CHAPTER 88

2.1K 45 4
                                    

KLAY

"A-Ano? Anong sinabi mo?" pagbasag ni Kelly sa katahimikan na siyang bumalot sa aming lahat kanina lang. "Tsk. Baliw ka na nga talaga, Jaina!" asik niya.

"Kelly, I'm telling the truth. Magkapatid tayo sa ama! Kung ayaw mong maniwala sa akin ngayon, puwede ka namang sumama sa 'kin para malaman mo ang totoo!"

"Hindi! Hindi 'yan totoo! Hindi ako maniniwala sa 'yo! Sinungaling ka! Masama kang tao! Wala akong kapatid na kagaya mo!"

Wala na akong maintindihan sa sigawan nilang dalawa. Ang mga luha ko, hindi pa rin tumitigil sa pagpatak. Sumasakit na rin ang ulo ko. Sana panaginip lang lahat ng ito.

"You should understand me, Kelly. Ako dapat ang kinakampihan mo at hindi siya. I'm your sister!"

"Hindi. Nagsisinungaling ka lang. Alam kong sinasabi mo lang 'yan para kumampi ako sa 'yo! Hindi ako madadala riyan!"

Jaina sighed. "Ang daddy ko. Daddy mo rin siya. Noon ko pa nalaman ang tungkol sa inyo dahil kay Tita Demi. Matagal na kayong hinahanap ni Daddy pero hindi niya kayo mahanap-hanap. Until, nalaman kong may ginagawa rin pala si Tita Demi behind us. Ginagawa niya ang lahat para hindi kayo mahanap ni Daddy. Pinatanggal ni Tita Demi ang mama mo sa trabaho. Pinahirapan niya kayo. Siya rin ang may pakana no'ng nakawan na nangyari sa inyo noon."

Tita Demi? Teka, bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan na 'yon?

"T-Teka... Kaya ba binilhan mo 'ko ng bagong cellphone noon? Kaya mo ba ako kinaibigan?" Nagsimula na ring umagos ang mga luha sa mga mata ni Kelly.

"Yes. You're right. Kinaibigan kita dahil alam kong kapatid kita. Gusto kong sabihin kay Daddy na nahanap ko na kayo. But then, nakiusap sa akin si Tita Demi na 'wag kong sasabihin kay Daddy ang nalaman ko. Kapalit no'n ay titigilan niya na kayo pero hindi pa pala."

"Ang sasama ninyo... Pinahirapan ninyo si Mama! Pinahirapan ninyo kami! Ang sasama ninyo!" tangis ni Kelly.

Naaawa ako sa kaniya ngayon. Gusto ko siyang lapitan, ngunit hindi ko magawa. Parang nadikit na ako rito sa kamang kinauupuan ko. Medyo nanghihina na rin ako. Kumikirot din ang sugat ko.

"Kelly. Trust me, I tried to protect you from her! Hindi ba, matagal mo nang gustong makita ang tatay mo? Makikita at makikilala mo na siya. Hindi ba, dapat masaya ka? Kasi sa wakas, matutupad na 'yong matagal mo nang pinapangarap. Ang makilala ang tatay mo... Ang daddy natin." Ngumiti si Jaina kay Kelly na para bang siya pa rin iyong Jaina na kilala ko noon.

Masaya ako na finally, makikita na ni Kelly ang papa niya. But deep inside, inaamin kong natatakot ako. Natatakot ako na baka kumampi siya kay Jaina at iwan niya rin ako. Hindi ko na yata kakayanin kapag nangyari 'yon. Ayokong mawalan ng kaibigan.

Kinakabahan kong tinitigan si Kelly. Umiiyak ito, hindi katulad kanina ay medyo kalmado na siya. Nakatitig lang din siya kay Jaina. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Alam kong matagal na niyang pangarap na makilala at makasama ang tatay niya, kaya hindi malabong sumama siya kay Jaina. Bagay na ikinatatakot ko sa ngayon, ngunit kailangan kong tanggapin.

"Oo. Matagal ko na ngang gustong makita at makilala ang tatay ko," sambit ni Kelly sa kalmadong boses na siyang nagpangiti kay Jaina.

"I know. I know, Kelly. At ngayon mangyayari na. Hindi lang 'yon, bukod sa mabubuo na ang pamilya natin, gaganda rin ang buhay ninyo."

Napayuko ako. Nahihirapan na naman akong huminga. Kung puwede lang na mabingi ako ngayon, para hindi ko na marinig ang sunod pang sasabihin ni Kelly. Puwede siyang makumbinsi ni Jaina dahil kahit sino naman gustong makumpleto ang pamilya at guminhawa ang buhay.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon