KLAY
Kakatapos lang ng last class ko. Tinext ako ni Fidel na susunduin niya ako pero wala naman siya sa labas ng building. Baka papunta pa lang. Si Kelly naman ay nag-text din sa akin kanina na nasa bahay raw siya. Kaya na-e-excite rin tuloy akong umuwi."Wifey!"
Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng sigaw. Iginala ko rin ang tingin ko sa paligid at ang iba sa mga estudyante ay napalingon sa gawi ni Fidel na siyang papalapit sa akin. Gusto kong kiligin pero pinapangunahan talaga ako ng hiya.
"Kailangan ba talagang isigaw mo 'yan kapag tatawagin mo 'ko?" I whispered to him while grinding my teeth.
"Ano ka ba, wifey?" He suddenly put her arm around my shoulders. "Kailangan mo nang masanay. Besides, lahat ng babae rito pangarap na tawagin ko silang gano'n... Ayaw mo ba talaga?"
"Hindi naman sa gano'n. Nakakahiya lang kasi."
He made a soft laugh. "I love you, wifey!"
My eyes widened when he yelled those words in front of my face. He's now smiling broadly, as if he's so proud of what he did.
"Fidel!" Siniko ko siya sa bandang bewang niya.
"Ahh!" Angal niya habang natatawa. "Mahal na mahal kita, wifey!" muli niyang sigaw. Kaya naman muli ko siyang siniko, subalit natatawa lang ang loko.
"Nakakahiya ka, ano ba?!" pabulong kong sita sa kaniya. Dahil sa ginawa niya nakuha tuloy namin ang atensiyon ng karamihan. Pambihira naman 'tong lalaking 'to. Tapos kung umasta pa siya ngayon, parang tuwang-tuwa pa siya. "Kainis ka!" asik ko kasabay ng pag-alis ko ng braso niya sa mga balikat ko at nauna na akong maglakad.
"Hey, wifey! Wait!"
Binilisan ko ang lakad ko habang pinipigilan ang ngiti ko. Actually, wala naman talagang akong pakialam sa ibang tao. Sadyang hirap lang akong kontrolin ang puso kong nagiging abnormal dahil sa kaniya.
"Kuya!" Napangiti ako nang makita ko si Kuya Darwin na naghihintay sa akin sa labas ng campus. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako. Nang lumapit ako sa kaniya ay sinilip ko ang loob ng kotse niya. "Nasaan si Kelly?" tanong ko nang makitang wala siyang kasama.
"Nasa bahay siya," sagot niya. "Nawala yata sa mood. Inaway niya ako kaya umalis muna ako. At naisip kong sunduin ka," dagdag pa niya kaya bahagya akong natawa.
"Wifey!" Biglang sumulpot si Fidel sa tabi ko. "Oh? Cal! Nandito ka pala. Susunduin mo ba si Kelly? Pero wala na siya rito," baling niya kay Kuya.
Nakakunot naman ang noo ni Kuya habang nakatitig kay Fidel. "Yeah. I know," supladong tugon ni Kuya. "But wait... Did I hear you right? Did you just... call my sister w-what's that? W-Wifey?"
Bahagyang umawang ang bibig ko. Geez. Hindi pa nga pala alam ni Kuya na kami na!
Bigla akong inakbayan ni Fidel. Hindi naman na ako umangal pa. "Yes. Because, she's mine now. She's now my girlfriend, Cal."
Naningkit ang mga mata ni Kuya. Bakas din sa kaniya ang pagkagulat sa nalaman. Mayamaya pa ay salitan niya kaming tiningan ni Fidel na siyang nagtapos sa akin. Ang akala ko ay may sasabihin siya nang sandaling umawang ang bibig niya, ngunit wala siyang sinabing kung ano.
"Anyway, nandito ka ba para sunduin ang girlfriend ko?" agaw ni Fidel sa atensiyon ni Kuya. "Sorry, but I'll take her home. And don't worry, she's safe with me."
Sinulyapan ko si Fidel na ngayon ay nakangiti sa kuya ko. Naalala ko tuloy no'ng mga panahon na ang init pa ng ulo niya kina Kuya. Muli akong tumingin kay Kuya at ngayon ay normal na ang reaksiyon nito.
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...