Chapter 34

1.4K 50 51
                                    

Seulgi's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. I had a dream last night, someone called me and said that miss na niya raw ako. That's strange, 'cause why would I dream of something like that?

Impossible naman na totoo 'yun right? Siguro epekto lang 'yun ng pagod that's why I imagine things. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at inayos ang kama.

Today is going to be a chill day. Aayusin ko lang siguro 'yung mga gamit ko then pupunta na kaila Jen. Miss ko na si Nini.

Pagkatapos ko gawin lahat ng dapat ko gawin sa banyo, bumaba na ako para magluto. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko dati na nagluluto lang ako ng hotsilog sa tuwing kaya ng budget. But now, I have enough stock para sa kahit anong lulutuin ko.

My house is not that big, but not that small. I want simple but modern. I do have a mini pool sa likod ng bahay, and 3 bedrooms kasama na ang kwarto ko. A modern kitchen since mahilig ako magluto, dining room and a living room.

To be honest, 'yung perang iniipon ko ay para sana sa bahay namin ni Irene. Gusto ko kasi magkaroon kami ng bahay na nagmula sa pera ko, not gift from her parents.

Pagkatapos ko kumain, hinugasan ko na ang pinag kainan at pinag lutuan ko. At naghanda na dahil pupunta ako kaila Jen.

Nakakatuwa ring isipin na may kotse na ako at hindi ko na kailangan pa mag commute. I'm really happy how my life change in the past years. Pero I always look back sa kung paano ako nagsimula at nanggaling.

Napatayuan ko na rin ng sariling bahay ang Nanay at kapatid ko. Niyaya ko nga sila na dito na lang tumira sa bahay ko, pero ayaw ni Nanay. Para raw iyan sa magiging pamilya ko, kaya pinatayuan ko na lang sila ng bahay.

Dumadalaw rin naman ako sa kanila madalas, lalo na if galing ako ibang bansa. Pinapadalhan ko rin sila ng pera para sa pangangailangan nila.

My sister is now in college, at napakagandang bata. Kailangan ko nga pala muling umuwi para sa graduation niya and I need to think kung anong ireregalo ko sa kanya.

I decided to go back to AS mall para bumili ng dadalhin ko para sa mag-ina. Malapit na kasi ang birthday ni Nini, kaya naghahanap na rin ako ng ipangreregalo.

Papasok na sana ako sa entrance nang biglang hinarangan ako ng guard. "Ah sir, did I do something wrong?"

"Mr. Kang, right?" Tanong nito. Kahit curious tumango ako rito.

"The owner of this mall wants to see you." Sagot nito.

Huh? Pero hindi ko naman kilala owner nito, bakit kaya. Baka dahil kay Iseul? Nabalik ko naman ng maayos ang bata, what seems to be the problem.

"Okay? But why?" Tanong ko ulit.

"Just come with me sir, I am not allowed to answer your questions."

Tumango na lang ako para matapos na ang usapan. Pero nagtataka talaga ako kung bakit ako gusto makita ng owner nitong mall. Baka gusto niyang mag-invest sa business ko?

Tahimik lang ako nakasunod dito sa guard habang tumitingin kung saan-saan. Naaalala ko pa naman kung anong floor iyon since hinatid ko roon si Iseul.

"Sir, we have arrived at her office. You are the only one who's allowed to step out this elevator, so please go straight and look for Madame's secretary." Sinunod ko na ito at nagpunta sa secretary.

Hindi na kata-kataka na babae ang may-ari ng mall na 'to since nasabi ni Iseul that her Mom owns this mall.

Magsasalita pa lang sana ako ng unahan ako nito. "Mr. Kang, nice to meet you again. Madam is waiting for you inside, please go now. Matagal ka na niyan hinihintay."

Kumatok muna ako bago pumasok. Why do I feel like nangyari na ito dati. Remember, bago ako pumasok sa office noon ni Irene kakatok muna ako.

"Hello?" Tanong ko once I enter.

This type of office is really familiar. Hindi ko lang maalala kung kanino, I know I've seen this type of designs.

Sa dulo, nandoon ang desk and chair ng owner pero nakatalikod ito sa'kin kaya hindi ko makita kung sino ito.

"Please come here." Even her voice is familiar.

Lumakad na ako papalapit sa kanya at umupo sa upuan. "Ahh bakit niyo po ako gusto makita, Ma'am?"

Inaasahan kong sasagot agad ito pero hindi, kaya naglibot-libot muna ang paningin ko sa office nito.

I'm trying to remember kung kaninong office ito may katulad. Kaya ko siguro nakalimutan dahil ang dami ko ng napuntahan na office.

Madalas kasi akong makipag usap sa mga CEO para sa shares, luckily they accepted my offer kaya nagiging mabilis ang aming pag-uusap.

Maya-maya pa'y humarap na rin ang upuan nito. But why am I nervous to see her? Hindi naman ako natatakot sa ganitong scenario, plus ang vibe rito'y hindi tense.

My eyes widened when I see, who's this person. "Irene?" 'Di makapaniwala kong sabi. Is this really her? Bakit tumitibok ang puso ko?

Mas lalo akong kinabahan nang tumayo ito at lumapit sa'kin. "Hon, I miss you so much. I'm glad you came back!"

Muntik pa kaming matumba ng dambahan ako nito ng yakap, kahit nakaupo pa rin ako at umupo sa lap ko.

I didn't know she was crying when naramdaman 'ko na lang na basa ang damit ko. "I miss you so so much! Please don't leave us again. I need you; we need you."

My brain can't process anything. What is going on?

***
Ang lakas niyo mag manifest. Bored tuloy ako HAHAHAHA. Last ud na talaga 'to for this week. Sobrang dami ko ng updates 🤧

The Unwanted Husband (Seulrene) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon