CHAPTER 40

3.1K 81 8
                                    

KLAY

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ngunit maaaring totoo na siya nga ang may-ari ng restaurant na ito base na rin sa kung paano siya salubungin at batiin ng mga waiters.

"Hindi ka ba naniniwala?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. "Let's just eat. Let's go!" Hinila niya ako at nagpatangay lang din ako.

Pumasok kami sa isang pinto at napanganga ako nang makita ko ang loob. Malawak ang espasyo, may isang bilog na mesa sa gitna habang may dalawa itong upuan. Maraming pagkain ang nakahanda at may wine pa. May mga waiters din na nakatayo sa gilid at may isang lalaking nakaupo sa tapat ng isang piano na nasa sulok.

Nagtungo kami sa gitna at inalalayan ako ni Fidel na maupo sa upuan. Hindi ko iyon binigyan ng malisya dahil alam ko namang nagpapaka-gentleman na naman siya dahil may mga tao sa paligid.

Ngunit, hindi pa rin talaga ako makaget-over sa ganda ng kuwartong ito. Ganito pala ang hitsura ng VIP room. May malaki at mahabang couch din na nasa tapat ng isang glass wall kung saan makikita mo ang mga building sa labas at ang langit na puno ng mga bituin. Nakakamangha!

"Kakain lang naman tayo, 'di ba? Bakit parang masyado naman yatang bongga rito?" pabulong na tanong ko sa kaniya.

"Klay, puwede bang kumain ka na lang?"

"Hayst, suplado. Para nagtatanong lang, e."

Uminom muna ako ng juice bago ako nagsimulang kumain. Hindi na kami nag-imikan na dalawa. Mukhang gutom na nga talaga yata siya.

Sumubo ako ng pagkain pero mayamaya lang ay natigilan ako nang magsimulang tumugtog ng piano ang lalaking nasa sulok.

Ang kantang iyon...

It's  Ronnie Liang song entitled "Ngiti".

Nilunok ko ang kinakain ko at uminom ng tubig. Napakurap ako ng ilang beses habang pinapakinggan ko ang bawat pagtunog ng piano.

"Is there anything wrong?" Fidel asked nang maski siya ay napatingin sa akin.

"W-Wala naman. Favorite ko lang 'yong song," tugon ko.

Nagkatitigan kami at hindi ko alam kung bakit pero walang nais na umiwas. Sa VIP room na ito ay kumakain kaming dalawa habang tinutugtog sa piano ang paborito kong kanta. Kung hindi ko lang kilala si Fidel at kung hindi ako aware sa kung anong meron kami...

Iisipin kong isa 'tong date. Baka nga gano'n ang tingin ng iba sa amin ngayon. Ang romantic ng paligid, ang romantic ng tugtog, pero ayokong mag-isip ng kung ano. Dahil isa lamang itong simpleng dinner para sa amin ni Fidel.

But there's just something with the song, something that I can't explain. I don't know why, but hearing the music makes my heart beat so fast. Is it because it's my favorite song?

Pero may kakaiba talaga. Kakaiba sa pakiramdam. At ang puso ko... parang nakikipag-unahan sa bilis ng kabog nito. Bakit ganito? Ano 'to?

Nakatitig pa rin ako sa mga mata ni Fidel, sa mga mata niyang nangungusap. Ang mga mata niyang parang may nais sabihin, subalit hindi ko maunawaan.

Ako na ang unang umiwas ng tingin at ibinaling na lang ang atensiyon ko sa pagkain ko. Ngunit kahit anong gawin ko ay talagang tumatagos sa puso ko ang bawat pagtunog ng piano. Pakiramdam ko sumasayaw ang puso ko. Sobrang special ng kantang ito na siyang pakiramdam ko ay may malalim pang kahulugan para sa akin.

Ilang sandali lang ay biglang tumayo si Fidel at nagtungo sa tapat ng couch habang nakaharap sa glass wall at ang kaniyang kamay ay may hawak na glass wine na may laman. Lumagok siya sa wine niya habang ang isang kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya. Kung titingnan mo siya ngayon, para siyang leading man na katulad no'ng mga napapanood kong asian dramas.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon