Pagka galing niyang A.X dumiritso si Chandria sa condo ni Ysabelle , good thing gabi na syang dumating doon kaya nandoon na si Ysabelle pagdating niya. Niyakap lang siya nito ng makita ang hitsura niya. Hindi ito nagsalita hanggang sa tumahan siya sa pag iyak. Sinabihan din niya ang driver nila na wag magsabi sa kanyang mga magulang at may tiwala siya rito.
"What happened??" Tanong ni Ysabelle habang inabutan sya ng tubig. Tumabi ito sa sofa na kanyang inoopuan.
"Pinaglaruan nila ako . Pinagkaisahan nila akong lahat, ang mga magulang ko, ang kapatid ko, pati ang asawa ko. Ang sakit sakit,pinagkatiwalaan ko sila. "
Akala niya tapos na siyang umiyak pero hindi pa pala. Hindi matapos tapos ang luha niya sa pagpatak.
"Yung asawa ko, kilala nilang lahat, kilala ng mga magulang ko bago pa siya ipakasal sa akin. Kilala sya ng kapatid ko kasi magkaibigan sila, kaya gustong gusto nilang maikasal ako. At alam mo yung pinakasakit sa lahat,kilala ako ng asawa ko pero nagpanggap siyang hindi. Nagpanggap siyang ngayun lang ako nag exist sa buhay niya pero yun pala parti ako ng nakaraan niya."
"What?? Pa.. paano nangyari yun??"
"I saved him from those bullies. And I used him against my ex boyfriend.and yet he pretended he didnt know me at all. Diba?? Pinaglaruan lang nila akong lahat."
Hinagod ni Ysabelle ang likod niya at pinapakalma siya. There's a silence between them at ang hikbi niya ang maririnig.
Ysabelle sighed."Riya, you are my friend. At wala akong kinakampihan sa inyo, mapa asawa mo o ma pamilya mo. Ang sa akin lang, may karapatan kang magalit kasi pinagkaisahan ka nila. Tinanong mo ba kung ano ang rason kung bakit nagawa nila iyon sa iyo??"
"I did, but I didnt listen. Para saan pa, sapat na yung mga alam ko na hindi nila ako mahal, they only cared for themselves."
"Riya,dont close doors yet without hearing them. Maybe they had a reason why they lied to you. Hear them out first before you jump into conclusions. Saka mona pag iralin ang galit mo kapag wala silang maibigay na rason. Yun ang kilala ko na Chandria ."
Napatingin siya kay Sab. May point ito. Hindi din niya alam kung bakit ang bilis niyang magalit. Hindi din niya alam kung bakit sya nagkaganito. She used to make things fair . She used to think every problems in a positive way.
"May tanong pala ako,bakit hindi mo naalala agad si Alexander kung ang sabi mo ikaw ang nagligtas sa kanya? You should know him at the time the two of you meet."
"Yun na nga Sab eh,yun ang hindi ko alam. Bakit ngayun ko lang naalala?? Bakit hindi ko kaagad naalala si Hannah, sa unang kita ko palang niya. ?Wala akong naintindihan sa sarili ko. "
"Isa lang ang makakasagot sa mga tanong mo Riya. Its your parents. Talk to them first before you talk to your husband.okay??"
Tumango siya. Tama, ang mga magulang niya ang may alam sa lahat.
"For now ,take a rest. Okay?? I'll be on my room if you need anything. "
Tumayo ito at inalalayan siyang humiga. Ito na rin mismo ang nagkumot sa kanya.
"Thank you Sab."
Ngumiti ito sa kanya bago lumabas ng kwarto.
Kinaumagahan nagising si Chandria dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya. Kinapa niya ang cellphone na nasa bedside table . Hindi pa pala niya ito ino on simula pa kahapon.
Eksaktong pag on ng phone ang syang pgtawag ng kapatid niya. Why the hell that her brother called her? He's supposed to be busy at this hour."What?"
"Don't what-what me , little sis. Where are you??"
She rolled her eyes. Maybe by now , he knows everything.
YOU ARE READING
L O V E and L I E S ♡
RomanceShe's a nurse .!!! But theres a story in her past that she didnt know. Until she met him and be with him. And she found out that he is a part of her life since then. What would she do? Stay or run away!! ??