KEN
Naglalakad ako ngayon sa hallway habang tinatawagan si Fritz. Kanina ko pa siya hinanap at kanina ko pa tinatawagan ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Kaya naman papunta ako ngayon sa classroom dahil baka nandoon pa siya.
Palapit pa lang ako sa pintuan ng room nang makarinig ako ng ringtone, which I think ay nagmumula sa loob. I sighed the moment I step inside. Nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko habang tinatawagan si Fritz at naglakad ako palapit sa table kung saan nandoon nakalapag ang phone niya. Obviously, naiwan na naman niya 'yong cellphone niya.
"He's such a careless when it comes to his phone," iiling-iling kong wika at kinuha ang cellphone niya. I stopped calling him when I stunned as I saw his wallpaper.
"Thank God! I thought I already lost my phone!" Nilingon ko siya na kapapasok lang habang bakas sa kaniya na nakahinga siya nang maluwag nang makita niya ang phone niya. "Thanks, Ken!" He was about to grab his phone from me but I took my hand away.
"Bakit nasa wallpaper mo si Klay?" I asked directly to him.
Bahagya naman siyang nagulat at nagpanic kaya mabilis niyang inagaw sa akin ang cellphone niya. "I-It's nothing, okay?" depensa niya.
Nginisian ko siya nang nakakaloko. "Don't tell me, may gusto ka rin kay Klay?" natatawa kong tanong. Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin. "I knew it."
"So what, kung gusto ko nga si Klay? May masama ba ro'n? Ikaw rin naman, ah? Gusto mo rin siya."
"Meaning to say, lima pala tayong nagkagusto kay Klay. Pero bakit hindi ka umamin sa kaniya?" seryosong tanong ko.
"Para saan pa? Alam ko naman na umpisa pa lang wala na akong pag-asa. Isa pa, minsan hindi naman kailangan sabihin mo pa ang nararamdaman mo para sa isang tao to save the relationship na mayroon kayo."
"You mean, the friendship?"
"Gano'n na nga. Mahirap na, baka magbago sa 'kin si Klay kapag nalaman niyang may feelings din ako sa kaniya. Ayokong ma-awkward siya sa 'kin. Wala na ngang chance, mawawalan pa ako ng kaibigan."
Napaisip ako sa sinabi niya. "Well, you have a point. Tama ka. Mas mabuti ngang hindi na umamin kesa ang mabasted pa," sang-ayon ko.
"Kaya ba hindi ka rin umamin sa kaniya kasi natatakot kang mabasted?" tanong niya naman sa akin.
Bumuntong-hininga ako at napaisip nang bigla kong maalala 'yong nangyari kagabi.
-
{ FLASHBACK }Hindi ko na nagawa pang igalaw ang mga paa ko mula rito sa kinatatayuan ko, habang nakatanaw kina Xander at Klay. Hindi sila malayo at hindi rin sila malapit mula sa akin, ngunit sapat na para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ako nakaalis agad kanina gawa ng curiosity ko sa kung ano ba talaga ang dahilan ni Xander para gawin lahat ng iyon. Subalit hindi ko lubos inasahan ang mga nalaman ko.
"Ngayong nalaman mo na ang totoo, Klay. Will you still let me stay in your life? Or you've changed your mind and realized that I'm no good for you? Just tell me... I'm willing to stay away from you... If you want me to."
Pinagmasdan ko nang mabuti si Klay at mukhang siya ay hirap ding unawain ang mga nalaman niya.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Iyong mga past and unusual actions niya kapag nandiyan si Klay ay para bang may kakaiba... I now understand everything.
"Fidel..."
"Just tell me, Klay. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa 'yo, e. Just tell me how you feel."
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...