CHAPTER 24

3.6K 86 6
                                    

KLAY

Nagising ako sa tunog ng alarm. Bumangon ako at ginawa ang morning routine ko. Habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel ay nagtungo ako papuntang kusina at nakita ko sa mesa ang mga nakatakip na pagkain. Umupo ako at napatingin sa note na nakalagay sa mesa.

Salamat sa bagong cellphone, anak!

<3 Mama

Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Kagabi pag-uwi ko ay mahimbing na ang tulog nila kaya naman inilagay ko na lang sa cabinet ang binili kong bagong cellphone.

Nagsimula na akong kumain at pagkatapos ay nagpunta na ako sa school. Pagpasok ko ng gate ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Mama:
Hi, anak! Ingat ka!

Kumawala ang isang malapad na ngiti sa mga labi ko nang mabasa ko ang text ni Mama.

Me:
Kayo rin po, Ma.
I love you po.

Mama:
I love you too, anak.

Matapos ang reply ni Mama ay ipinasok ko na ulit sa bulsa ko ang cellphone ko at nagtungo na sa class ko.

Habang nakikinig sa klase ay biglang nag-pop-up ang cellphone ko na nasa desk katabi ng textbook ko. Chineck ko 'yon at binasa ang text.

Jaina:
We're here in the cafeteria.

Me:
Okay.

Matapos ang klase ay pumunta ako sa cafeteria kung nasaan sina Jaina. Hinanap ko sila at nakita ko naman sila agad na nasa bandang dulo. Naglakad ako papunta sa kanila, ngunit sa hindi inaasahan ay muntikan pa akong madapa dahil sa paang sinadya akong patirin.

"Nananadya ka ba, ha?!" anas ko sa babaeng siyang nagpatid sa akin.

"Oww, so it's my fault kung bakit lampa ka?" sarcastic niyang tugon. Kung hindi ako nagkakamali siya 'yong babaeng nagsaboy ng tubig kay Ivan na dapat ay para sa akin.

"Alam kong sinadya mong patirin ako," seryosong tugon ko. Talaga bang hindi nila ako titigilan?

"Really? Where's your proof, then?" Ngumisi ito na tila ba ay hinahamon ako. Nagtawanan naman ang tatlo niyang kasama.

"Pasensiya na, pero wala akong oras para makipagbardagulan sa inyo. Excuse me," pagtataray ko at nilagpasan sila.

Ang akala ko hahayaan na nila ako, subalit nagulat ako nang bigla na lang may humila sa buhok ko. "We're not done yet."

"Bitiwan mo 'ko!" Hinawakan ko ang kamay niyang nakahila sa buhok ko at pinilit na alisin 'yon.

"Masyado kang mayabang. Sino ka ba sa tingin mo, ha?"

"Ahh!" napaungol ako nang muli niyang hilahin ang buhok ko. "Sabing bitiwan mo 'ko, e!" sigaw ko sa kaniya at kinailangan ko pang baliin ang braso niya para lang mabitawan niya ang buhok ko.

"What the hell!" hiyaw niya.

"Hoy! Anong ginagawa n'yo sa kaibigan namin?!" Biglang dumating sina Kelly at Jaina at humarang sa harapan ko. "Ano bang problema niyo, ha?!" sigaw ni Kelly sa kanila.

"What? Ako pa talaga ang may problema? Ang kaibigan n'yo ang problema dahil malandi siya!"

"Anong sinabi mo?! Ulitin mo nga?!"

"Ang sabi ko, malandi 'yang kaibigan ninyo—"

PAK!

Lahat kami ay nagulat nang biglang sampalin nang malakas ni Kelly ang babaeng sumambunot sa akin.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon