KLAY
"Klay!" Tumayo si Ivan at lumapit sa akin. "Kumusta ka?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Sa halip ay tinapunan ko ng tingin ang apat na lalaking nakaupo pa rin habang ang isa ay nakasandal sa sofa na naka-de-kuwatro ang mga paa, naka-krus ang mga braso at nakapikit ang mga mata—si Fidel.
"We're worried about you, Klay," sabi ni Ken na bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.
"Kumain ka na ba?" tanong naman ni Zach. "Mag-o-order ako—"
"Teka nga!" medyo pasigaw kong singit. "Piwede bang... sagutin n'yo muna ang tanong ko? Anong ginagawa n'yo rito?"
"Ahh..." Muli akong tumingin kay Ivan. "Kelly told us about what happened. She said you're in the hospital and told us about your younger brother," he explained.
"Si Kelly?"
Tumango-tango naman ito. "May younger brother ka pala? And guess what, he really loves us!" Ivan exclaimed childishly.
"Nasaan ang kapatid ko?" pag-iiba ko sa usapan.
"He's in the room, maybe sleeping?" Lahat kami ay napatingin kay Fidel nang siya ang sumagot. Hindi man lang nabago ang postura niya kanina. Nakapikit pa rin ang mga mata niya.
"Don't worry, Klay. We haven't told him about anything yet," ani Zach na nagpagaan ng pakiramdam ko. Mabuti na lang at wala silang sinabing kung ano sa kapatid ko.
Iniwan ko sila at nagpunta ako sa kuwarto. Nadatnan ko naman doon ang kapatid kong payapang natutulog sa kama. Bigla ko namang naalala si Mama. Sana ganito na lang din ang sitwasyon, sana natutulog na lang din siya.
Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang kapatid ko. Mabuti na 'yong ganito na wala siyang alam tungkol sa nangyari. Ayaw ko siyang mag-alala, dahil alam kong magiging maayos din si Mama. Kailangan ko na lang ngayon ay mag-isip ng idadahilan sa kaniya.
"Nakipaglaro siya sa amin kaya pagod na pagod siya," biglang usal ni Ken na muntik ko nang ikagulat.
Bakit ba ang hilig manggulat ng mga 'to?! Ni hindi ko man lang namalayan na sumunod pala sila sa akin.
"Kumain na rin siya. Pinakain namin," si Fritz.
Lumabas ako ng kuwarto at sumunod naman sila sa akin. Muli ko namang nadatnan si Fidel doon na ganoon pa rin. Mukhang napilitan lang siya na magpunta rito dahil alam niyang idol siya ng kapatid ko. Tss.
GRRRRRRRR!
Nanlaki ang mga mata ko at lahat sila ay napatingin sa akin, maski si Fidel na nakapikit ay nakadilat na ang mga mata habang nakatitig sa akin.
"Mukhang gutom ka na rin," Zach said as he chuckling. "Sakto, nag-order na ako ng food," proud na bulalas niya habang ipinapakita niya sa amin ang cellphone niya.
Napapikit ako at napayuko dahil sa hiyang naramdaman ko. Lalo na no'ng marinig kong palihim ding tumawa ang iba maliban lang kay Fidel na naka-poker face pa rin. Nakakainis naman 'tong tiyan ko. Bad timing!
Tumikhim ako at umupo sa single sofa. Sumunod naman 'yong apat at umupo na rin sa sofa. May isang mahabang sofa at dalawang single sofa ang sala namin. Tahimik lang kami na nakaupo habang hinihintay dumating ang in-order ni Zach.
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin at dinala nila sa mesa ang mga pagkain. Medyo namangha pa ako dahil sa sobrang dami nito na kahit anim kami ay mukhang sosobra pa ang mga ito. Daig pa ang may okasyon.
At dahil maliit lang ang mesa namin, nilagyan ko na lang ng upuan ang bawat dulo ng mesa at doon ako naupo, sa kabila naman naupo si Fidel. Magkatabi sina Ivan at Zach. Si Fritz at Ken naman sa kabila.
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...