Matamlay at pagod para kay Chandria ang gabing iyon. Pakiramdam nya pasan nya ang mundo. Ang bigat bigat ng pakiramdam nya. Ilang beses ding tumawag si Xander sa kanya pero hindi niya ito sinagot. She missed him. Pero masasaktan lang sya kung patuloy syang aasa. Sya ang unang umayaw sa kasal nila kasi hindi nya tanggap. Pero ngayun kung kailan tanggap na nya saka nya malalaman na may iba itong babae. She was hurt , of course.
"Riya, susme, alam mo bang binolabog ako ng asawa mo kagabi?? Sabihin ko daw sa kanya kung nasaan ka?? Dami ko kayang text sayu kagabi , hindi mo ba nabasa?"
"Oo nga Sab. 50/50 yang text at tawag mo. Infairnes ha, counted mo pala pati text at tawag kailangan talaga balanse?"
Natawa ito sa sinabi nya.
"Eh kasi naman para naman ma feel mo yung care ko . Dba? San ka pala umuwi kagabi?"
"Sa amin. I mean sa bahay ng mga magulang ko."
"Hindi ka nagpaalam?"
Umiling sya. Obvious naman dba?? Hahanapin kaya sya kong nagpaalam pa sya.
"Aray.. bakit ka namimitik" aniyang hinimas ang noong pinitik nito. Minsan talaga nakapasadista nitong si Ysabelle.
"Namimilosopo ka eh."
"Wala naman akong sinabi ah".
"Yun nga, wala pero base sa pagkunot ng noo mo alam ko na kung ano ang nandyan sa utak mo."
"Eh d wow. Hindi ka na pala marites ngayun. Manghuhula din. Pwd mo ba ding hulaan kong sino ang makakasama ko habang buhay madam Ysabelle". Pagbibiro nya rito.
Tinitigan sya nito at sumeryoso ang mukha . Kapagkuway kinuha nito ang palad saka parang may binasa. She laughed the craziness of her friend.
"Pinakasalan mo na ang makakasama mo,nagduda ka pa ba?".
Ang tawa nya ay unti unting nawawala at napalitan ng simangot .
"Ang bilis naman magbago ng mood mo. Oh ano tungkol ba to sa nangyari kahapon kaya ka sa inyo umuwi??"
She sighed. Here we go again.
"Kailangan ko lang mag isa para makapag isip isip."
"Akala ko ba ok ka lang?"
"Ok lang naman ako ah."
"Yeah. Pigs can fly and fish can walk."
"Ang mean mo."
"Whatever. " anito at inirapan sya." So uuwi kana ba ngayon sa bahay ng asawa mo? Kung hindi pa isasabay nlang kita."
"Cge kukunin kolang ang phone ko sa locker ko. "
Tumango naman ito at nauna ng lumabas sya naman ay tinungo ang locker nya ng may humablot sa kanya at dinala sya sa isang bakanteng silid. She was about to shout when a familiar smell filled her nose.
"Alexander". Mahinang sabi nya sapat lang para marinig nito ang sinabi nya.
"Where have you been?? "Ive been searching you whole night and whole day Chandria. Ive been calling you and texted you but you didnt answer me.". Sabi nito sa mababang boses. Wariy pinigilan nito ang galit para hindi sya masigawan.
"Xander, Im tired . I want to go home besides Ysabelle is waiting for me."
Napabuga ito ng hangen saka sya kinaladkad palabas . Yung phone nya nasa locker pa.
"Sandali lang , yung phone ko . Nasa locker ko pa".
Napahinto ito at mapakla syang tiningnan.
"May phone ka pa pala. Akala ko wala na. Wag mo nang balikan. Hindi mo din naman gagamitin dba??"
Pagkasabi niyon ay kinaladkad na naman sya. Ng makarating sila sa parking lot, nanlaki ang mata ni Ysabelle ng makita sila.
YOU ARE READING
L O V E and L I E S ♡
RomanceShe's a nurse .!!! But theres a story in her past that she didnt know. Until she met him and be with him. And she found out that he is a part of her life since then. What would she do? Stay or run away!! ??