KLAY
Matapos naming mag-usap ni Kelly ay nagpaalam na siyang uuwi kaya nagpahinga na muna ako sa kuwarto. Ilang oras din akong nakatulog, ngayon ay papunta ako sa kusina dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Ma'am." Lumapit sa akin ang isang maid namin. Siya 'yong sa tingin ko ay medyo ka-edad ko lang na pinagselosan ko noon kay Fidel.
"Bakit?" ma-awtoridad ang boses na tanong ko. Aminado naman akong hindi ko siya gusto.
"May gusto po kasi sana akong sabihin sa inyo," sagot niya sa boses na animo'y may isusumbong. Ang hinhin niyang magsalita.
"Ano 'yon?"
"Tungkol po kay Sir Darwin at... sa kaibigan n'yo po."
Naningkit ang mga mata ko. "Tungkol kay Kuya? At sa kaibigan ko? Sinong kaibigan? Anong tungkol sa kanila?" sunod-sunod na usisa ko.
"'Yong Kelly po, ma'am."
Para bang nagkaroon ako ng hint sa gusto niyang sabihin nang banggitin niya ang pangalan ni Kelly. Hindi ako sigurado pero kung tungkol sa kanila... ay baka nga tama ang naiisip ko.
"Sabihin mo. Ano ba 'yon?" atat kong untag.
"Kagabi po kasi... Umuwi po si Sir Darwin na kasama ang kaibigan ninyo. Sa tingin ko po, lasing na lasing siya kasi buhat-buhat siya ni Sir Darwin... Kaninang umaga naman po... Doon po sila sa likod dumaan. Hindi po sa sinisiraan ko ang kaibigan niyo pero mukhang may nangyari po yata sa kanila ng kuya mo."
Umawang ang bibig ko matapos kong marinig ang sumbong niya. Iniisip ko nang magkasama nga sila ni Kuya at Kelly kagabi... Pero hindi naman pumasok sa isip ko na puwedeng may mangyari sa kanilang dalawa.
"Gano'n ba? Sige. Salamat sa pagsasabi."
"Tsk. Ang landi niya."
"Ano 'yon?" agad kong tanong nang bigla siyang bumulong.
"Ah, wala po. Sige po. Babalik na po ako sa trabaho," paalam niya at umalis na sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin at napabuntong-hininga.
Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig kong ibinulong niya kanina. Puwede ring nagkamali lang ako ng dinig.
Umupo ako sa dining area at nagpahanda ng pagkain. Iniisip ko pa rin 'yong sinabi no'ng maid kanina. Totoo nga kayang... may nangyari kina Kelly at Kuya? Pero bakit walang nababanggit si Kelly sa akin na kahit ano?
I'm not against them or to whatever relationship they have. It's just that, parang masyado naman yatang mabilis kung totoo man. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Mayamaya pa ay dumating si Kuya at naupo sa harapan ko. Nasa kaniya lang ang tingin ko habang kumakain. Siya naman ay nagsimula na ring kumain.
"Nakauwi na ba si Kelly?" panimulang tanong ko.
"Yeah. Naihatid ko naman siya ng safe. Anyway, how are you? Kumusta ang sugat mo?" he asked in a worried tone.
"Okay naman ako... Nga pala, Kuya. May nangyari ba kagabi?" Dahil sa itinanong ko ay naubo siya at nabilaukan. "Ayos ka lang, Kuya?"
"Y-Yes." Uminom siya ng tubig. "A-Anong ibig mong sabihin?" tanong niya habang iniiwasan ang mapang-usisa kong titig. Sa inaasta niya, parang totoo nga talaga ang sinabi ng maid kanina.
"Wala naman. Ang tagal mo kasing umuwi kagabi."
"P-Pasensiya ka na. M-May dinaanan pa kasi ako."
Bahagya akong yumuko at pasimpleng ngumiti. Hindi talaga siya magaling magsinungaling. Hay naku, Kuya. Ang bilis mong mahuli sa mga rason mong hindi kapani-paniwala.
BINABASA MO ANG
My Red Flag Enemy
RomanceLove Enemy Series #1 Isang pangyayari ang sasalubong kay Klay dahilan upang maipit siya sa pagitan ng limang sikat na basketball players sa kanilang unibersidad. Dahil sa masamang karanasang dinanas niya kay Fidel Alexander Tan -- na siyang pinakasi...