Saan ako nagkulang? Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko. Ano bang ginawa kong masama para lokohin ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang sobra? Was I really such a horrible person to deserve this?Pero habang tumatanim ang mga 'to sa isip ko, lalo kong napagtatanto na hindi ko naman kasalanan kung niloko ako. Ang nakakainis lang, hindi ko malaman kung saan magsisimulang ayusin ang buhay ko. They crushed my heart, my trust, my confidence-everything.
How do I go on from this?
Isang linggo akong wala sa mood. Hindi ako sumasama kapag lumalabas ang barkada. Ni hindi rin ako kumikibo kapag nilalambing ako ng mga kapatid ko. I asked for space, which they had reluctantly given. Puro tulog lang ang ginawa ko sa mga araw na 'yon. Hindi ko kasi kaya. Hindi ko kayang magpanggap na masaya ako habang naiisip ko kung pano ako tinraydor ng kaibigan ko.
Hiromi said Racel never loved her? That he loved me?
Could I trust her words? Kung totoong inagaw niya lang si Racel, bakit siya nagsinungaling sa 'kin? Kung hindi niya minahal si Hiromi, bakit hindi na lang siya umamin sa 'kin? And there was that jacket . . . and the photo. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.
In the second week that I was sulking and wasting away, Kuya Andrei got fed up and forced me out of my room. Dinala niya ako sa Vigan ng ilang araw para makapag-unwind. It helped to a degree dahil at least ngayon, nakakakain na 'ko without feeling na isusuka ko ang lahat ng mga nakain ko.
Then, on Saturday, the girls came to the house. Inimbita sila ni Kuya Travis para daw pasayahin ako.
Doon ko sinabi sa kanila ang lahat.
Ahron was beyond furious but she kept her silence. 'Yon ang nakakatakot dahil hindi siya nagsasalita at hindi ko alam ang nasa isip niya. Tahimik lang siyang nakaupo sa kama ko habang nakakuyom ang mga kamay.
Anjo and Maxxie were more expressive and colorful with their strings of curses. Naiiyak sa inis si Anjo habang galit na galit si Maxxie sa ginawa ni Hiromi. If I didn't stop them, they would've confronted her right there and then.
"So tapos? Ano ginawa mo? Sinampal mo ba? Kung ako 'yon babasagin ko pisngi no'n," sabi ni Anjo habang nanggagalaiti.
"Damn, J. Nakakapanginig ng laman. Paano niya nasabi 'yon? Ang kapal ng mukha," sabi ni Maxxie. Umupo ito sa beanie bag at bumuntong hininga.
"Iniwan ko lang siya do'n. Wala akong ginawa."
"What? BAKIT?" bulalas ni Anjo.
"She's our friend. How can you expect me to hurt her?"
"Pero sinaktan ka niya! Obviously, hindi kaibigan ang turing niya sa 'tin. Tangina, Jan! Masyado kang mabait. Kung hindi mo kaya, ako na lang ang gagawa para sa 'yo!"
Umiling ako. "'Wag na. Pangit mag-away dahil lang sa lalaki."
"Well, that's true," Ahron finally spoke up. "But tell me this. Are you still hoping you can fix this with her?"
I stilled, taken aback. Sa totoo lang, hindi ko alam. May part sa 'kin na gusto pang maayos ang lahat.
I nodded slightly.
Ahron cursed. "Well, fuck. 'Wag kang martyr. 'Wag kang tanga. Nag-evolve na ang mga ahas ngayon. Kung dati mga kaaway lang sila, ngayon kaibigan na. 'Di porket nasa harap mo, kaibigan na. Minsan sila pa yung matinding manakmal."
"Tama. Wag kang mag-alaga ng ahas sa bakuran," Maxxie agreed.
Nanahimik ako. They were right, as always. Gano'n naman lagi. Your friends would always be right dahil ang kapakanan mo lang naman ang iniisip nila. Sasaluhin ka nila kahit anong mangyari.
BINABASA MO ANG
decoding the boys ✔️
Teen FictionJavee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Will their crazy, passi...