon. Mamayang 8 p.m. Hihintayin kita.

Hindi na ako nakapagsalita pa nang binabaan niya agad ako. Mas lalo tuloy akong na-curious at the same time ay kinakabahan sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Ate Klay!"

Nilingon ko si Kalvin nang bigla niya akong tawagin. Natanaw ko siyang tumatakbo palapit sa akin habang ang isang kamay ay nakatago sa likod niya.

"Oh, Kalvin?"

Lumawak ang ngiti niya. "May ibibigay po ako sa 'yo, Ate Klay."

"Ha? Ano naman 'yon?"

"Ito po, oh!" Inilabas niya ang kamay niyang nakatago sa likod niya na may hawak palang rosas.

"Wow! Para sa akin 'to?" Natutuwang kinuha ko sa kaniya 'yong bulaklak. "Ang sweet naman ng kapatid ko. Thank you!" Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.

"Hindi po sa akin galing 'yan, Ate Klay. Si Kuya Xander po ang nagpapabigay sa 'yo niyan."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya at napalingon kay Fidel na ngayon ay nakapameywang hindi kalayuan sa amin na siyang biglang umiwas ng tingin.

"Gano'n ba? Sige, pumasok ka na sa loob. Tingnan mo pawis na pawis ka na. Tama na muna ang paglalaro, okay?" baling ko sa kapatid ko.

"Sige po, Ate." Umalis na sa harapan ko ang kapatid ko at nagtungo sa isang maid na lumapit din sa kaniya at pinunasan ang pawis niya.

Pinagmasdan ko ang bulaklak na hawak ko at palihim na ngumiti. Pupuntahan ko na sana si Fidel nang mapansin ko 'yong maid na tila ba patungo rin sa direksiyon niya.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon