CHAPTER 89

2.1K 48 18
                                    

[WARNING: R-18 | SPG | MATURED CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!]

KELLY

"Isang beer please," order ko sa bartender pag-upo ko sa stool. Nagbukas siya ng isa at inilagay sa tapat ko na siyang nilagok ko agad.

Matapos kong malunok 'yong una kong lagok ay muli akong lumagok. Ramdam ko ang pait sa lalamunan ko pero wala akong pakialam. Gusto kong uminom ngayon para makalimutan ko kahit man lang saglit 'yong nangyari kanina.

"One beer din please."

Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses ng lalaki na siyang kauupo lang sa tabi ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-inom.

Matapos ang ilang minuto ay naubos ko na ang beer na iniinom ko. Kaya um-order pa ako ng isa pa. Ewan ko ba, hindi naman ako mahilig uminom at ayoko talaga ng lasa ng beer noon pa man, pero ngayon parang nagugustuhan ko na ito.

Nasa kalahati na ang pangalawang beer ko nang bigla akong matigilan. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na dumaloy ang mga luhang kanina pa nais na tumakas. Ang sakit lang isipin na si Jaina—ang kaibigan namin—pinagkatiwalaan namin ay nagawa sa amin 'yon.

Aaminin ko, kahit papaano ay natuwa ako no'ng malaman ko na maaari ko nang makilala ang papa ko. Ang papa ko na hindi ko man lang nakita simula no'ng magkamalay ako sa mundo. Sa wakas, makikita ko na siya. Ano kaya ang hitsura niya? Iyan ang mga pumasok sa isipan ko kanina no'ng sabihin ni Jaina ang tungkol do'n. Subalit, ang hindi ko matanggap ay ang malaman na kapatid ko si Jaina. All this time, alam pala niya na kapatid niya ako at pinagmumukha niya akong tanga. Nakakainis dahil hindi man lang niya sinabi sa akin noon pa na kasama niya lang pala ang taong matagal ko nang gustong makita.

Hindi lang si Klay ang niloko, sinaktan, at tinrahidor niya, kundi pati na rin ako. Matagal niya na rin pala akong niloloko simula no'ng makipagkaibigan siya sa akin. Hindi ko akalain na gano'ng klaseng tao pala siya. Ang sama niya. Ang sama-sama niya!

Hindi ko namalayan na naubos ko na rin pala ang laman ng beer na kasalukuyan kong iniinom. Masyado akong nalulunod sa mga iniisip ko.

"Isa pa please," utos ko sa bartender. Agad ko naman iyong tinungga the moment na ibigay niya sa akin ang beer.

"Hindi ko alam na malakas ka palang uminom," komento ng isang boses na alam kong nagmumula sa lalaking nakaupo sa tabi ko.

Nang malunok ko ang alak sa bibig ko ay nilingon ko siya. Gulat ang rumehistro sa mukha ko nang makilala ko ang lalaking siyang kumakausap sa akin ngayon.

"C-Cal?!"

"Yes. It's me," nakangiti niyang tugon.

"Anong ginagawa mo rito?" gulat ko pa ring tanong. Maingay ang paligid, pero maayos pa naman naming naririnig ang isa't isa.

"Umiinom din," sagot niya nang ipinakita sa akin ang beer na hawak niya at tumungga roon.

"'Wag mo sabihin sa akin na sinusundan mo 'ko?" biro ko at muling tumungga sa alak ko. Kung iisipin, hindi naman nakakagulat na makita ko siya sa ganitong lugar.

"Honestly, yes."

Muntikan ko nang maibuga ang likido na nasa bibig ko dahil sa sagot niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o kung sinasabayan niya lang ako?

"Siya nga pala, alam mo na ba 'yong nangyari kay Klay?" pag-iiba ko sa usapan. Ang awkward naman kasi ng pagiging seryoso niya.

"Tita Bernice called me kaya pauwi na sana ako. Pero nakita kasi kitang pumasok dito sa bar kaya I had no choice kundi ang sundan ka."

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon