CHAPTER 79

2.3K 58 25
                                    

[WARNING: R-18 slight matured content!]

KLAY

"Kailan mo pa na-realize na mahal mo na rin pala ako?"

Nakatuon ang mga mata ko sa bughaw na kalangitan habang nakaupo kaming pareho sa ilalim ng puno. Nang magsalita siya ay inalis ko ang ulo ko na nakasandal sa balikat niya para tingnan siya.

"Bakit mo naman biglang natanong 'yan?" tanong ko pabalik.

"Curious lang ako. Gusto ko lang malaman kung kailan mo pa ako mahal."

Napatingin ako sa mga kamay namin na magkahawak kanina pa. "Hmm... Na-realize ko lang no'ng time na pinagseselos ninyo 'ko ni Hannah."

"Really?" he asked in disbelief. "Matagal na pala. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin agad?"

"Wala lang," tipid kong sagot. Ayoko na kasing ipaliwanag pa sa kaniya ang dahilan.

"Siguro, tine-test mo kung talaga bang seryoso ako sa nararamdaman ko para sa 'yo. Am I right?" he guessed.

I shrugged. "Siguro nga."

"Bakit gano'n? Kahit na alam ko nang mahal mo rin ako, hindi ko pa rin magawang maging kampante," malungkot niyang saad.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala. 'Wag mo nang isipin 'yon." Ngumiti ito sa akin pero batid kong pilit iyon. Bakas din sa mga mata niya ang lungkot kung hindi ako nagkakamali.

Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya. "Hindi ka naman nagmamadali, 'di ba? Kaya mo naman akong hintayin kung kailan ako magiging handa para pumasok sa isang relasyon, 'di ba?" tanong ko habang ang mga mata ko ay nakatuon sa kawalan.

"Are you doubting my feelings?" He sighed. "Oo naman... Kaya kong maghintay. Hihintayin kita kung kailan ka magiging handa."

Dahan-dahan akong napangiti sa narinig. Sana nga totoo ang sinabi niya. Sana nga kaya niyang panindigan iyon at talagang mahihintay niya ako.

Hindi sa nagdududa ako sa nararamdaman niya... Sadyang, natatakot lang ako. Natatakot lang ako na baka dumating ang araw na magsawa siya at mapagod kahihintay sa 'kin. Aaminin ko, may agam-agam pa ako. Hindi sa hindi ko siya kayang pagkatiwalaan, sadyang ayoko lang madaliin ang mga bagay-bagay.

O Maria Clara na pangarap ko~
Mapapadpad ka ba sa isang tulad ko?~
Ikaw ay isang panaginip at panalangin~
Oh, oh-whoa-oh-oh~
O Maria Clara na pangarap ko
Hanggang kailan ako maghihintay sa iyo?
Hinding-hindi titigil hanggang mapasa'kin, oh~

Agad akong napalingon sa kaniya nang tumunog ang cellphone niya. Nagkatinginan kami pero mabilis din siyang umiwas at sinagot ang tawag.

Hindi ko alam na 'yon pala ang ringtone niya? Seryoso ba siya?

Fidel: Hello?

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya kasi hindi ko naman marinig ang kabilang linya.

Fidel: Thank you po.

Natapos ang pakikipag-usap niya sa phone na hindi man lang nagtagal ng isang minuto.

"Let's go." Bigla siyang tumayo kaya napatayo rin ako dahil magkahawak-kamay pa rin kami.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.

"Tumawag si Nanang Gloria. Nakauwi na raw si Mommy," sagot niya.

"Nakauwi na mommy mo? Mabuti naman," natutuwang saad ko. Alam ko kasing malungkot siyang mag-isa sa bahay nila, pero ngayong kasama na niya ang pinsan niya at ang mommy niya, paniguradong magiging masaya na rin siya.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon