Chapter 7

970 26 12
                                    

Seulgi's POV

She left a few minutes ago, I believe. At ito pa rin ako, naiwang nakatulala. I'll never forget her kiss. It's feels so unreal. Her lips are so soft that they taste like a cherry.

Napahawak ako sa labi ko. Para kang bading, Seulgi.

Napangiti ako. May pag-asa na ba ako?Why are you giving me mixed signals Hyun? Hindi kita maintindihan but you are still making my heartbeat faster. Kaya ko pa naman magtiis. I'll wait for you.

---

"Dude, may nagpapabigay sa'yo." Seungwan said may dala-dala itong box na hindi sobrang laki.

Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya. "Ano 'yan? Kanino galing?" I asked.

Umiling naman siya. "Hindi ko rin alam, tsaka walang sinabi. Ayaw ko naman buksan kase hindi naman ako si Seulgi." Sarcastic nitong sabi habang kamot-kamot pa ang ulo.

"Tsk. Akin na nga. Salamat ah." At kinuha ang box sa kanya. Hindi naman sobrang bigat, ano kaya 'to?

Kumuha ako ng gunting at binuksan na ito. Wow! Agad na napalaki ang mata ko ng makita ang laman. It's none other than my personal favorite, Pringles!

"Wow, Seul, mayaman siguro nagpabigay niyan sa iyo. Ang dami niyan anim na box oh, penge nga isa." Kukunin na niya sana ang isang kahon ng tinapik ko ang kamay niya.

"Akin 'to. Bawal mo hawakan tsaka malay mo hindi talaga 'to para sa'kin."

Ngumuso naman agad ang isa. "Damot mo naman, isa lang tsaka marami naman 'yan hindi ka mauubusan."

Nakita kong may envelope sa gilid. Kinuha ko ito at binuksan.

Hi, baby!

Malamang narecieve mo na itong mga Pringles. I figure this is your favorite kaya ayan, I bought all cans na nakita ko sa store. Nung nakaraan pinag-agawan pa natin iyan. Enjoy, Love!

Lovelots,
Kim Jennie your future wife ;)

Napailing ako. Sa kanya pala ito galing, andami naman nito. Hindi ko tuloy sure if mauubos ko ito pero at least my stock na ako at hindi na need bumili.

'Hey it's, Seulgi. Hindi ka na sana nag-abala pa thank you for it. Sana hindi naubos ang pera mo.' I texted her. Even if iniiwasan ko siya, hindi iyon dahilan para hindi magpasalamat. Like I said, always be grateful.

Ilalapag ko na sana ang phone ko when I felt a vibration.

'No problem, basta ikaw. Malakas ka sa'kin ;)' She texted back.

Napangiti ako. She's nice, magaling siyang manghula, isang beses lang namin 'yang pinag-agawan but she remembered it.

"Huy, Seul para ka na namang tanga diyan. Ba't ka naka ngiti diyan?"

Umiling ako. "Wala, don't mind me. Halika na." Tumayo na ako pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko. Office hour is done and I need to go home na since kailangan ko pa magluto.

Iniisip ko ngayon kung paano ko iuuwi itong box. Hindi naman kakasya 'to sa Jeepney at ayaw ko naman mag taxi since kaka taxi ko lang nung nakaraan.

Binalingan ko si Seungwan at siniko. "Wan, tulungan mo nga ako. Paano ko ito mauuwi?"

"Buhatin mo Seul." Ang sarap din talaga batukan nito minsan eh.

"Seryoso kasi. Ayaw ko naman magtaxi since mahal kapag sa Jeep naman feel ko 'di magkakasya dahil maraming pasahero."

"Sabay ka na nga lang sa'kin. Ihahatid na lang kita sa inyo. Pakainin mo na rin ako ah."

Napailing ako. Parehas nga kaming mahilig sa pagkain. "Oo na, salamat."

The Unwanted Husband (Seulrene) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon