Chapter 25

990 36 31
                                    

Seulgi's POV

Nagtatakang binaba ko ang mga gamit ko sa table. Sa labas pa lang rinig na ang ingay.

I looked at Seungwan to asked. "Anong meron at mukhang masaya kayo?"

"Hindi mo alam?" Sagot niya.

"Magtatanong ba ako kung hindi?" Pangbabara ko rito.

Kumamot ito sa ulo. "Akala ko sinabi na ng asawa mo eh." Sagot niya.

Mas lalo akong na curious sa sagot nito. "Ang alin ba?" Taka kong tanong rito.

"Well, pinabalita lang naman niya sa buong company na magkakaroon ng 3 days trip sa boracay tayong mga empleyado niya. Starting bukas." Sagot nito.

"Plus, libre na raw niya ang buong trip na 'yun. Bilang pambawi raw sa hard work nating lahat." Dagdag pa nito.

Lumapit ito sa'kin at pinatong ang kamay sa balikat ko. "Anong pinakain mo sa kanya at bumait ang asawa mo?" Nakangising sagot nito.

"Pagmamahal ko" Nakangiting tugon ko rito. Inalis ko na ang kamay nitong nakapatong sa balikat ko at umupo na.

Bakit kaya bigla-biglang manlilibre si Hyun?

Hindi naman siguro dahil 'yun kagabi right?

"Seulgi!" Tawag nito sa'kin.

"Hmm" Sagot ko habang nakatingin pa rin sa cellphone.

"Look at me!"

"Ah yeah yeah, teka lang." Naeenganyo kasi ako rito sa pinapanood ko.

Hindi na tuloy ang date namin because we chose to eat at our house. Sabi niya she wants to cook something for me, kaya pinagbigyan ko na.

Nandito ako naka-upo ngayon sa couch sa sala namin, dahil sabi niya, dito na lang ako maghintay. She also lend her phone so I can watch or do anything while she still prepare our food.

Nung una, ang pinapanood ko ay mukbang kaya lang mas lalo akong nagutom, kaya nanood na lang ako ng iba.

Ngayon napadpad ako sa isang vlog, showing how beautiful the Boracay is. The sand is pure white that never gets hot, beautiful shallow and still turquoise water, it's so beautiful there.

"Kaya pala hindi ka tumitingin sa'kin dahil may ibang babae kang tinitignan." I slightly jumped nang nandito na siya sa gilid ko.

"H-Hyun, it's not what you think." Sagot ko agad dito.

Nakayukom na ang kamao at mukhang mananapak. "Hindi siya yung tinititigan ko, okay—"

"Anong kulay ng cellphone niya?" Putol niya sa'kin.

Takang tinignan ko ito. "Cellphone?"

"A.no.ng.ku.lay.ng.cell.phone.niya. KANG SEULGI." Madiin niyang tanong.

I gulped, ano nga ba? Hindi ko matandaan.

"See! You're looking at the shrimp's body! Purket mas malaki ang hinaha—"

Hindi ko na ito pinatapos at kinabig na upang yakapin. "I promise, hindi 'yun ang tinitignan ko. Na amaze lang ako sa boracay, okay? Tungkol doon kasi 'yung vlog niya."

"Huwag ka na magselos, ikaw lang naman ang maganda sa paningin ko." Dugtong ko rito.

Hinampas niya ang dibdib ko. "I'm not! Tsk!"

She murmured something that I don't understand kaya natatawang hinalikan ko ang ulo nito.

That's what happened yesterday night. Binawi nga nito agad ang cellphone niya. Akala ko galit ito sa'kin, dahil hindi ako pinansin mula kagabi kaya kanina ko pa siya sinusuyo.

The Unwanted Husband (Seulrene) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon