Chapter 31

1.4K 46 35
                                    

Seulgi's POV

4 years later

"Babe! Nasa'n ka na?"

"Hinihintay na lang 'yung luggage ko. Why?" Sagot ko rito.

"Okay, we'll wait for you here sa labas. Bilisan mo. Bye, I love you!" Pinatay na nito agad 'yung tawag.

Umiling ako. Ilang buwan lang kami 'di magkasama kung makatawag wagas. Pang-ilang beses na niyang tawag 'yan.

I looked at my surroundings, it's been a long years huh. The airport is much bigger than before, medyo high tech na rin ngayon.

For the past few years, wala akong ginawa kung 'di palaguin ang business ko and travel around the world.

Remember when sinabi ko na nag-iipon ako for future use? Lahat ng naipon ko ay ginamit ko para magkaroon ng business.

At first, my only goal is to survive or find another job. But Jennie convinced me na itry rin ang business world, so, with the help of her, I finally open my first branch in Japan.

The day I left, me and Jennie go to Japan. Ilang buwan din kaming namalagi doon bago magtravel. Jennie is my travel buddy, palagi kaming magkasama magtravel whether for business or leisure purposes.

Me and Jen are inseparable. Ngayon lang kami nagkahiwalay ng matagal dahil may aasikasuhin daw ito sa Pilipinas na importante.

Once I got my luggage pumunta muna ako sa bilihan ng mga snacks. I promise to bring pasalubong to a kid, iyakin pa naman iyon.

Pagkatapos ko makabili lumabas na ako to look for Jen. Lumilinga lang ako sa paligid nang biglang may kumapit sa binti ko.

"Pa! Buhat me." I smiled when I heard her voice.

Agad ko itong kinarga. "My sweetheart! Kumusta ka na? Na miss ba ako ng baby ko?"

Pinugpug ko ito ng halik. "Stop it! You're putting laway on my face." She giggled habang pilit na inaawat ako.

Tinigilan ko lang ang pagpapak sa mukha nito ng makontento ako. "Where's my kiss baby?"

Umiling ito and crossed her arms. May pinagmanahan talaga. "No kiss, you put laway on my face!"

Nagkunwari akong malungkot at nagpuppy eyes. "No kiss for Papa?" I pouted.

Umiling ulit ito kaya pinugpug ko ng halik ang mukha nito. "You don't want to kiss me huh? Then I won't stop kissing you."

"Okay, okay fine. I surrender, I will kiss Papa na." Suko nito.

She kiss my cheeks and hug me again. "I miss you Papa. Where's my pasalubong?"

Natatawang hinalikan ko ang ulo nito. "In my bag, but for now let's find your Mom. Where's your Mom?" Tanong ko rito.

Gamit ang nguso, tinuro nito kung nasaan ang Ina niya. "There po"

Nilingon ko kung saan ito nakatingin. Jen is in the side, smiling habang naka crossed arms. Bitbit ang bag at Nini, lumapit ako sa pwesto nito.

"Hi! Long time no see." Nakangiting bati ko rito.

She smiled and kiss my cheeks. "I'm glad nakarating ka rito ng ligtas."

Binitawan ko muna 'yung luggage ko and gently hug her too. Buhat-buhat ko pa rin kasi si Nini, and I don't want na maipit siya.

She hug me back at hinaplos-haplos ang likod ko. "I miss you, Babe!" She whispered in my ear.

"I miss you too." I replied.

The Unwanted Husband (Seulrene) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon