KLAY
Buong campus ay tungkol sa birthday ni Ken ang pinag-uusapan. Madalas kong marinig ang mga estudyanteng tuwang-tuwa dahil invited sila, mayroon ding mga nag-aalburoto dahil hindi sila nakatanggap ng invitation card, obviously hindi sila invited. Ang ibang mga invited naman ay grabe kung mang-inggit sa iba. Kung iisipin, mas mabuti nang hindi lahat in-invite ni Ken, dahil kung lahat ng estudyante sa buong campus ay imbitado ay baka hindi na rin mag-enjoy ang iba dahil sa dami ng tao.
Hindi ko na rin naririnig ang pangalan ko na pinag-uusapan nila dahil natabunan na iyon ng paparating na kaarawan ni Ken. Thanks kay Ken, kasi nabaling sa kaniya ang atensiyon ng karamihan na dapat ay para sa akin at sa kumalat na litrato.
"Grabe! Na-e-excite na ako sa birthday ni Ken!" excited na wika ni Kelly pagkaupo namin sa bakanteng mesa habang dala ang tray ng mga pagkain namin.
"Hindi lang ikaw ang excited, Kelly. Lahat tayo ay excited. And of course, excited din si Klay. May natanggap ka naman na invitation card, right?" baling sa akin ni Jaina.
"Ahh, oo. Si Fidel ang nagbigay sa akin," sagot ko. Ngunit, napansin ko ang pagtataka sa mga mukha nila. "Ahh, kasi one time pumunta si Fidel sa bahay kasi in-explain niya lahat kay Mama para magkaayos kami about do'n sa call girl thingy. Si Ken sana ang magbibigay sa akin, pero since pupunta rin naman si Fidel sa bahay kaya siya na ang nagbigay sa 'kin," agad na paliwanag ko.
Mukhang nakumbinsi naman sila dahil hindi na sila nag-react pa at tahimik kami na kumain. Nagbukas naman si Kelly ng topic kaya hindi naiwasan na magkuwentuhan kami.
ANG LAHAT ay excited sa sasapit na kaarawan ni Ken. Kung saan maraming imbitado at pati na rin ako. Lahat ay naghahanda sa kanilang mga susuotin hanggang sa sumapit na nga ang araw ng Sabado...
Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang hitsura ko. Sa suot kong pang-Maria Clara na si Mama mismo ang naghanda para sa akin at siya rin ang nag-ayos sa akin, pakiramdam ko nagbago ulit ako ng anyo. Aaminin ko na natutuwa ako sa nakikita ko sa salamin ngayon.
"Klay, anak? Okay ka na ba riyan? Nandito na ang mga kaibigan mo. Hinihintay ka na nila," rinig kong sabi ni Mama sa labas ng kuwarto ko.
"Sige po, Ma. Susunod na po ako!"
I took a final look at myself in the mirror before I went out. Napangiti ako nang makita ko ang mga kaibigan ko. Tulad ng ine-expect ko ay nakapang-Maria Clara din ang mga suot nila. Litaw na litaw ang ganda nilang dalawa at bahagya pa akong nanibago kay Jaina. Nasanay kasi ako na palaging revealing ang mga suot niya, ngunit ngayon ay balot na balot siya.
"Wow! Ang ganda mo, Klay!" manghang wika ni Kelly nang lapitan niya ako at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"Maganda rin naman kayo," nakangiting puri ko sa kanilang dalawa.
"We have to go. Hindi tayo puwedeng ma-late sa special day ni Ken," excited na sabad naman ni Jaina.
"Mag-iingat kayo, ha? Lalo ka na, Klay. 'Wag masyadong magpagabi ha?" bilin ni Mama kaya niyakap ko siya. Kinakabahan tuloy ako.
Sinamahan kami ni Mama palabas ng bahay at nakita ang isang van na naghihintay sa amin. May isang lalaking matangkad ang umalalay sa amin papasok sa loob ng sasakyan. Magkakatabi kaming tatlo habang sa unahan namin ay ang driver at ang lalaking sa tingin ko ay bodyguard yata.
"Taray, may bodyguard talaga?" bulong ko kay Jaina na nakaupo sa gitna.
"Well, Dad is so anxious about my safety—our safety, so hindi siya papayag na wala tayong kasamang bodyguard. Okay na rin, para incase, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...