CHAPTER 95

1.9K 47 12
                                    

KELLY

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako nagbuntong-hininga dahil sa kabang nararamdaman ko. Pasulyap-sulyap din ako sa relo ko para tingnan kung anong oras na. Kanina pa ako nandito sa park para hintayin si Cal. Maaga lang talaga akong nagpunta rito. Sinabi ko sa kaniya na dito kami magkikita pero hindi mapalagay ang loob ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya ang tungkol dito sa tiyan ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw ko na siya na papalapit sa kinaroroonan ko. Nanginginig ang mga paa at kamay ko. Parang gusto ko na lang tumakbo at magtago. Hindi kakayanin ng puso ko kung sakali man na hindi niya matanggap ang ibabalita ko sa kaniya.

"Kelly! What's up?" bati niya. "Bakit gusto mo 'kong makita?" nakangiti niyang tanong.

"A-Ahm..." Maski ang mga labi ko ay nanginginig din.

'Kelly, umayos ka!' sermon ko sa isip ko.

"May problema ba?" he asked.

"M-May g-gusto sana akong itanong," utal na sabi ko.

"Ano 'yon?"

"No'ng... gabing may nangyari sa atin... Pinagsisihan mo ba 'yon?" tanong ko.

"No," agad niyang sagot. "Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na pinagsisihan ko 'yong nangyari sa 'tin. Bakit? Ikaw ba... pinagsisihan mo ba 'yon?"

Napalunok ako. Hindi ako makasagot. Tulad niya wala rin naman akong pinagsisihan. Pero... puwedeng hindi siya matuwa sa naging resulta ng ginawa namin.

"Ano kasi, eh..." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Ngumiti siya. "What's the matter, Kelly? May gusto ka pa bang sabihin o itanong?"

Kelly! Tell him! Sabihin mo na sa kaniya! Siya ang nakabuntis sa 'yo kaya dapat niyang malaman!

"Kelly?"

"Buntis ako," walang paligoy-ligoy kong usal. Doon ay unti-unting naglaho ang ngiti niya. Nagsimula na ring umusbong ang kaba sa dibdib ko.

Napayuko ako nang hindi man lamang siya nagsalita. Dapat inasahan ko na ang ganito. Dapat una palang, inasahan ko na, na puwedeng maging ganito ang reaksiyon niya.

"S-Sorry," tanging nasabi ko.

Igagalaw ko na sana ang mga paa ko para umalis nang bigla niya akong yakapin, bagay na hindi ko inaasahan na gagawin niya.

"Bakit ka nagso-sorry?" tanong niya habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Ilang beses akong napakurap na may gulat na reaksiyon.

"A-Ang akala ko kasi, hindi mo matatanggap."

"Ano bang sinasabi mo? Anak ko rin 'yan," wika niya at humiwalay na sa akin. "Anak natin," nakangiti niyang sambit sa akin.

"C-Cal..." Hindi ako makapaniwala. Buong akala ko talaga, hindi niya matatanggap. Pero ito, niyakap niya ako at nakangiti siya sa harapan ko. Hindi ko na napigilan at pumatak na ang mga luha ko.

"Hey? Bakit ka umiiyak?" he asked as he wiped my tears away using his thumbs.

"Ang akala ko kasi talaga... hindi mo matatanggap," humihikbi kong tugon. Ang kaninang kaba sa dibdib ko ay bahagyang nawala.

"Ano ka ba? Bakit naman hindi ko matatanggap? Anak ko 'yan, 'no," natatawa niyang untag. "Isa pa, inasahan ko na rin na mangyayari 'to. Napatunayan ko lang na shooter talaga ako," dagdag pa niya na siyang nagpapula sa pisngi ko.

"Ano ba 'yang sinasabi mo?!" nahihiyang asik ko.

Tumawa lang siya. "Bakit? Totoo naman, ah? Magaling akong mag-shoot kaya may nabuo. Kaya ayan, naging instant daddy tuloy ako," biro niya.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon