Kuya Andrei kept shooting sideward glances at me. From the passenger seat of his car, I could feel the curiosity burning behind his quiet eyes.
Hindi ko siya masisi. I couldn't stop the grin on my face.
Nang isang beses ko pang mahuli ang mga tingin ni Kuya, kinagat ko na ang labi ko at tumingin sa labas, sa mga dinaraanan namin.
"In love?"
Agad akong napatingin sa kanya, natatawa sa sinabi niya. "Agad-agad?"
At the red light, he tore his eyes off the road to turn to me.
"Kanina ka pa ganyan. You're only like that when you see your celebrity crushes." Binalik niya ang mga mata niya sa daan when the green light came on again. "Did anything good happen while I was gone?"
Good nga ba? Kahit anong angle ko kasi tingnan, parang hindi maganda ang kalalabasan nito.
"Maybe," simple kong sagot. I don't know.
"A guy?" pabiro niyang tanong.
Ngumiti lang ako at 'di na sumagot. Ayokong sabihing hindi. That would add up to my lies. Ayoko rin namang sabihing oo, dahil 'di ko rin naman kayang sabihin kung sino.
This was better.
Kuya Andrei suddenly swerved his car to another direction, making me turn back to him.
"Where are we going?"
Hindi kasi 'to ang daan pauwi. Hindi rin naman 'to ang way sa condo niya. I got a hunch kung saan kami didiretso pero wala naman akong makitang reason kung bakit pupunta kami sa bahay ng kambal ngayon.
"Tita Paula invited us over," maikli niyang sagot, nakatingin pa rin sa daan. He was nodding his head to the beat of the music, his fingers tapping the wheel lightly.
"Lahat tayo?"
"No, just us cousins."
My mouth turned into an 'o.' Tita Paula is the mother of Mathev and Kuya Paul. Like Kuya Onyx's mom, mahilig din mag-imbita nang biglaan. Naks. Sounds like may sudden DV night out kami ngayon.
"Sasama kaya sina Kuya Trav and Kuya Chris?" I wondered aloud.
"Unlikely," sagot niya. "They're wrapping up a lot of things before our Cebu trip."
"Oh, right," I said in understanding, "Ano daw meron? Why did Tita invite us over?"
Baka lang kasi may okasyon pala na nalimutan ko.
"Bonding," sabi lang ni Kuya.
Napangiti ako. I loved the sound of that.
***
Inabutan ko ang mga pinsan ko sa malaking garden nina Kuya Paul, sa may bandang pool. Naro'n na at nag-iinuman sina Gian at Kuya Nick, kasama ang kambal. Sa gilid naman, nag-iihaw na si Tito Matthew katabi si Tita Paula. Abala sila sa pinagkukwentuhan nila.
"Tita, Tito," bati ko bago yumakap sa kanila.
"Nando'n na ang mga pinsan n'yo. Samahan n'yo na, kanina pa 'yan naghihintay," sabi ni Tito Matthew.
"Where's Jacob? 'Di n'yo kasama?" tanong ni Tita Paula.
"Dumaan pang school 'yon, Ma!" sigaw ni Mathev. "Javee, Andrei. Dito na. Hayaan n'yo na sina Mama d'yan!"
Sabay kami ni Kuya Andrei na lumapit sa kanila. Mukhang kanina pa sila nagsimula dahil namumula na ang pisngi ni Gian kahit hindi pa naman siya lasing.
"Ba't ngayon lang kayo?" Kuya Nick asked with a cool smile. Siguro nanggaling pa sa masters si Kuya bago nagpunta dito. Nakasuot pa siyang white button-up shirt na lalong nagpalitaw sa pagiging mestizo niya.
BINABASA MO ANG
decoding the boys ✔️
Teen FictionJavee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Will their crazy, passi...