KLAY
Usap-usapan ngayon sa buong campus ang mangyayaring rematch between PU basketball team players at FU basketball team players na magaganap mamaya lang. Ang daming haka-haka na kesyo this time ay mananalo na ang PU, ang iba naman ay pumapanig sa FU.
Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin kung pupunta ba ako at manonood. Hindi rin kasi mawala sa isipan ko iyong mga sinabi sa akin ni Jairo noon, ilang araw na ang nakakalipas. Ang hirap paniwalaan at saka imposibleng mangyari. Feeling ko tuloy kasalanan ko pa ang pagkatalo ng university team players namin.
"Hoy! Klay? Bakit tulala ka riyan?" I was snapped out from my reverie by Kelly. Inilapag niya ang mga hawak niyang libro sa table at naupo sa tapat ko, umupo naman sa tabi niya si Jaina.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah? Care to share?" ani Jaina.
I sighed. "Iniisip ko kasi kung pupunta at manonood ba ako mamaya sa rematch na mangyayari."
Nagkatinginan naman silang dalawa. Kinuha ni Kelly ang cellphone niya at itinapat sa akin ang screen.
"Actually, apat silang kinukulit ako sa text para manood daw tayo," ani Kelly.
"Same as mine," saad naman ni Jaina nang ipakita niya rin sa akin ang screen ng cellphone niya.
Nakita ko ang pangalan no'ng apat na team players ng PU na magkakasunod ang texts, pero wala ang pangalan ni Fidel.
"Hindi namin sila magawang ma-reply-an dahil iniisip namin na baka hindi ka manonood," turan ni Kelly. "At saka, ayoko rin manood dahil mabu-bwisit lang ako kapag nakita ko ang Hannah na 'yon!" dagdag pa niya.
Sinilip ko ang cellphone ko at tiningnan din ang mga pangalan no'ng nag-text. Katulad no'ng kina Jaina at Kelly ay ang pangalan no'ng apat lang din ang nabasa ko. May part kasi sa akin na inaasahan na magte-text din si Fidel. Pero naalala kong may Hannah na nga pala siya. Bakit niya pa ako iimbitahan?
"Manood tayo," wika ko.
"Huh? Tama ba ang narinig ko? Sinabi mo bang manood tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Kelly.
"Kelly, kailangan nandoon tayo para suportahan ang team players natin," pagrarason ko kahit na ang totoo ay hindi ko pa alam kung sino ba ang dapat kong suportahan.
"How about FU players? Hindi mo ba sila susuportahan, Klay? Cal saved you once, right?" tanong naman ni Jaina.
"Oo, pero—"
"Hey, ladies!"
Naagaw ang atensiyon naming tatlo sa limang lalaki na papunta sa direksiyon namin.
"Can we join you?" nakangiting tanong ni Jairo na siyang bumati sa amin kanina.
"Ahh..." Bago ako sumagot ay napatingin muna ako kay Jaina na simple lang ang reaksiyon, at kay Kelly na napansin kong nakatitig kay Cal habang namumula ang pisngi. "Sure!" sagot ko sa kanila.
Ngumiti sina Jairo at Darwin bago sila naupo. Pinaggitnaan din nila akong dalawa which is hindi ko in-expect. Umupo naman sa tabi ni Kelly 'yong may hiwa ang kilay. Sa tabi naman ni Jaina naupo sina Mac and Andy.
"You guys wanna eat? Anong gusto ninyong kainin?" tanong sa amin ni Andy. "Kami na ni Mac ang bibili."
Sinabi namin sa kanila ang mga pagkain na gusto namin at umalis silang dalawa para bumili. Nagsimula na naman akong makarinig ng bulungan mula sa ibang tao rito sa canteen. As usual.
Mayamaya lang ay dumating na sina Mac at Andy dala ang mga pagkain na binili nila para sa aming lahat.
"Oh, it's you!" Darwin exclaimed while pointing at Kelly.
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...